Maybe's P.O.V
" whaaaaaaaaaaaaaaaaa !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
" Inat "
" Inat "
" Antok pa ako tss -.- "|
Monday ngayon kailangan na namang pumasok !
hindi first day of school ngayon
hindi rin second day DUH !! October na po ngayon ><
at kahit labag sa loob ko , bumangon na ako at naligo na 5:00 na mamayang 5:30 andyan na yung service ko mala-late na naman ako . Kaya naligo na ako pagkatapos diretso almusal , nag toothbrush na ako , mag susuklay na sana ako ng bumusina na yung pesteng service ko -.- kaya dinala ko nalang yung suklay at sinabit sa buhok ko . Dun na lang ako sa tricycle mag susuklay ><
Oh ! sorry nakalimutan kong mag pakilala dahil sa pag mamadali ko .
Ako nga pala si Maybelyn Capili Senior Student , Only Daughter ng aking mga magulang . Hindi naman kami mayaman sapat lang para makakain ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw . Syempre kasama na dun yung merienda at midnight snack pag nag pupuyat ako haha ( anyway bakit dyan napunta yung usapan ? ) So i was saying ( ngayon English peg naman ? -_- )
Okay eto na talaga . So ako ay may pagka Boyish pero hindi ibig sabihin eh tomboy na ako >< Sadyang parang lalaki lang ako kumilos at wala sa vocabulary ko ang pag aayos like some girl stuff you know ? may pagka weird din ako minsan at syempre may mood swing at sobrang mainitin ang ulo ! SHORT TEMPER at higit sa lahat pag sobrang naiinis ako nagiging Expression ko ang CUSSING ( aba ! sorry naman ! hindi ako santo nag mumura din ako )
PERO kung sa study naman syempre kahit ganito ako masasabi kong mabuting Estudyante naman ako . Yung Top 1 at Top 2 namin ? Agawan ko yun ng pwesto eh ! hahaha joke lang Bestfriend ko kaya yung Top 2 namin si hubs .
Mula rito natatanaw ko na ang aming paaralan well yah ! this is a Public School ! What can you expect ?! PRIVATE ?! ayako nga dun mga SOCIALITE tao dun na akala mo matatalino ang bababa naman ng I.Q . FEELING magaganda mapuputi lang naman upakan ko sila eh !!!
so bakit nga ba tayo napunta dyan ?
nag lakad na ako sa hallway para makapunta sa room namin . Tatlong palapag pa naman yung Building buti nalang yung Room namin nasa 1st Floor lang kaya kahit papano hindi mahirap umakyat .
pumasok na ako sa room at sa aking inaasahan maingay na dahil mga nag dadaldalan na naman ang classmate ko . GHAD ! SO ANNOYING !!
" UY ! "
AY ! PUTA ang gulat ko naman
" ayan na ba ang bagong GOOD MORNING ngayon HUBS ?! "
sarcastic kong pagkakasabi habang idinidiin ang mga piling salita haha
" BADTRIP ?! AGA-AGA ! " sagot nya
siya nga pala si hubs siya ang Bestfriend ko si Jona Aniano at sya lang ang nakakaintindi sa akin kasi parehas kami ng pag uugali . MAS MASUNGIT NGALANG SYA AT BIPOLAR .
" Ano na naman yang kwine-kwento mo sa readers ha ?! " taas kilay nyang tanong
" wala naman " pang aasar ko
" teka nga ganon ba kahangin sa labas at nagulo yang buhok mo ? O sadyang hindi lang uso ang PAG SUSUKLAY sayo ? " pang aasar din nya
" Eh ! kasi yung service ko ang aga-aga na naman nanundo " pag papaliwanag ko
" Ang sabihin mo ala-singko ka na naman nagising kaya hindi kana nakapag suklay ! sinisi mo pa yung service mo "
tsk. wala talaga akong lusot dito ><
" nakalimutan ko lang " sagot ko
" obvious nga nakasabit pa yang suklay sa buhok mo eh ! " may pagka sarcastic nyang sabi
" hehe " yun na lang naisagot ko
" akin na nga " sabay kuha nya nung suklay sa ulo ko at sinuklayan ako .
sus kunyari pang galit gusto lang pala ako suklayan si bestfriend takaga oh :)
" ang sweet naman anong nakain mo ? " pang aasar kong tanong hehe
" che ! huwag ka ngang malikot ! " inis na sagot nya
hindi kasi yan sweet minsan lang . hindi sya showy like others .
" OH ! AYAN ! tao kana ! sakto andyan na si Ma'am " hehe tao talaga
pag katapos nun dumating na nga si Ma'am at nag turo ng
" BLA ! BLA ! BLA ! BLA ! " BWAHAHAHAHAHA
vote&comment :)
BINABASA MO ANG
Hello Kitty Meets Pikachu :))
FanficSabi ng teacher ko sa Physics kailan pa daw nag kita at nag kasundo si Hello Kitty at Pikachu ? Kayo sa tingin nyo pwede nga ba yung mangyari ? Paano kung hindi ? Posible nga ba ito o rayot lang din ang dala nila ? Magkasundo kaya sila ? Mukhang p...