Chapter 4

37.3K 1K 44
                                    

Chapter 4

Rain Joy's POV

"Are you ready bes?! 17 na pala tayo kaya pwede na tayong magaral sa senior. Hehehe" sabi nito na parang kausap ang sarili. Tama naman ang narinig mo. 17 To 25 years old ay magaaral ng senior habang ang junior ay 10 to 15 years old.

"Ready na ba kayo mga anak?" nakangiting tanong ni Tita angie. Ngumiti lang ako ng pilit habang si Bea ay akala mo ay hindi na makikita ang nanay niya. Medyo malayo rin kasi ang academy kaya pinili na lang nila tita na i-dorm kasi pwede rin naman kami umuwi pag gusto namin kaya lang maglalakad ka ng 1 1/2 hour. Pwede rin namang gagamit ka ng kapangyarihan kaya lang mababawasan lang ang lakas mo o saan ka pa?

"Ikaw RJ? Okay lang ba sayo na makikita mo sila?" Tanong ni tita kaya napatingin sakin si tita at bea. "Oo nga bes. Sigurado bang okay lang na makita mo sila? You know." At bahagya pang ngumuso 'to.

Hindi ko mapigilan mapangiti dahil sila lang talaga ang pamilya ko. Ang bago kong pamilya.

"Sa totoo lang tita... hindi pero kailangan ko silang harapin tutal hindi rin naman ako nila makikilala diba?" sabi ko at ngumiti.

Nagsalita naman si tito na ikinatawa ko ng kunti.

"Oo nga no? Halos hindi ka namin makilala ng tanggalin namin yang braces, salamin at manang na damit mo at pinalitan ng mga sexy na damit.'' sabi nito.

"Sige tita una na kami malayo pa ang aming lalakarin para marating ang academy." Sabi ko sa kanila.

"Bye mom! Bye dad! Bibisita kami sa linggo ah!" Sabi ni bea habang nalalakad patalikod. "Sige tita tito bye po. Ingat po kayo diyan ah! tatawag po kami mamaya" Sabi ko at ginaya rin si bea.

"Sige mga anak! Aasahan ko yan o siya tara na nga Gerald pumasok na tayo. Hindi pa tayo natatapos kumain." huling narinig namin bago kami makalayo sa kanila ng tuluyan.

Napagbugtong hininga ako habang naglalakad kami. Dito na maguumpisa ang lahat ng pagsubok. Kailangan ko na sila harapin sa ayaw at gusto ko at ipapakita ko sa kanila na hindi na ko ang dating Rain Joy na inaalila, ginagawang katulong at sinasaktan physically at emotionally.

Naramdaman ko na nagtubig ang aking mata at lumabas ang isang butil ng luha habang inaalala ko ang mga masasamang ala ala ko sa nakaraan .

-Flashback-

"Mommy pwede po ba akong maglaro sa ----" agad na pinutol ni mommy ang sasabihin ko ng narinig niya ang Maglaro.

"HINDI PWEDE! AT PWEDE BA?! TIGILAN MO KO! MAG LINIS KA NGA SA KWARTO KO." aangal pa sana ako ng sinamaan ako ng tingin.

Agad akong pumasok sa kwarto niya at lininis to habang patuloy na naiyak. Nakarinig ako ng tawa mula sa pinto at hindi ako nagkakamali ay pinagtatawanan naman nila ako.

"Aww ~ kawawa naman si Little sis, hindi pinayagan makita ang kanyang crush. Hahahaha!" Tumatawang sabi ni Sean at ganun din si Shawn. hindi ko mapigilan makuyom ang aking kamao. since nakita ko siya sa garden namin ay naging crush ko na siya . si Prince red .

"Haha bagay sayo maging maid. Ay wait! Sabihin natin kay mommy na maging maid sila at ooops! Lagot ka hahaha!" sabi nito at sadyang binangga ang isang vase. Nanlaki ang mata ko ng malaman ko na nakita ko ang favorite ni mommy na vase.

Bago ko pa to mailigtas ay nakarinig na ko ng malakas na pagkabasag at huli kong naramdaman na sinasabunutan, pinagsisipa ako ni mommy pati narin ang mga kapatid ko habang ang step dad ko ay nakangisi lang sakin.

''Masakit mommy! Huhuhu!" umiiyak na sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya na nakasabunot sakin.

"Bagay lang sayo yang bata ka! Hindi mo ba alam na yan pa ang pamana ng tatay ko ha?!" Naggagaliiting sigaw nito at galit na binitawan ang buhok. Rinig ko ang ilang pagsinghap ng katulong habang ang dalawa kong kapatid ay tumatawa ng malademonyo.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko ang aking ulo at parang pakiramdam ko ay parang mahihimatay na ko dahil do'n. Naramdaman ko na unting unting bumagsak ang katawan ko pero bago yon ay naramdaman ko may sumipa sakin at tumama sa isang bagay na matigas at tingin ko ay pader yon at nilamon na ko ng dilim.

Nagising ako sa isang kwarto na pamilyar at tama nga ako ang kwarto ko.na laman lang ay lumang kama at isang table at may ilang lumang libro at isang kabinet na akala mo ay masisira na. Tatayo na sana ako ng naramdaman ko na masakit ang buo kong katawan at parang hindi ako makagalaw.

Nanlaki ang mata ko at nagpupumiglas pero wala. Dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako kapag sinusubukan kong kumawala sa posas na nakakabit sa dalawa kong kamay pati narin ang dalawa kong paa.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas to si yaya angela. Nakita ko ang pagaalala sa mukha nito. Kasunod nito ay si mama na may hawak na... LATIGO?! Wtf.

Bago pa ko makapagsalita ay tila namanhid ang aking katawan sa sunod sunod na hampas niya sakin nito. Hindi ako makaiyak dahil tila naubos na ang luha ko at nakarinig ako ng ilang hikbi at tawa na galing kay yaya angela at sa dalawa kong kapatid.

Muli akong nilamon ng dilim ng hinampas niya ko ng sobrang lakas.

-End of Flashback

Ang lupit nila no? Kaya hinding hindi na ko babalik kailaman sa kanila never. "Bes! Andito na tayo kala Carla. Teka! Umiyak ka"" sabi nito. Umiling lang ako at kumatok kala carla. Carla lara Night. Ang moonlight manipulator. Isa siya sa mga kaibigan namin at malapit siya sa academy at alam niya rin ang past life ko.

Kumatok ako at agad siyang lumabas at niyakap kami pero kumunot ang noo ko ng nakita ko siyang walang dalang gamit."Asa'n ang gamit mo?" takang tanong ko.

"Oo nga! Asaan? Jindi ka ba mag eenroll?" sabi naman ni Bea.

Tumawa siya ng nakakaloko bago magsalita "Hindi! Dinala na ni Babe aaron ko sa academy kasi nauna na siya para maayos ang dorm natin at guess what?" sabi niya. Daming alam e.

"Ano?" sabi ko. Ngumiti siya at pumalakpak ng ilang beses. "Mag ka dorm mate tayong tatl ..." tumigil siya at parang nakakalungkot ang sunod niyang sinabi. "Kaya lang hiwalay si babe eh!" sabi niya.

Natawa naman ako at binatukan siya. natawa rin si bea sa ginawa ko. "Malamang! baka kasi gapangin mo 'yang si aaron eh!" sabi ko at tumawa ng nakakaloko.

Namula naman siya kaya nakitawa rin si bea. Si aaron blade nga pala ang nag iisang pinsan ni bea at anak ni yaya angelie or yaya angel. " Hmmp! Tara na nga! Baka hinihintay na tayo ni babe ko." Sabi nito at nauna ng maglakad.

Napailing na lang kami ni bea sa inakto nito. Hahaha! Apektado eh. 

The Runaway Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon