Chapter 2

14 1 1
                                    

Yuzon Academy
08:00 Am
Graduation day

Aizen's POV

I sit here in front of the Hall. Siyempre ako ang Valedictorian. Masaya na sana eh, kaya nga lang wala namang pupunta sa Graduation ko. I'll get the medal and certipicate then pupunta na ako ng UA. Ang boring ng life, para saan pa ang pagrereview ko kung wala naman sila?

"Now, lets invite the Valedictorian here in the stage, Ms. Libra Aizen Guevara!" Tinawag na ang name ko at siyempre pumunta ako dun. Habang naglalakad ako, rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga ka batch ko. Lagi namang ganyan kapag recognition day eh. Tsk.

"Wala nanaman siyang kasama?"

"Wag ka nang magtaka, lagi namang nag-iisa yan eh."

"Mayaman nga, wala namang nagmamahal sa kaniya."

"Mas maswerte pa rin tayo sa kaniya."

→_→-_-#

Wala naman akong paki kahit ginaganyan nila ako. Mas maganda nang ganito kesa may masaktan pa. Buti nga nakakapagtimpi pa ako sa kanila. Kung hindi baka na-abo na sila o kaya chop-chop sa kinauupuan nila.

Tumigil ako sa gawi ng mga teachers at nginitian sila, nang nasa gawi na ako ni Ms. Principal, isinabit niya sa akin lahat ng medal ko, yes, lahat dahil marami. Dumeretso na ako sa gitna, tsk. Bakit ba kasi kelangan pa ng speech?

"Ano ba ang dapat kong sabihin?" Tanong ko sa kanila, tung iba nagpipigil ng tawa, yung iba naman poker face. "Im serious guys, ano nga sasabihin ko?" Tanong ko ulit sa kanila. Nakakatamad dito, ang tagal namang ibigay yung certificate.

-_-///

"Happy graduation day? Goodluck sa College." Sabi ko at bumaba na sa stage, kakatamad talaga. Hindi ko na pinansin lahat ng sinasabi ng emcee, wala namang kwenta eh.

"Lady... nandyan po ang mommy niyo sa labas." Tinignan ko siya sa mata na may kunot na noo.

"Si mom?" Tanong ko at tumango lang siya. Pumunta ako sa labas ng school para makita si mom, ang dami na niyang kasalan sa akin. At ngayon pa talaga siya lumitaw ah? Hanips...

Mas lalo akong nakaramdam ng inis, gusto kong magwala pero makakasira lang yun ng image ko.

"Baby!" Tawag sa akin ng isang babaeng kinaiinisan ko. Bakit ba pumunta pa siya? Mas ayos pa ako kung di siya dumating.

Lumapit siya sa akin at ti-nap ang ulo ko. Nakatingin lang ako sa kaniya na suot ang famous poker face ko.

"Ang galing talaga ng baby ko, top one ka ngayon kaya mag-cecelebrate tayo. Saan mo ba gusto? Sa... Jollibee nalang tayo, diba favorite mo dun?" Mukha siyang tanga sa ginagawa niya.

"What are you doing here, mom?" Tanong ko sa kaniya. Anyway ang name niya is, Tiera Collin Guevara.

"Mag-cecelebrate kasama ang baby ko?" Ngiting ngiti siya sa pinagsasabi niya. Parang walang nangyari ah, painosente style lang noh.

"I'm tired mom." Ika ko at sumakay na sa kotse niya, papahatid nalang ako sa bahay para maihanda ko na yung mga gamit ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na may kinuha siyang maliit na box sa bag niya. It is a red velvet box with black ribbon.

"Baby... Sana magustuhan mo ang gift ni mommy ah." She give the box to me at ibinukas ko ito. As I open the box, I saw a necklace and my name is embroided there, it has a ruby in the middle and some flower embroidery. It's simple yet beautiful, really beautiful.

"Ayaw mo ba talagang pumunta sa Jollibee?"

"I'm tired mom, at tsaka sa isang araw magsisimula na ang klase sa UA. Gusto ko ng magpahinga." Sabi ko sa kaniya.

"Ayaw mo bang magbonding tayo? Nakakatampo na baby ah." She said with a baby voice, pa cute.

"I should be the one saying those words to you mom." I said with a low voice.

"Alam mo namang may trabaho si mommy, anak. I need to work para sa future mo." I felt the awkwardness in the car. Gusto ko ng makalabas dito, hindi ko na yata kaya.

"We have a lot of luxury, mom. Madaming laman ang mga bank accounts ng family natin. You have many employees kaya may maiiwan para gawin ang mga work mo." I said.

"But you know our bussines. Hindi ko pwedeng ipagkatiwala ito kung kani-kanino." Suhestiyo niya.

"So, ako pwede." I'm really piss right now, really. Sobrang sakit lang talaga eh.

"Hindi naman sa ganon, anak. Sana intindihin mo. Babawi ako sa iyo, promise." I smirk nang marinig ko yung salitang 'promise', wow ah. Hanips lang talaga.

"I waited too much sa promise mo mom. For five years I seek for you hugs, for your love but the heck, trabaho nalang ang lagi mong inaasikaso. I dont felt the love of a mother for five freakin' years." I sarcastically said.

"Ano bang pagkukulang ko anak? I do everything para makasama ka pero ang daming problema sa work. Nandito naman na ako ngayon, we can bond for the whole day, we can go to EK or-or Iceland, o sa Jollibee." Sabi niya sa akin, ano ba ako sa tingin niya bata? Sa tingin ba niya magagalit ako kung mababawa ang dahilan ko at nagalalambing lang ako sa kaniya ngayon kaya ko siya nasasagot? The hell no!

"You want to know mom?" I let out a big sigh. "After dad's death... nawala lahat ng attention mo sa akin. Pati yung every Saturdays Girl Bond natin unti-unting nawala. Puro nalang work ang ginagawa mo, work dun, work dito, trabaho nalang lagi. Naisip ko naman na baka mapansin mo ako kapag lalo akong nag-excel sa mga class ko, akala ko kapag di na ako ang second best, ang third best o kung ano mang best 'yan... akala ko mapapansin mo ako, akala ko kapag naging TOP ONE ako mapapansin mo ako." In-emphasize ko pa yung TOP ONE para makonsensya siya. "Mula grade six hanggang fourth year ako ang top one mom! Ako! Nung grade six ako di ka pumunta ng graduation, pero ang nasa isip ko lang nun ay galingan para mapansin mo ako, pero hanips mom! Hanggang ngayon di mo napansin? Hindi mo manlang nakita lahat ng ginawa ko sa loob ng limang taon, I'm tired of waiting for you mom, I'm tired of being alone in that freakin' mansion of yours! Really, really tired!" Naramdaman kong nag-iinit na ang paligid kaya lumabas nalang ako ng kotse ni mom. Bwiset! Buti nalang naramdaman ko agad kung hindi baka sumabog na yung kotse.

"Baby... sorry sorry. I'm so sorry." I saw her crying inside her car, wow, ngayon siya ang iiyak. "Umuwi na tayo, baby, nagpahanda ako ng dinner." She managed to give a fake smile but I refuse.

"I'm really tired mom. So please, I need rest. Give me a break, okay? I'm going hone if I want, ngayon ako na ang bahala sa sarili ko." I paused. "Lagi pala." I sarcastically say.

"Okay, baby. Sana mapatawad mo si mommy." Nakaramdam ako ng lungkot at guilt dahil nakikita ko si mom na nalulungkot. Siguro gusto niya talaga akong makasama, wala lang talaga ako sa mood na makasama siya ngayon.

***

"Mom! Dad! Doon po tayo!" Hinatak ko sila mama papunta dun sa nagtitinda ng cotton candy.

"Gusto mo ba no'n baby?" Tanong sa akin ni dad. Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon.

"Gusto ko din non hon. Baby, bigyan mo si mommy ah." Nakangiting wika ni mom sa akin.

"Yes po!"

Ang daming magagandang ala-ala ang nandito sa park na ito. Kung kumpleto lang amg pamilya ko, edi sana masaya ako ngayon. If only I can go back to the past... I feel incomplete, I'm alone.

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha mula sa aking mga mata. Dahil sa mga bagay na hindi na maibabalik, bakit ba ang sama ng tadhana? Bakit ako pa?

"I miss you dad..." I whispered, tumayo na ako at naglakad para makauwi na. Bukas aalis na ako, sana lang may makasama na ako.

To be continued.

------------------------

University Of Arthens (Supernatural School)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon