First Day
Unang araw ng klase ngayon. Third Year High School na ako rito sa eskwelahang ito. Medyo nakakapanibago dahil bagong lipat pa lang ako sa St. Ysabelle Academy. Nagkaroon kasi ako ng conflict dun sa dati kong school. Pero, ayoko na rin namang alalahanin 'yun. Parang isang bangungot nalang din sa akin 'yun.
*KRIIIIIIIIIIIING*
At dahil kailangan ko ng maghanda para sa pagpasok, bumangon na ako't naghanda para sa pagpasok. Ayoko rin kasing nagpapagising kay Mommy o kaya kay Manang. Hindi naman nila ako pinalaking spoiled brat. Masasabi kong nabubuhay ako sa magarang bahay. Ang negosyo ng pamilya namin ay tanyag dito sa bansa ngunit ayaw ko namang ipaalam sa iba na ako'y isa sa mga anak ng pamilyang Cruz - de Luis.
"Manang Rosie, papasok na po ako. Pakisabi po kay Mommy magti-text nalang ako sa kanya pagkarating ko."
"Oh, sige. Mag-iingat ka, Farrah. Ang mga kuya mo ay kagigising pa lang. Hay nako." Aniya.
Si Manang Rosie ay matagal nang nagtatrabaho sa pamilya namin. Parang ko na rin siyang nanay-nanayan tuwing nasa ibang bansa si Mommy.
'Yung sinasabi naman niyang mga kuya ko ay kabaligtaran ko naman, kilalang-kilala sila bilang "The Gemini". Well, obviously, kambal sila. Sila sina Ethan Isaac at Erick Israel, sikat sila since sila ang mga nakasunod sa yapak ng angkan. College na sila kaya hindi ko na rin sila naging schoolmate.
Ordinaryo lang ako sa mata ng ibang tao dahil simula nung nagkamalay na ako, ginusto kong magkaroon ng tinatawag na 'privacy'. Isa lang akong tipikal na nerd sa paningin ng mga tao. Dahil na rin siguro sa aking sandamakmak na pimples, braces at eye glasses. Tinatanong na nga ako minsan ng mga kuya ko kung bakit hindi man lang daw ako nag-aayos. Dinaig pa kasi nila ako sa pagiging vain. Halos mahiya kasi 'yung pimple na dumapo sa mukha nila.
"Sige po."
Pagkarating ko sa school, walang pumansin sa akin. Hmm... Minsan talaga naiisip ko na nakikipagkaibigan lang 'yung iba para makipag-social climb.
"Hmm... Room A-306? Hay. Napakarami namang building dito." Sabi ko sabay ihip sa bangs ko na nakaharang sa mga mata ko.
Naglalakad ako. Nang pakiramdam ko ay malapit ko ng makita 'yung room ko. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong tao. A-300... A-301... A-302... A-303... A-30-- BOOGSH!
Aray ko po. Nakakahiya naman ako. Ang malas! May salamin na nga ako't lahat tapos nakakabangga pa ako...
"Sorry. Sorry po---" Napahinto ako sa pagsasalita nang nakita ko may dugo 'yung bandang kilay nung nakabungguan ko. Takot ako sa dugo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Huh? That's fine. I'm in a hurry. I didn't notice you. Mi--- Miss? Are you o-okay?!" Sabi nung lalaking nakabunggo ko.
"M-may d-d-dug-go. May dugo." Sagot ko sabay turo sa may kilay niya.
"Huh? It's alright. But what is wrong---" Hindi na natapos nung lalaking nakabangga ko 'yung sasabihin niya nang may tumawag sa kanya.
"Yo! Kuya Zac!!!" Sigaw nung magandang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Napatingin siya sa akin, at tinitigan niya ako ng matagal saka ako nginitian. Tinignan ko rin ang lalaking nakabangga ko at parang kasing edad ko rin siya.
"Uhm. Hello! I'm Eunice Louisse Villegas. Yuni nalang. You are?" Aniya. Nagulat ako sa pag-aalok niya sa akin ng kamay. Bago ito para sa akin kaya tinanggap ko na rin ito. Nagaalangan akong sabihin ang buong pangalan ko-- Farrah Ianna (Ayana) de Luis. Kaya...
"Hi... I'm Farrah de Luis." Sabay ngiti ko sa kanya. Parang may kakaiba sa pakiramdam ko nung hinawakan niya ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko inirapan niya ako. Ewan ko. Ilusyon ko lang siguro 'to.
"Transferee ka siguro, ano? Eto nga palang kuya ko ay si Zachaeous de Luna. Pinsan ko siya." Sabi niya sa akin. Muli siyang bumaling sa tinatawag niyang Kuya Zac na ngayon ay parang tulala, "Ayos ka lang ba, kuya?"
"Ah... Y-yeah... yeah..." Sabi niya ng nakatitig sa akin, Kaya parang nailang ako. May mali ba sa mukha ko?
Ang aga-aga ang dami na kaagad nangyari sa first day ko.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note: Hi guys! Enjoy reading! Sorry sa typographical errors? *hearts* - C x

BINABASA MO ANG
If Wishes Came True
Teen Fiction"Thanks to puberty. Handa na ako. Hindi na uli ako magtitiwala. Minsan niyo na akong niloko, hinding-hindi na ako magpapauto. Makikita mo, Mr. Ioanne Zachaeous de Luna!" Ngunit may mga parte pa rin sa puso ko na tila gumuguho. Sana malapagsan ko ito...