Chapter 5: The Air Lesson

189 9 4
                                    

Magaan ang pakiramdam ni Rina pagka-gising niya sa isang malaking kama- doble ang laki ng dati niyang kama- na may malambot na unan at kumot na kulay lilac. Humalik sa mga pisnge niya ang sikat ng araw at humaplos ang preskong hangin galing sa bukas na bintana. Matatanaw mula doon ang malawak na hardin ng mansion.

     Nagmadali na si Rinang bumaba sa hangdanan upang maabutan ang bus papuntang skwelahan. Nasa baba na ang apat na binata at hinintay siya sa malaking pintuan. Parang mga modelo ang mga tindig nito at kahit naka-simpleng uniporme lang sila ay para silang nagmomodelo ng isang mamahaling brand ng kasuotan.

    “Goodmorning Rina,” magiliw na bati ni Shin. Preskong-presko ang mukha nito na hindi mo aakalaing napuyat ito kagabi. Meron ata sigurong sekreto ang mga modelong katulad niya.

     “Rina,” ani ni Leo na parang nahihiya. “Tungkol kagabi, pasensiya ka na ha. Nakita mo pa tuloy ‘yung isang kataohan ko. Pasensiya talaga,” paumanhin niya.

     “Okay lang ‘yun. Wag mong intindihin. Okay naba ‘yung ulo mo?” tanong ni Rina kasi naalala niya ‘yung ginawa ni Shong paghampas ng bote sa ulo ni Leo.

     “Okay na ako,” nakangiting sagot niya. “Kung hindi niya ginawa iyon, baka ano ng nagawa ko.”

     “Hoy! Ano ba, malelate na tayo,” bulyaw ni Sho at pumasok na sa itim na limosine. Nasa driver’s seat na si Hans na siyang magmamaneho.

     “Rina, sumabay kana sa amin,” alok ni Ken.

     “Oo nga naman Rina,” pagsang-ayon ni Shin

     “Ahhh. Naku, wag na. Mag cocommute nalang ako,” tangi ni Rina sa alok. Alam kasi niyang magiging isyu sa skwelahan kung makikita siyang kasama ang apat. Ayaw niya ng chismis at lalong-lalo na ang gulo.  

     “Sigurado ka ba? Isang kilometro pa ang layo ng academy. At tsaka ma lelate ka,” sabi ni Ken.

     Ayaw kong ma-late pero ayaw ko din naming ma chismis. Sabi ni Rina sa sarili. Kailangan niyang maka-isip ng paraan upang maka-iwas pero hindi siya makahindi ng si Sho na ang nagsalita.

     “Sige na at sumabay ka na,” sabi ni Sho na hindi man lang tumitingin sa dereksiyon niya.

     “Pakiusap mahal na prinsesa, sumabay na po kayo,” sabi ni Hans mula sa driver’s seat.

     “Sige na sumabay kana,” alok ulit ni Ken at ngumiti na parang anghel. ‘Yung ngiting walang makakahindi kahit na ang pinakamasungit na tao sa buong mundo. Ngiting magiliw, malambing at nakaka-init ng puso.  

     Namula ang mga pisnge ni Rina at hindi na siya nakatangi. “Sige na nga,” sabi niya at ngumiti.

(HeartfillAcademy)

Bago paman sila makaabot sa gate ng academy ay nakaisip si Rina ng ideya upang hindi siya makita ng mga babaeng nagkukumpulan sa harap ng gate upang salubungin ang apat.

     “Butler Hans, ibaba niyo nalang po ako dito,” sambit ni Rina sa matandang nasa harap.

     “Bakit ka dito bababa?” tanong ni Leo.

    “Malayo pa po ang gate,” sabi ni Hans at nakatingin sa rearview mirror.

     “Mas mabuti kasing dito nalang ako bumaba, kaya ok lang.” Inalis ni Rina ang seatbeat niya.

Heartwings - The Guardians and The PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon