Chapter 2

3 0 2
                                    

Arzadean Academy: Chapter 2

Luke's POV:

Palinga linga ako sa paligid. Sobrang laki talaga ng paaralang ito! Hindi ko makita ang tatlo. 'San ba kasi nagpunta yung mga 'yun? Mga loko talaga iniwan na naman ako. Tsk.

Lakad lang ako ng lakad at nakarating ako sa gate ng paaralan. Aish! Bakit ba ako bumalik dito? Gago talaga 'yung tatlong 'yun eh pinapahirapan pa ako! Tustahin ko sila eh..

Aalis na sana ako para tumungo sa field dahil mukhang magsisimula na ang welcome ceremony pero nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng palinga linga rin sa paligid. Nag-iisa lang siya at mukhang wala siyang kakilala rito and I think bago lang siya dito dahil bakas sa mukha niya ang pagkamangha.

Lumakad ako sa kinaroroonan niya. " Damn, I hate attention." ang naibulalas ko nalang. They are staring at me again at kung nakakatunaw lang ang mga titig nila, baka kanina pa ako natunaw dito. Alam kong gwapo ako pero nakakailang naman at baka mamaya niyan hinuhubaran na pala nila ako sa isip nila. Tsk.

" Hi! Are you alone?" Ang tanong ko sa kaniya.. she's beautiful. May katamtamang taas, petite and she has a long straight brunette hair. She has a a white complexion and she's really fair. Ang ganda ng brown niyang mata..

Nabigla yata siya sa biglang pagsulpot ko at nanlaki pa ang mga mata niya ng makita ang mukha ko.

" Ah.. oo." Nahihiyang sabi niya at namula pa ang mukha. Napangiti na lamang ako. Well, hindi ko siya masisi. Gwapo ako eh. Haha!

" Ganun ba? Well, I can accompany you for a while. I'm Luke." Sabi ko at nilahad ang kamay ko for a handshake.

Hindi naman ako nabigo dahil nahihiya man, tinanggap niya parin and at the moment our hands touch, nabigla ako. Biglang nanlamig ang kamay ko sa hindi malamang kadahilanan at ramdam kong may dumaloy na parang kuryente sa buong katawan ko papunta sa aking kamay. Bigla kong binitawan ang kamay niya na ikinabigla niya.

" S-sorry. Nabigla lang ako. So, what's your name?" Ang naitanong ko nalang na ikinapula ulit ng mukha niya. Napayuko siya ngunit napatingin ulit ng diretso sa akin saka ngumiti.

" Nixyn." Ang sabi niya. Napailing na lamang ako sa isip ko. Bakit ang ikli magsalita nito?

" So nice to meet you."

" Ikaw rin.."

Napakamot na talaga ako ng batok ko. Mahiyain ba talaga ang isang 'to? But I find it cute. 'yan ang tinatawag na dalagang pilipina! Sobrang hinhin niya in every way.

Pero napatingin kaming bigla sa unahan ng may nagsalita doon sa gitna. The ceremony is about to start.

" Magsisimula na pala.. so let's go?"

" O-okay.."

Tumungo na kami sa field sa kanan kung saan nakalinya ang mga juniors. Sa kaliwa naman ang mga seniors.

Sa gilid ko lang si Nixyn at hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kaniya. Sobrang nagtaka talaga ako nung nahawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero isa lang ang masasabi ko. Kakaiba siya..

" This will gonna be exciting." Ang nasabi ko.



















Nixyn's POV:

Hindi ko alam kung bakit ako nilapitan at kinausap nitong si Luke. Well thankful rin ako dahil kahit papaano ay may nakakausap ako. He's really friendly. He's really tall.. he has a brunet hair and ang kinis ng maputi niyang balat. In short, gwapo siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arzadean Academy ( School of Mutants )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon