Chapter 1

89K 1.6K 38
                                    

CHAPTER 1.

Rain Joy's POV

Growing up in a royal family doesn't mean na masaya. Well, sino bang sasayang kung ayaw ng nila sayo? Bakit kamo? Dahil may itim na mahika ang dugo ko. Ako si Rain Joy Manzano. Inabanduna ko na ang pagiging prinsesa sa hindi ko na gusto ang malungkot na buhay ko sa palasyo.

Bata pa lang ako. Minulat ko na ang aking sarili na hindi ako magugustuhan ng kapatid ko lalo na ng magulang ko dahil sa kakaibang dugo ko.

Kung hindi dahil sa tulong ng aking nanny baka siguro nandoon pa ako. Buti na lang mababait ang kumupkop sakin.

"Rain! Akin na yan!" Tili ng isang babaeng boses.

Tumawa ako ng malakas! Grabe mawawala lungkot mo sa babaeng ito. Paano ba naman kasi laging may dalang salamin at lagi na lang doon natingin tapos nag make face siya. Kaasar magpacute.

"Ito na!" Huminto ako sa pagtakbo at binigay sa kanya ang salamin niyang parang oblong na may hawakan syempre.

"Hmmp! Kainis ka talaga Rain kita mo naman nag sasalamin ako eh." Sabi niya at ngumuso siya. Inirapan ko lang siya.

"Nagsasalamin. Halos oras oras mo nang hawak eh!" Asar kong sabi sa kanya

She looked at me and she rolled her eyes on me. Feeling maganda.

"Maganda ako. Kaya tama lang na tignan ko sarili ko." Huh? Ano daw?

"Ikaw kasi dyosa ka na hindi katulad ko. Maganda lang." Habol niya. Tinawanan ko lang siya.

"Asaan nga pala sila Mom and dad Rain?" Tanong niya. Tanungan ba ko ng nawawalang tao? Joke!

"Sabi ni Tita at Tito ay may pupuntahan lang." I said at kinamot ko ang ulo ko dahil hindi naman nila sinabi.

"Edi wow!" she said.

"Tara na nga magluto na tayo ng Lunch para kakain lang tayo pag dating nila ay kakain na lang tayo!" I said at tumayo at pumunta sa kusina. Naramdaman ko na sumunod siya.

-Time Skip-

"Mag-eenroll kayo sa Rainbow academy sa Linggo", Napatigil kami sa pagsubo ni bea ng magsalita si tita. Hindi nga?

"Yey! Mag aaral na tayo doon! Oo nga pala no? 17 na pala tayo kaya oras na!" Sabi niya. Hindi naman halatang excited siya no?

"Oo nga para naman mas lumakas ang kapangyarihan niyo diba hon?" sabi ni tita. ngumiti naman si tito ng nakakaloko.

"Yes hon. Para masalo din kita at makagawa na tayo ng bago." bulong ni tito kay tita gamit ang nakakaakit 'daw' na boses at rinig naman namin yon. Napapoker face naman ako. Namula naman si tita at napatawa ng malakas si bea.

Malandi talaga si Tito. Joke! Haha. Baka palayasin ako niyan.

"Yes tita. Para naman matanggal sa kanya yung salamin niya!" Napasimangot naman si bea at napatawa kami ng sobrang lakas sa sinabi ko.

"Hahahahaha!" tumawa kaming tatlo sa kanya. Napangiti na lang ako habang nakikita ko silang natawa at masaya kaming kumakain.

Sana ganto na lang lagi yung walang lungkot at problema pero alam natin na kahit anong gawin natin, may hahadlang at hahadlang sa lahat dahil sa mundo na 'to ay hindi pantay pantay. The world can't be perfect.

Alam ko naman na hindi ko sila pwedeng taguan habang buhay. Kaya habang maaga pa kailangan ko maging handa para kapag nangyari iyon, malakas na ko. Kaya ko na sila. Hindi na ko magpapaapi at ako at lalaban na.

"Rain? Natahimik ka?" Tanong ni Tita sakin. Umiling lang ako sa kanya at pilit na ngumiti bago kumain. Perpekto na ang buhay ko dito kaya gagawin ko ang lahat para protektahan sila dahil sila ang naging 'pamilya' ko na simula nung lumayas ako sa palasyo at hinding hindi ko sila basta basta ipagpapalit.

The Runaway Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon