******
"Bunso ok lang ba sayo hindi mo ba ikakahiya si ate kung babae din ang magugustuhan nya?" Medyo nahihiyang tanong ko sa bunso
kong kapatid.Kanina pa ako palakad-lakad sa
likuran nya, hindi ko na kasi matiis
na hindi sabihin ang bumabagabag
sa dibdib ko."Si ate naman oh! Palagay mo sa
akin mababaw mag isip? Kapatid
kita ate at mahal na mahal kita,
kaya kitang tanggapin kung sino
man yang mahal mo, tsaka sa laki
ng utang na loob ko sayo ate, seryosong sagot nito sabay tayo at yakap sa akin."Salamat bunso, at hindi mo din
utang na loob yon, obligasyon ko
yon sayo bilang ate mo," sabi ko na naiiyak na din habang nakayakap.Linggo ngayon kaya wala syang
pasok at kapag linggo nakalaan
ang buong araw nya sa pag dodota,
akala ko nga ay hindi nya ako papansinin dahil sa pag lalaro nya.Pero nag kamali ako dahil kahit busy sya hindi nya ako binalewala, hindi
nya binalewala ang mga sinabi ko
kahit na alam kong mag babago kahit konti yung pagtingin nya sa akin
bilang ate nya."Kelan mo sya ipapakilala sa akin ate?" Sabi nito sabay kalas sa pag kakayakap sa akin.
"Bunso ano kasi eh! Nakita na ni ate kaso nawala pa." Nahihiyang sagot ko.
Hindi tuloy ako makatingin ng deretcho sa mga mata ng kapatid ko, nag tapat kasi ako sa ka nya about sa preference ko, pero ito ako ngayon at walang maipakilala sa ka nya.
"Ok lang yan ate, kapag nakita mo
na sya tsaka mo sya ipa kilala sa
akin, aba kailangan kong makikilala agad yung magiging ate ko na din." Nag wink pa ito sa akin sabay upo na
sa harap ng monitor.Iiling-iling na lang ako habang pinag mamasdan syang mag laro.
Kinabukasan Lunes...
Excited akong sumakay ulit sa
Train after ng dalawang linggong
pag hatid at sundo ni Vincent, nakahinga na din ako ng maluwag
after ng conversation namin ng
kapatid ko, now i know na kahit na babae pa yung ipakilala ko sa ka nya tanggap nya.Nung tumigil na ang train sa
harapan ko'y dali-dali na akong sumakay, nag baka sakali ulit ang
mga mata ko na makikita ko ang babaing pumukaw sa kung ano ba talaga ang gusto ko.Nakababa na ako ng train at
nakarating ng Office ng sya lang ang laman ng isip ko, kung hindi pa ako tinapik sa balikat ng ka work kong si Jacob ay hindi ko mapapansin na
uwian na pa la."Ally mukhang inlove ah?" si Jacob sabay tapik.
"Ha? Paano mo nalaman?" Nag tatakang tanong ko.
"Tulala, minsan ngumi-ngiting mag isa, ganyan daw kapag inlove, so who's the lucky guy?" Tanong nito.
"Ha ano kasi eh! Hindi guy," nahihiyang pag amin ko na hindi ko magawang tumingin sa mata nya, napakamot pa nga ako ng bahagya
sa ulo ko."Ohhh i see who's the lucky girl?" Tanong ulit nya sa akin, this time ay kumindat na sya.
Ganon pa la yon no? kapag hindi
lalaki gets na agad nila na babae
yung dahilan, hindi na din ako
nahiya na tumango ng Oo dahil mukhang cool na cool lang sa friend kong ito."Jacob hindi ba nag bago yung
tingin mo sa akin?" Alanganing tanong ko.Kahit na sa totoo lang ay wala
naman talaga akong pake, basta
gusto ko lang talagang malaman
yung isasagot nya.
BINABASA MO ANG
Hey It's You Again (GXG One Shot)
Historia CortaSa dami ng tao sa mundo, paano mo malalaman kung sya na ang nakalaan sayo? Paano kung nakasalubong mo na sya, pero dahil tumingin ka sa iba hindi kayo nag kita? Paano kung ka harap mo na pa la yung nakatadhana sayo? Pero dahil sa isa syang babae pi...