I can't believe this. Naging conscious na tuloy ako when I learned na babae pala-- este tomboy si Alexis. The fact na akala ko talaga lalaki siya, oh c'mon that's something right?
"Plea where are you?" tinawagan ko si Pleabis dahil hindi niya ako sinamahan today sa cafeteria ng College department. As usual matagal na naman lumabas si Edward dahil busy na naman si boyfie.
"Kumakain why?"
"Samahan mo na ako dita sa caf, please! Nandito naman si Alexis eh. Sige na!" pagpipilit ko sa kanya. Syempre, napagalaman ko nung last time na may crush siya dun sa tomboy na nasa harapan ko.
The Maxene Alexis Cruz. Chiseled face tomboy na nasa harap ko ngayon. Kumakain ng spaghetti. Oh my god. Ayan tuloy tinititigan ko na tuloy siya ng sobra-sobra. She's somewhere between beautiful feminine and masculine handsome. Binabawi ko na ang sinabi kong mukha siyang flower boy dahil hindi. Hindi mawari!
"Jusko Georgina, hindi ko naman super crush si Alexis para pumayag na maging 3rd wheel niyo ni Edward mo!"
=__=
She's seen through it. Malamang alam niya na magiging third wheel siya if ever.
"Please." wala na akong nasabi. Touche na kasi.
"No George. I'm eating. Better yet, sabihan mo yang boyfriend mo na tigilan niya na ang pagiging late. Masama kayang pinapaghintay ang babae."
*tooot tooot tooot*
I can only look at my phone. Pinutol na kasi ng bitchesang si Plea ang tawag. Aaargh!!
Itinungo ko na lang yung ulo ko sa mesa para di ko na rin gawing hobby yung pagoobserba kay Alexis. Jusko, malapit ko na siyang gawing specimen under observation.
Di naman sa naggwapuhan ako sa kanya ha? Pero... Amazed lang ako, kung paano ako nalinlang ng mukha niya. Weird kasi. Karaniwan, nahahalata ko naman kung bakla o tomboy ang isang tao eh. Pero bakit? Bakit ganun?
*rrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggg*
"ANO YUN?!"
Malakas na ingat ang umalingawngaw. Hindi maintindihan kung anong alarm yun. Hindi naman ganoon ang alarm ngpagtatapos ng isang period eh. Hindi ganun.
Nagtakbuhan na ang mga tao. Bakit? Anong ginagawa nila? Hindi ba dapat kumalma kapag mga oras na ganito? Hindi kailangang magpanic?
Kalma ka lang Georgina Eirene Albania. Kalma.
Pumikit ako at inisip ko kung anong gagawin sa kabila ng kaliwa't kanang pagtakbo ng mga nasa paligid ko.
"ARAY!" hanggang sa may bumangga sa'kin at napahiga ako. "aray! Ouch!" omg, natatapakan na ako ng mga tao. Hindi ba nila nakikita na nasa sahig ako?
"ANO KA BA?! NGAYON BA ANG PANAGHON PARA HUMIGA KA DIYAN?!" sigaw ng isang taong di ko maaninag.
Kaya ayoko ng stressful situation, hindi ko kinakaya. Tama na ang mga nangyari noon. Bago pa ako panawan ng ulirat, naramdaman kong may bumuhat sa akin.
Sana si Edward. Sabi ng utak ko.
***
Amoy fresh mountain. Hindi ko pa maalala kung anong nangyari kaya medyo panandaliang sumakit ang ulo ko.
"Okay ka na?"
O___O
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"ANONG GINAGAWA KO DITO?!" nagpanic ako. Tska ko lang kasi narealize na nasa kotse pala ako. Maganda ang ginamit na air freshener kaya akala ko talaga gumising ako sa bundok. At ang mas lalong nakakagulat, nakahiga ako sa lap.
Lap ni Alexis.
"Wag ka ngang OA" she said coolly.
Grabe, muntik ko ng makalimutan na galit ako, kasi sa malapitan, kay gandang babae!
"ANO NGA KASING GINAGAWA KO DITO?!" umupo ako ng maayos at nagpamewang.
"I didn't touch *gulp* you okay?"
Tumingin siya sa dibdib ko. OMG. Did she just stare at my boobs? This dufus!
"Ouch!" hinampas ko siya sa ulo. "Is that your way of saying thank you?"
:/
Nakonsensya naman ako
"Sorry Alexis."
"It's fine, George."
And then I realize, alam pala namin ang pangalan ng isa't-isa kahit hindi pa man kami nagpapakilala.
BINABASA MO ANG
I Love Her NOT (Lesbian Story)
Romancewala akong pakialam sa sasabihin nila. Hindi kasarian niya ang minahal ko. Kundi siya mismo.