MFAB: Chapter 1

11 1 0
                                    

Chapter 1 :

"HOY YVETTE BUMANGON KA NA NGA DYAN!!" aaaahhh! Magang-maga ang ingay-ingay..

"OPO TITA!" psh! Dinaig pa alarm clock ko eh...

nga pala, Maria Yvette D. Ramos ang pangalan ko. BABAE malamang. XD Kung nag tataka kayo kung bakit tita ko ang gumising sakin............

pwes! Mag taka kayo! Bleeee :P

HAHA! JOKE LANG PO! Tapang ko no :)

Wala kasi nanay ko, nasa Ibang bansa syempre nagtratrabaho para sakin. Only daugther po kasi ako. Yung tatay ko naman? Ewan ko dun! Ni hindi ko nga nakita yun eh..

Kwento kasi sakin ng nanay ko, nung nalaman daw na na buntis sya nung tatay kong g*go! Iniwan na daw sya. Ayos no?! Lupet ng tatay ko! Wag nyong gagayahin ha!

Mahirap lang kami, sa Squatters Area nga lang kami sa Tondo.... Pero sabi ng nanay ko yung tatay ko daw mayaman.

PAKI KO kung mayaman sya? Kahit mahirap ayos lang sakin basta magkakasama kami. Sino ba naman ang gustong watak-watak ang pamilya? Wala namn diba? ... Kaso wala eh, nang iwan yung tatay ko.

Haaaaaaaaaaay! Namimiss ko na si Nanay... Kumusta na kaya yun? January pa yun nung huling tumawag sya at birthday ko yun. May naaalala pa nga ako e kasi sabi nya may inaabyad daw sya kaso ayaw nya sabihin kung bakit basta surprise daw.. Hayyyy march na ngayon.. Malapit na din akong grumaduate. Valedictorian :)

Sana umuwi na si nanay. Gusto ko kasi sya makasama pag akyat ko ng entablado. Para sa kanya kasi lahat ng pinag-hirapan ko. Iginapang nya ang pag-aaral ko. Kaya nga kahit masakit sa kanya na iwanan ako sa tita kong masungit ( masungit yun sakin dahil hindi na masyado nakakapag padala si nanay, pero sobrang bait pag nagpapadala si nanay! tsss ) pumunta sya sa ibang bansa para makapag-aral ako...

Kaya ginalingan ko talaga at nag bunga naman ang pinag hirapan ko. Haaaaay nanay miss na kita..

"HOY YVETTE bata ka! Tanghali na! Abala ka talaga! Pasalamt ka at may natitira pa sa padala ng nanay mo nung Enero kung hindi nakoo! Napaka pasaway kasi ng nanay mo! Kung hindi sana nag pa buntis agad dyan sa tatay mong mayaman na wala namang binatbat! Edi sana maganda ang buhay namin ngayon!" yaaaan! nanaman ang litanya.. Sakit sa tenga, pero IMMUNE na ako eh.

"Oo na po.." mabait din naman yang tita kong yan, sinusumpong nga lang...

Nang makaligo na ako pumasok na ako sa eskwelahan ko sa Tondo National Highschool..

Naglalakad ako papunta sa room namin ng may nag takip ng mata ko..

di ko na kailangan pang alamin dahil kahit tulog ako, kilalang kilala ko ang taong ito! :)

"Tumigil ka na Adrian, baka malate ako." Sabi ko sakanya

tas tinanggal na nya ang taklob na kamay nya sa mata ko..

"Daya mo Maria! Parang ikaw lang ang malalate ah? Tagal ko kayang nag aantay sayo.." sabi nya ng may malungkot na mukha.

Adrian Louis De Chavez ang aking BF :) hihihihi!

BestFriend :">

"Tumigil ka nga Adrian! Pati wag mo nga ako tawaging Maria! Yvette ang pangalan ko! Pati sinabi ko bang antayin mo ako? Si Chassy asan na?"

Chassy H. Hidalgo gf ko XD Hahhaah! Girl Bestfriend ko na may gusto kay Bestfriend kong si Adrian XD Lupet no?

"Nasa Room nyo na. Maga pa lang Ma--- este Yvette! Hahaha. Tapang mo agad? PMS?" binigyan ko sya ng deathly glare and hampas sa balikat!

MFAB: Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon