Lean on me ( VhongRylle)

69 1 0
                                    

Natapos na naman ang isang masayang episode ng It's Showtime at dahil professional ang dalawa parang walang nangyari sa kanila kagabi pero kita ang di masyadong pagpapansinan ng dalawa.

Bigla naman pumasok si Vice sa DR ni karylle.

"Karylle pwede ba tayong magusap?" tanong ni Vice

"Hmm Vice kelangan ko na kasing umalis eh may lakad pa ako sige bye" sagot naman ni Karylle na nagmamadaling umalis

"Teka, K! " sigaw ni Vice

Pero umalis na si Karylle habang naglalakad sa hallway si Karylle na umiiyak nakita siya ni Vhong at nilapitan ito.

"K!" sigaw ni Vhong

"Oh Vhong andito ka pa pala kala ko umuwi ka na eh" sagot naman ni Karylle na pinupunasan ang luha niya.

"Pauwe pa lang pero teka umiiyak ka ba K?" tanong ni Vhong.

"Ha? wala to" iling ni Karylle.

"K, bakit anong problema pasok muna tayo sa DR ko" sabi ni Vhong na hinila si Karylle papasok ng DR nito.

Habang papasok sila ng DR ay di mapigilan ni Karylle na magbreakdown at napayakap kay Vhong agad naman inalalayan ni Vhong si Karylle.

"K, ano ba talaga problema?" tanong ni Vhong habang kayakap si K.

"Sorry Vhong ha?(Umupo at pinusan ang kanyang luha) si Vice kasi" sabi ni Karylle.

"Si Vice? oh ano ginawa ni Vice? tanong ni Vhong na nakahawak sa likod ni Karylle.

"Vhong mahal ko si Vice at sinabi ko sakanya kagabi yun nung nagusap kami tapos sinabi rin niya na maha niya ako" kwento ni Karylle.

"Sabi ko na nga ba nagkakadevelopan na kayo eh kaya pala kanina parang ang tahimik nyo pag OFF CAM, eh ano problema dun pareho nyo pla mahal isat-isa eh" Sabi ni Vhong

"Eh kasi hindi pa daw handa si Vice na magpakalalaki hindi pa daw niya alam, Vhong ang sakit pala" Sabi ni Karylle habang umiiyak.

"K siguro bigyan muna natin ng time si Vice mahirap sakanya yun at sayo din" sabi ni Vhong habang pinapatahan si Karylle.

Niyakap naman ni Vhong si Karylle dahil iyak na lang ito ng iyak.

"K, tahan na ayokong nakikita kang ganyan tahan na" sabi ni Vhong habang kayakap at pinapatahan si Karylle.

"Salamat Vhong ha. Salamat" sagot ni Karylle na pinipilit ngimiti

Matapos ang kanilang usapan hinatid rin ni Vhong si Karylle sa condo nito. Masaya naman si Karylle dahil nalabas na din niya ang nasa loob niya at laking salamat niya kay Vhong dahil nandyan ito para icomfort siya.

--------------------------------

Ano na kaya ang nagyari kay Vice? nakapagisip na kaya ito at bakit gusto niya kausapin si Karylle. May VhongRylle nga ba?? :))))

Let's See!!

Unexpected Love || ViceRylle <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon