Chapter 1

34 3 2
                                    

Yuzon Academy
Section-4A
9:30 Am

Aizen's POV

Hey guys! Nandito ako ngayon sa room kong sobrang boring! Paulit-ulit nalang yung sinasabi ng teacher eh. Hayyyy buhay. Siguro napapansin niyong masiyahin ako noh? Tapos paano ako naging loner kung ganun nga ako. Ganito kasi yan...

Flashback

Pauwi na kami ni mom noon, kagagaling lang kasi namin sa work niya. Sinasama niya ako every Saturday para bonding namin yun.

Nasa tapat na kami ng bahay nun nang makita ko yung bestfriend ko. I was so happy back then pero biglang may kumuha sa kaniyang lalaking naka itim at ipinasok sa isang van.

Tumakbo ako ng tumakbo para mahabol yung van pero di ko nahabol, galit na galit ako nun na nakatingin sa papalayong van. Hindi ko napansin na dahil sa sobrang galit ko... sumabog ang van. Namatay silang lahat, pati ang bestfriend ko. Tumakbo ako dun sa sumabog na van at umiyak ng umiyak, what do you expect? Bata pa ako nun, hindi ko nga alam kung paano nangyari yun. Ipinaliwanag lang ni mom sa akin.

End of falshback

Kaya hindi ako lumalapit sa iba, baka kasi mapahamak sila. Hindi ko pa kasi makontrol ang magic ko.

Anyway, past is past diba? Malapit naman na akong maalis dito eh, makakahanap na ako ng mga bagong friend. Haha.

"Aiz, lunch na oh. Di ka pa ba kakain?" Napaangat ako ng tingin at nakita si March, March Mallari. Kulit ng lalaking to ah.

"Hindi." Matipid kong sagot at dumukdok nalang ulit. Di ko napansing tapos na pala ang klase.

"Halika na, libre ko." Sabi niya at umupo sa katabi kong upuan. Kulit talaga, for four years, eto lang lagi ang nangungulit sa akin, ang tigas ng panga, sinabi na ngang ayaw.

"Ikaw nalang." Tumayo ako at lalabas na sana ng room ng bigla niya akong hatakin papasok.

"Four years na kitang kinukulit pero wah epek parin? Please... kahit ngayon lang." Nag puppy eyes pa si bugok ah. Tsk.

"Bakit ba gusto mo ako kasabay?" Hinarap ko siya.
--__--

"Kasi gusto kitang maging kaibigan? Kahit ngayon lang." Nag p-please sign pa. "Please." Ang kulit, hayyy naku naman oh.

"Fine." Yun nalang sinagot ko sa kaniya at lumabas na nang room. Narinig ko pa siyang nag 'YEY'. Psst.

"Ano ba gusto mong kainin?" Tanong niya tapos inakbayan ako. Feeling close.

"Kahit ano." Sagot ko.

"Ok! Congrats nga pala ah. Ikaw nanaman ang top one." Sabi niya sa akin, suot niya yung famous smile niya na nakakapagpalusaw sa mga babae sa Academy, ano naman kaya kung ngumiti siya? Wala namang kakaiba dun ah. Pst, babae nga naman talaga.

"Thanks."

***
Canteen-1Alumni
12:06 Pm

'Guys, first time toh ah.'

'Oo nga, tapos kasama pa niya si baby March. Ang landi.'

'Oo nga girl.'

Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga babae dito sa canteen. Ano naman?

"I can kill them if I want." Bulong ko sa hangin.

"May sinasabi ka ba Aiz?" Tanong ni March.

"Stop calling me 'Aiz' its irritating."

University Of Arthens (Supernatural School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon