Operasyon #6

23.6K 115 4
                                    

N O T E : May pasok na uli kami bukas :(  pero sa thursday pa ako papasok hahaha tamad eh

=

Pagkauwi ko, nakita ko yung kuya ko na nakangiti mag-isa. Ngayong 10 pm na, nakangiti parin siya. Nakakainis! parang may sayad yung utak.  Tinanong ko naman siya kung bakit siya nagkakaganon, sabi niya nakita niya na daw yung babaeng mapapangasawa niya.  Pagkatapos niya sabihin yun ay iniwan ko na siya mag-isa.

Nandito na ako sa kwarto ko, bumalik sa alala ko yung nakita ko... Hindi parin ako makapaniwala na papatol si Rose sa isang matanda. Hindi naman niya lolo o tatay yung matandang yun dahil nakilala ko na yung buong pamilya niya nung kami pa saka sabi niya namatay na yung lolo niya sa father at sa mother side. Naghihirap na ba sila? Hindi naman siguro.

Teka, bakit ko ba siya parang concern ako sa kanya? Mahal ko parin kaya siya? Hindi eh, imposible.  Itutulog ko na lang to.

-

Pumasok ako ng puyat dahil hindi ako makatulog dahil nga sa nakita ko. Gusto kong iumpog yung ulo ko sa pinakamalapit na pader para mawala lang yun sa utak ko.

Pagkapasok ko ng classroom, mabuti absent yung teacher dahil late na ako. Nag-uusap yung mga magkakaibigan. May nag-aaway pa nga eh. Sinabi nung babae kong kaklase "Ginagago mo ba ako? Tinapak tapakan mo ko! Tinapakan mo yung pagkatao ko!" Gagamit na nga ng linya yung gasgas pa. Mga babae talaga mga papansin. 

Hinanap ko si Loraine. Nakaupo siya malapit sa may bintana. Nakasuot siya ng earphones para magpatugtog. Nagbabasa rin siya ng bago niyang libro na Thirteen reasons why. Hinding hingi ko ata makikita si Loraine na walang libro. Wala eh, hilig niya magbasa.

Pagkatapos kong tignan siya ay pumunta na ako pwesto kung asan sila Richard at Bryan. Kasama nila sina Janiela at Meryl.. Naglalandian nanaman sila. Umupo na ako bakanteng upuan malapit sa kanila.  Matutulog na lang ako para makabawi ng tulog.

-

Naging mabilis ang takbo ng araw. Hindi ko muna kinausap si Loraine dahil hindi ko feel. Uwian na ngayon. Nakita ko rin pala yung matandang kasama ni Rose kanina nung lunch. May binibisita atang estudyante. May anak siguro yun dito.

Kwinento ko rin sa tropa yung tungkol kay Rose pati yung nangyari samin ng pinsan ni Loraine na si Kyla. Nag-asta na parang asong ulol si Bryan na parang sabik na sabik tikman si Kyla. Buong detalye kasi ako nagkekwento. Tinext ko si Kyla kung gusto niya makipagthreesome samin ni Bryan, pumayag naman siya. Pumunta daw kami sa kanila sa sabado. Nadismaya si Bryan dahil pwede namang bukas na lang bakit sa sabado pa. Atat na atat tuloy si Bryan sa sabado.

Si Richard naman ay walang balak sumama. May iba daw siyang gagawin sa sabado. Tinanong namin kung ano, Hindi niya kami sinagot at sinabi niya na lang na hindi importante yun. Dahil hindi naman importante, hindi na namin pinilit ni Bryan na sabihin niya kung anong gagawin niya sa sabado.

Umuwi na yung dalawa kaya naiwan ako mag-isa. Napagdisisyonan ko kasi na magpasundo na lang. Nakakainis wala man lang  magandang babae sa paligid. Sinuot ko nalang ang earphones ko at nagsimulang magpatugtog. Pinaparinggan ko ang kantang 'Gorilla' ni Bruno Mars

Nagtingin tingin ako sa paligid. Nakita ko si Loraine na nag-iintay ng sundo.Di nagtagal ay dumating na yung sundo niya.  Sumakay na siya sa itim na sasakyan. Pamilyar sakin yung sasakyan na yun.. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita iyon. Dahil hindi ko talaga matandaan, hindi ko na lang inalala.

-

Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin, nakita ko si Rose sa nag-aabang. Di nagtagal ay nakita niya rin ako. Tumakbo siya sakin at yinakap ako. Hinalikan niya rin ako sa labi ng mariin. Ang sarap parin ng halik niya. Di pa rin nagbabago. Biglang naalala ko yung matanda niyang karelasyon(siguro) ay tinulak ko siya palayo

Nandidiri ako sa kanya...Nandidiri in ako sa sarili ko na nagpahalik ako sa kanya. 

"Osh please... come back to me... tulungan mo ako" sinabi niya yun habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Dahil sa naawa ako sa kanya, Pinapasok ko siya sa loob ng bahay. Swerte at walang tao sa bahay. Pag nakita siya ni kuya ay paniguradong magaglit yun.

Kwinento niya sakin ang buong nangyari. Naintindihan ko na ang lahat. Kailangan niya ng tulong ko. Ang sama ko dahil hinusgahan ko siya agad. Pinauwi ko rin siya agad dahil nagtext na si kuya na pauwi na siya. 

Nang makalabas na ng bahay si Rose, sinuntok ko ng malakas yung pader. Gusto kong patayin yung matandang yun dahil sa ginawa niya kay Rose.... sa pinapagawa niya kay Rose...

Hindi ko alam kung anong klaseng tulong ang gagawin ko pero alam kong handa akong gawin kung ano man yun dahil nakasiguro na akong mahal ko pa rin siya...

=

Sorry kung sabaw.. 8 votes to continueee

Operasyon : Laspagin si LoraineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon