Ako si Jasmine Fortalejo.
Isang babaeng tanga pagdating sa pag-ibig.
Hindi ko inaasahang mamahalin ko siya ng sobra.
Hindi ko rin inakalang masasaktan ako ng sobra.
Mahal na mahal ko siya pero hindi niya magawang pansinin 'yon.
Mahal na mahal ko siya pero patuloy pa rin siyang naghahanap ng iba.
Mahal na mahal ko siya pero puro sakit ang ibinabalik niya.
Ako ba ang tanga na habol ng habol sa kaniya kahit wala namang pag-asa...
O siya na hindi ako kayang mahalin pabalik kahit alam niyang hindi ko magagawang saktan siya?
"Jasmine ano ba?! Tigilan mo na 'to. Tigilan mo na ako. Sawang sawa na ako sayo okay?! Sobrang kulit mo. Hindi kita kayang mahalin. Ilang beses ko pa bang ipapaulit ulit sayo 'yon?"
Sobrang sakit. Siguro nga panahon na para sumuko na ako. Panahon na para tigilan ko na ang pagsakit ko sa sarili ko.
Ilang salita lang ang lumabas sa bibig ko pero punong-puno ito ng hinanakit.
"Can you please teach me how to unlove you?"
BINABASA MO ANG
How To Unlove You?
Teen Fiction"Can you please teach me... How to unlove you?" ~ Jasmine Fortalejo