******
Tuwing sumasakay ako ng LRT hindi ko maiwasang hindi tignan isa-isa
yung mga nakakasabay ko, naiisip ko paano kung isa sa kanila yung naka laan para sa akin?Paano kung isa na sa kanila yung
"The One" ko? kaya kahit na mag
mukha akong ewan talagang naka
focus yung mga mata ko sa mga
tao sa paligid ko, gusto kong maramdaman kung totoo nga yung sinasabi nilang.Kapag nakita mo na yung taong nakalaan para sayo, mag iiba daw
ang tibok ng puso mo, bibilis daw ito, kapag daw nag tama ang inyong mga mata para daw may spark, at yung stomach mo para daw hindi mapakali na akala mo daw ay may butterfly.Kaya kahit na muntanga na ako kakatingin sa mga lalaking kasabayan ko, wa ako pakels dahil dito sa ginagawa ko nakasalalay ang love life ko.
Maganda at sexy din naman daw
ako sabi ng mga friends ko, ligawin
din naman, pero dahil sa hindi ko maramdaman yung spark na sinasabi nila sa mga nanliligaw sa akin, basted agad sila.Kaya ito ako ngayon sa edad na 24 ay NBSB pa din, halos lahat ng friends ko ay may kanya-kanya ng pamilya, yung iba naman ay mga taken na at nag babalak na ding bumuo ng sarili nilang pamilya.
Hindi naman ako nag mamadali
dahil naniniwala ako na may taong
mag mamahal at nakalaan sa bawat
isa sa atin, pero minsan hindi ko
din maiwasang hindi mainggit.Katulad na lang ngayong hapon na to, nakasakay ako ng train at ang sweet
ng mag couple sa harapan ko, ang lalagkit ng mga palitan nila ng tingin, at kapag humihinto ang train bahagya pang nag didikit ang kanilang labi.Kapag ganyan na ang mga eksena pasimple na lang akong napapayuko
at agad na binabaling ang aking paningin sa ibang dereksyon, igagala ulit ang mga mata at handa na ulit sa pag hahanap sa magiging target ko."Yung totoo nang iingit ba sila? Alam na ngang walang jowa mag halikan ba sa harapan ko, aba-aba PDA na yang ginagawa nyo Miss at Mister."
Yun ang gusto kong isigaw sa kanila, pero sympre hindi ko naman pwedeng sabihin yon, baka masagot pa ako ng alangan, mapa away lang ako.
Ako si Ally isa sa daan-daang tao na nakikipag siksikan sa train para mas mapabilis ang pag pasok at pag uwi
ko, pero minsan kapag rush hour
mas lalo akong natatagalan.Sobrang dami kasi ng pasahero, kaya ang sistema mas matagal pa ang inabot ko sa pag hihintay sa Train kesa sa pag lalakbay ko.
Nag tratrabaho ako bilang isang
call center agent sa Makati, at sa Tayuman ako umuuwi, kasama ang
nag iisa kong kapatid na lalaki na
mas bata sa akin ng 4 na taon.Isang taon na lang ay graduating na
sya, kaya medyo makaka hinga na
din ako ng maluwag, kami na lang kasing mag kapatid ang natitira dahil ang magulang namin ay may kanya-kanya nading pamilya, in other words napabayaan nila kaming mag kapatid.
BINABASA MO ANG
Hey It's You Again (GXG One Shot)
Short StorySa dami ng tao sa mundo, paano mo malalaman kung sya na ang nakalaan sayo? Paano kung nakasalubong mo na sya, pero dahil tumingin ka sa iba hindi kayo nag kita? Paano kung ka harap mo na pa la yung nakatadhana sayo? Pero dahil sa isa syang babae pi...