"Pabili po!" Kanina pa ako nagsisisigaw dito sa tapat ng tindahan ni Aling Marta pero wala pa ding sumasagot.
"Pabili-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil may lumabas na isang lalaki sa loob ng tindahan.
"Ano yun?" Bakas ang pagka irita ng lalaki sa kanyang boses.
Siya ay naka topless lang pero sakto lang ang katawan, wala naman siyang abs bakit pa siya nag totopless kung ganun at saka naka board shorts lang sya, medyo may muscle siya sa kanyang mga braso. Siguro nag babasketball lang siya kaya ganun.
"Huy?! Ano na yung bibilhin mo?" Naputol ang aking pagtingin sa kanyang katawan.
"Pabili ng coke mismo atsaka Chippy na malaki." Sabi ko.
Agad-agaran naman siyang kumuha sa loob ng kanilang tindahan para kumuha ng mga sinabi ko.
Lumilinga linga ako habang naghihintay sa mga pinamili ko ng may biglang may sumulpot na lalaki sa tabi ko. Magulo ang buhok, mahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, manipis na labi, katamtamang kulay ng balat, naka topless siya at naka maong shorts, naka tsinelas na islander at maganda ang pangangatawan.
Nang tumingin ako sa mukha niya ay nakangiti na siya ng nakakaloko. Kumunot ang noo ko dahil sa pagngiti niya.
"Ganun ba ako ka pogi para pagpantasyahan mo ako, ha?" Tanong niya ng di inaalis ang ngiti sa labi.
"Hindi, nagulat lang ako na may taong gumagala dito na parang timang." Blangko ang mga mata ko nang ginantihan ko siya sa paninitig.
Mas lalong lumapad ang ngisi niya. Naputol lamang ang pagtitigan namin nang nagsalita muli ang tindero.
"Ate, ito na yung mga pinamili mo, 37 pesos lang." Binigay ko sa nagtitinda yung 50 pesos na kanina ko pang hawak.
Nilingon ko yung katabi ko. Hindi pa rin niya inaalis ang titig sa akin. Naka plain T- shirt na kulay green, naka shorts na maiksi na may mga tastas, atsaka tsinelas lang ang suot ko.
"Ano tinitingin tingin mo dyan?" Tanong ko sa lalaki. Tinagilid niya ang kanyang ulo at isinandal ang kanyang siko sa bintana ng tindahan.
"Ang ganda mo pala, anong pangalan mo?" Lumingon na lang ako sa tindero na inaabot na ang sukli ko atsaka naglakad palayo.
Dahil suki ako sa tindahan na iyon ay araw-araw akong nabili doon ng mga kailangan ko sa bahay na pinapabantay sa akin ni tatay. Araw-araw ko din nakikita nang naka topless ang lalaking yun.
Hindi ko siya pinapansin pero panay ang titig niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Inisip ko na lang na baka may tinitingnan siya sa likod ko o baka nag ha hallucinate lang ako. Pero nagkamali ako dahil ako talaga ang tinitignan niya. Hanggang sa isang araw ay nairita na lamang ako.
"Bakit ba panay ang titig mo sa akin?" Tanong ko ng nakataas ang isang kilay.
"Masama bang makakita ng magandang view?" Sabi niya ng nakangisi.
"Ano ba talagang kailangan mo ah?"
Tanong ko ng bakas sa boses ko ang pagkairita."Hindi mo pa kasi ako sinasagot sa tanong ko eh." Sabi niya at nagkibit balikat.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hay naku, mga lalaki talaga ngayon ang kukulit. Naalala ko nanaman yung Descendants of the Sun. Napabuntong hininga na lamang ulit ako.
Hindi pa rin natatanggal ang titig niya sa akin.
"Ako si Deagle Jones Himales. Ikaw anong pangalan mo?" Nagtaas siya ng kamay. Inabot ko ito.
"Alicia Ray Homulas."
"Dapat di mo na pinalagpas ang pagpapakilala sa mga poging katulad ko." Sabi niya at nagpogi sign pa.