Ako si Patty. Isang nerd. May BOYFRIEND ako, si Kian. Nerd din siyang kagaya ko.
Nagkakilala kami nung nagkalaban kami sa debate sa school nung high school pa lang kami. We've been together for almost 3 years at ngayon 2nd year college na kami on a different university.Simula nung tumungtong kami ng college, kahit magkaiba kami ng oras ng labasan, hihintayin niya ko sa labas ng gate ng university dahil ayaw niya akong pauwiin magisa. Sa loob ng 6 na buwan ganun siya sa akin. Until isang araw, unti-unti siyang nagbago. Pati sa itsura niya malaki ang nababago. Yung dating Kian na nakasalamin, nagco-contact lense na. Dati mahilig siyang magsuot ng long sleeves at slacks, ngayon, mas gusto na niyang naka t-shirt at pants or sando. In short, total hottie na ang hubby ko. Pero ang mas nakakapagtaka, dati, pag sinusundo niya ako at nale-late ako ng labas sa gate ng university, nakangiti siya at pasensyosong naghihintay. Ngayon, galit siya at nagrereklamo dahil daw mainit at nasisira ang porma niya. Hindi ko na kilala si Kian. Halos nagiiba na siya at pati ugali niya, di ko na kilala.
Tiniis ko si Kian sa mga ginagawa niya. Iniisip ko, baka napre-pressure lang sa school at nabubully na siya dahil sa pormahan niya noon. Iniintindi ko siya hanggang isang araw, ewan ko, nag-iba ang ihip ng hangin at hindi na umayon si tadhana sa amin.
Alas dos ng hapon (January 17, 20xx)
Pumunta ako sa university nila para sorpresahin siya. Kahit tirik ang araw at napaka-init, hinintay ko siya sa labas ng gate nila. Mula sa malayo, natatanaw ko na siya, kasama ng mga bagong kaibigan niya at pinapalibutan ng mga babae. Sumikip ang dibdib ko pero inisip ko na baka fans nila yun dahil kwento ni Kian sa akin noon na kasali siya sa basketball team ng university nila. Habang papalapit siya sa kinakatayuan ko, iba na ang itsura niya. Mula sa nakangiti niyang mukha habang kausap ang mga kaibigan niya, nag-iba ito at tila naging iretable siya nung nakita ako. Lalapit na sana ako ng bigla akong nabangga ng isang babae na nakayakap sa boyfriend ko."Tanga mo naman di ka tumitingin sa dinadaanan mo." sigaw nung babae sa akin. Di ko na lang pinansin. Sa halip, inayos ko ang sarili ko at nilapitan si Kian.
Ngunit bago ko pa man maibuka ang bibig ko, nilagpasan lang ako ni Kian at di pinansin. Kahit nung binangga ako nung kasama niya, di man lang niya ako nilapitan at pinagtanggol.
"Kian!" pagtawag ko sa atensyon niya.
Tumingin siya sa akin at bumulong sa babaeng katabi niya, hindi ganun kahina at di rin ganun kalakas pero sapat na para marinig ko ang sinabi niya.
'Wait lang babe, nandito na naman ang stalker ko.' umirap lang ang babae sa akin at nilapitan na ako ni Kian."Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Kian.
"Nandito ako kasi gusto kitang sorpresahin. Happy Anni-" pinutol niya ang kung ano mang sasabihin ko.
"Pwede ba Patty, mamaya na lang yan sa bahay. Pinapahiya mo ko sa harap ng mga kaibigan ko. Ayokong isipin nila na nerd at baduy ang girlfriend ko." pabulong na sabi niya sa akin.
Napayuko at napaiyak na lang ako ngunit di man lang ako pinatahan ni Kian or nagsorry man lang. Tinalikuran niya ako at inakbayan ulit ang babaeng kasama niya kanina.Aaminin ko, nagdilim ang paningin ko. Hinablot ko si Kian at iniharap sa akin. Pagkaharap niya, inihampas ko ang cake sa mukha niya at nagpakawala ako ng isang malakas na sampal. Muntik na kong sugurin nung babae, pero pinigilan siya ni Kian. This time si Kian na ang nakayuko. Siya na ang tahimik at di umiimik.
"Ano na Kian? Natahimik ka? Masakit bang masampal? Ngayon lang kita napagbuhatan ng kamay Kian. Sa loob ng 4 na taon Kian, ngayon ko lang ginawa sayo yan. Kasi sumusobra ka na. Hindi ka dating ganyan. Ni minsan hindi mo ko kinahiya, ngayon lang. Bakit Kian? Kasi nanatili akong ganito? Nanatili ako sa kung ano ang kinalakihan ko? Wala akong reklamo Kian nung nagbago ka, wala kang naririnig na salita sa akin, kahit ramdam ko na hindi mo na ko mahal." hagulgol kong sabi.
"Tapos ka na Patty? Ou girlfriend kita pero ngayon hindi na. Ayoko na sayo Patty. Hindi na tayo bagay. Di mo ba nakikita? Iba na ako. At mas marami pang babae ang kaya kong ipalit sayo." hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Inihagis ko na lang yung singsing na binigay niya at palayo na kong tumakbo.After 2 years, nagkita kami ni Kian. Ganun pa din siya. Mayabang at masama ang ugali. Balita ko naging cassanova na siya ngayon. Tinatawanan ko na lang siya ngayon. At ako, hindi niya ako kayang kausapin ng maayos at diretso. Kahit nga tumingin sa mata ko hindi na niya magawa. Bukod kasi sa ako ang boss niya sa trabaho, hindi kasi siya makapaniwala na nag-iba na din ako. Hindi na ako baduy at nerd. Ibang iba na ako sa babaeng sinaktan at tinalikuran niya.
Mahal ko pa din siya, hanggang ngayon. At hanggang ngayon tinatanong ko pa din ang sarili ko kung bakit nagbago si Kian. Baka may pagkukulang din ako. Yun ang hindi ko alam at ayoko nang malaman. Masaya ako, yes! Pero nasasaktan pa din ako kahit papaano sa tuwing nakikita ko siya.
BINABASA MO ANG
Bakit ka iniwan ng syota mo?
Dla nastolatkówBakit nga ba tayo iniiwan ng mga mahal natin? Halos binigay na natin ang lahat pero kulang pa din, nagsasawa pa din sila sa atin, iniiwan pa din tayo. Minsan ba natanong niyo sa sarili niyo kung bakit? Minsan ba inalam niyo ang dahilan o kung may ma...