Chapter 2
Mayaman, Maganda at Matalino ako, Oo alam ko na yun. Pero dahil sa naniniwala ako na Education is the most powerful weapon for changing the world blah blah blah, I decided to go to school again and finish my degree.
This is my first day of school, first day of school kahit na in a few days eh Prelim exam na. Who gives a fuss anyway, Matalino ako at kaya kong ipasa ang exams in a blink of an eye. Hindi ako mayabang, I'm just stating a fact.
Isa pa, Ayokong mag stay sa bahay. Nai-stress lang ako kapag nakikita ko ang pangit na pagmumukha ni Doray.
This University is a huge. Maraming estudyante rin pala ang pumapasok dito meaning maraming can afford ang tuition fee. At ang nakakainis kapag ganito kalaki ang school ay ang mga estudyanteng pakalat-kalat. Yung iba naninigarilyo pa kung saan saan.
Dapat magkaroon ng smoking area dito, para hindi nagkalat ang mga naninigarilyong hampaslupa na dinadamay sa Cancer ang mga inosenteng tao!
Habang naglalakad ako, kanya kanyang bulungan naman yung mga tangang tao dito. Kaya lalong pumapanget eh, mga tsismosa.
"Uy girl sya ba yun? yung transferee daw?"
Bulong nang isang hipon.
"Ay Oo nga sya yun. halata naman mukhang baguhan eh"
sagot naman nung mukhang isda. Kapal ng lips grabe.
Yung totoo, school ba talaga tong napasukan ko o Dagat Landia?
Puro Sea Creatures lang kasi ang nakikita ko.
"Mataray daw yan eh,"
Seriously nagbubulungan ba talaga sila? di kasi obvious na ako yung pinag-uusapan nila. eh.
Pero ok lang yan. Tama yan.
Pag-usapan niyo ako.
Yan naman ang gusto ko.
"Hah ewan ko nalang kapag naka harap na nya si Miss Izza"
Whoaw..
Sino kaya yung izza na yun at parang feeling nila ehh ka level ako nang tunog Izza-w na yun.
Tingin ko magiging exciting tong pagpasok ko ah.
Kaya dumaan ako mismo sa gitna nila.
"ehemm"
at sabay ko silang tiningnan mula ulo hanggang paa walang pinag kaiba.
sabay silang napatingin at nagulat pa.
"Tabi"
nagmadali silang tumabi.
buti naman marunong silang lumugar. At dahil pinag tsismisan nila ako kanina, may reward ako sa kanila.
humarap ulit ako sa kanila.
at tiningnan yung suot nila.
"Hindi lahat ng babae binabagayan ng leggings, kaya please, wag ng ipagpilitan! nakakasulasok sa mata!"
Well, Karma had no menu. You get serve what you deserve. Tuluyan na akong umalis.Iniwan kong shocked ang panget nilang mukha with smile on my beautiful face. Don't they know, talking behind someone's back is rude.
I felt relief as I found where my classroom is. Naabutan ko namang nagtuturo na ang babaeng professor. How can I see it? Simple lang, glass ang bintana ng classroom at hindi din naman ganun ka sound proof kaya dinig parin hanggang labas ang kaingayan ng mga estudyante.
In fairness maganda yung professor. Hindi sya naka make-up, tanging lipstick lang ang nakalagay sa mukha nya, pero mas maganda parin ako. Mukhang birhen ang professor, kaya siguro hindi magawang pakinggan ng mga damuhong estudyante na to.
What to expect? Brats and Jerks ang karamihan sa nag-aaral dito. I feel sorry for this girl. Mukha kasing hindi nalalayo ang edad nya sa amin eh.
"Class please be quite!!!"
Saway ng prof. sa mahinhing boses habang inaayos ang makapal nyang salamin. But to no avail, wa epek parin. Nakakatangang panoorin ang katangahan ng professor na to.Walang pasabing binuksan ko ang pintuan at isinara ito ng buong pwersa dahilan para makuha ko ang attention ng lahat.
How I love attentions
Naglakad na ako papasok at dumiretso ako sa pinaka unahang upuan. Doon mismo sa harapan kung saan pwede akong makipag eye to eye sa professor. Bakit? Para asarin sila, para makita nila kung gaano ka-hindi interesante ang ginagawa nila.Then I handed my COR to my prof. Inabot ko lang ito ng nakaupo at hinayaan kong sya ang mag effort na lumapit sakin para kunin ito.
She just signed it. Tapos nag-ring na yung bell. Sabi ko na nga ba eh, walang kwenta rin ang pagpasok ko.
At dahil ayoko pang masilayan ang mga panget kong katulong sa bahay, dumiretso nalang ako sa SM Aura para mag shopping.
At dahil feel kong magtipid ngayon, dito nalang ako sa forever 21 namili.
I was about to pick the elegant black dress na alam kong bagay na bagay sakin when someone shout at me with a high-pitched voice.
"Hey Bitch that's MINE"
Automatic na napunta sakanya ang attention nang lahat. Pwe, isa nanamang nagmamagandang tae.
Lumapit sya sakin with so much confidence on herself. Duh!
I scanned her from toe to fa--wait! bakit parang wala naman ata syang face?
