One

739 12 1
                                    

"Gwapo ba gwapo?"

I gave Pleabis the most sour looking stare. Kanina niya pa kasi ako inaasar dun sa lalaking padaan-daan. Nakaupo kami sa cafeteria ng university para hintayin si Edward, my boyfriend. Pero anong ginagawa ni Plea?

"Shut your holes Pleabis! Eat this!"

Kinuha niya naman yung sandwich na tinulak ko sa mukha niya. Needless to say, kinain niya yun without any preamble ni wala man lang pagpapasalamat. Syempre. Pleabis Miranda. Ang P.G. ng school. Nakakainggit lang, hindi talaga siya tumataba. Nasaan ang hustisya?

"Perro frreengd arng ngwapo dngba?"

"Oh my god Plea ubusin mo muna yung kinakain mo bago ka magsalita!"

Kinuha niya yung coffee na inorder ko at nilaklak.

"Ang init ang init!! Wahh wahh!" kulang na lang at punasan niya ng tissue ang dila niya. Grabe lang. This friend could be all sorts of weird. Good thing I'm entertained.

"What's with the hurry? Para ka namang mauubusan ng pagkain!"

"Eh kasi. Aalis na si Alexis!" tinuro niya yung pretty boy na naglalakad habang nakatingin sa taas. Kanina pa siya parang may tinitignan doon habang palakad-lakad.

"Alexis who? Hindi naman eye-candy."

Geez. What's so interesting about the ceiling omg. Weird people are weird. At eto namang canteen people, ginawa siyang parang isang magandang tanawin. Gwapo ba? This guy can pass as a girl. I bet mas makinis pa nga ang mukha niya sa'kin. And why he's so petite na parang hindi pinapakain ng gulay ng nanay niya? And with the people staring, bakit hindi siya nadi-distract.

"Akala ko ba hindi eye-candy?" nahuli tuloy ako ni Plea na pinagmamasdan siya.

"I'm actually looking for something interesting in him. How did you even know his name?" I demanded. I dunno why I felt so embarrassed.

"Aheeee! That's what's interesting in Alexis. You didn't even realize sh—"

Hindi na naituloy ni Pleabis ang sasabihin niya ng may nagtaas ng boses.

"Ooops! Watch out!!"

Napalingon ako. Of course hindi ako pwedeng magkamali na boses ni Edward yun. Ang aking Julio Eduardo Aquino. Pangalan na pangalan pa lang, alam mong macho na. Yung tipong pangalan ng may buhok sa dibdib. Macho oolala papa.

Pero biro lang. Walang buhok sa dibdib si Edward. He's just as hot as hell na aura pa lang para ka ng masusunog.

"Sorry boss."

I surveyed the scene. Poor dude. Nagkabanggan pala si Edward at yung pretty boy. Sa payat ba naman ng katawan nung Alexis, syempre napaupo siya sa sahig. Si Edward ba naman ang babanggain? Kung saan-saan kasi tumitingin.

"Ingat ka naman Alexis." Sabi ni Edward as he pulled him up.

Geez, hindi ko alam na may brotherly side pala si Edward. Mabuti at tinulungan niya yung nabangga niya at hindi siya naging maangas ngayon.

"Salamat talaga boss!"

Sinundan ko na lang ng tingin yung Alexis habang lumalabas ng cafeteria. And he stared at him very fondly. Gusto ko tuloy matawa. Anong meron kay Edward na ang bait niya dun sa Alexis. Ni hindi niya nga pinagalitan or anything.

"Edward!" Sumigaw pa ako para maputol 'yung pagsunod niya ng titig.

"Babe." Edward pulled me close. "Hi Plea."

"Gutom na ako Edward." Reklamo ko. Ang tagal naman kasi lumabas ng boyfriend ko. Mga 30 minutes din kaming naghintay ni Plea sa cafeteria ng College Department kahit pinagtitinginan kami at naka-uniform pa.

Yep. Highschool pa lang kami ni Plea. At ako na ang jumo-jowa ng College Frat Man. Well. Love.

"Hay nako Georgina, kung di mo naman pinakain yung sandwich mo sa'ki—"

Pleabis has such a big mouth! Kung may sandwich lang ako ulit dito I might have shoved it in her mouth again. Hindi niya ba alam na naglalambing lang ako kay Edward.

"Akala ko George you're on a diet?" tanong ni babe. Siguro kumain na siya. I pouted.

"Why did you even ask me to wait in the caf kung di tayo kakain?" todo emote na ako habang yung mukha ni Plea hindi na malaman kung naiinis o natatawa. This friend. Ugh.

"Because babe." He kissed my cheek. "This is the only place we can meet. Hindi naman pwedeng sa loob ng campus. Bawal ang kids dun!" inasar niya pa ako. Kids daw kami. But the kiss. Omg. I have no proper rebuttal.

"Oo na oo na." I kissed him full on the lips. Pagtinginan na kung pagtitinginan. But this is Edward my boyfriend. Julio Eduardo Aquino. Ang may buhok sa dibdib. Haha.

"Aalis na ba ako? Sabihin niyo lang!" Pleabis is starting to feel like a third wheel kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Plea nemern!"

"Joke lang. Ako naman nag-volunteer na sumama dito."

Totoo naman. Ako lang naman talaga mag-isa ang naghihintay kay Edward palagi dito sa caf.

"Bakit ka nga pala sumama Plea?" si Edward na mismo ang nagtanong. Good thing. I don't wanna be nosy on others' business.

"OMG Kasi. Si ano... si ano..."

"SINO?" naiinip ako dito kay Plea. Ayaw pa sabihin.

"Si Alexis!" tapos namula siya na parang kamatis. I can't believe na crush niya yung pretty boy na parang wala man lang machismo. Joke.

"I can't believe you Plea. Kaya ka pala sumama. Babe oh. Crush niya yung nabangga mo."

"Haha. I'm not surprised. Daming may type dun." Napapailing si Edward.

"Not surprised?! Babe, ako ang surprised sa'yo. Nabangga ka na nga, parang may fondness ka naman sa Alexis na yun. Tinulungan mo pa tumayo."

"Lalaki pa rin ako George."

Huh? Di ko nag-get ang sagot ni Edward ha. Ano naman kung lalaki siya. Given na yun.

"Di ko pa rin gets what's so interesting about him."

"Him? Friend? Hindi mo talaga alam?" gulat pa rin si Plea.

"Naputol kasi yung sinasabi mo kanina eh. Ano nga ba yun?"

"Babe. Mas maganda ka lang ng kaunti kay Maxene Alexis Cruz."

"Friend. Lesbian yun. Tibo."

OMG. I swear hindi ko alam!"

I Love Her NOT (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon