special chapter

56 1 0
                                    


AUTHOR'S P.O.V

Chos! Kapal ng mukha ni author ah. Nag p.o.v talaga ng sarili. Pero okay, back to story. Pasa nalang pala ng p.o.v

Kisha's P.O.V

Siguro hindi siya para saakin. Siguro may ibang nakatakda para saakin. Pero kung para saakin talaga siya, gagawa ang tadhana ng paraan para magkaayos kami.

Masakit. Oo. Sobrang sakit. Pero siguro kailangan lang ng oras para unti unti kong pulutin ang nawasak kong puso at buuin ulit iyon.

Pwedeng sandali lang, pwedeng matagal. Pero hindi ibigsabihin noon, hindi ko na kaya. Kakayanin ko. Lalo na't may pangako pa ako sa magic world.

I'm true to my words. Hindi ko sila iiwan. Kahit nasa malayo ako, poprotektahan ko sila ng patago. Ngayong namulat ko na ang mga mata ko at hindi na ito bulag, alam ko na ang gagawin ko.

Hindi ako nagtora ng pagmamahal sa sarili ko, kaya ganito nalang kasakiy. Sainyong magmamahal palang, tandaan niyo, mag tira kayo ng pagmamahal para sa sarili niyo. Para kahit iwan nila kayo, hindi gaanong kasakit.

Nasa magic world ako ngayon, umalis ako a week ago, bumalik ako. Bumalik ako para pagmasdan si Tyler ng huling pagkakataon bago ako tuluyang umalis at magpagaling.

I can see.how hapoy he is without me. Kung gaano siya kasaya kasama ang mga babae niya. Naiiyak ako ngayon eh. But this is my first step of moving on. I need to accept the fact na wala na kami. Na wala ng pagasa.

Hindi ko alam kung ilang beses ko ns itong sinabi, pero, sana namatay nalang pala ako noon. Para wala na akong maramdamang sakit. Kasi pinapatay narin ako ng nararamdaman ko mula sa loob. Sana pinatay nalang ako ng isang saksak para sandali lang ang sakit.

Pero mali rin pala ako. Mamatay man ako at mawala ang sakit, may masasaktan naman ng matagal rin. At yun ay sila daddy, papa, mommy, mama, mga kuya ko, sila Winx, sila Trevor, James, sila Kat, Jane, 5 queens, si Lucas, si tito Alfredo, sila kuya Ice, sila ate Wendy, at baka nga buong magic world eh.

Siguro tama na talaga ang pagpaparaya ko. Huli na to. Siguro kailangan ko naring maging masaya. Lahat naman may karapatang maging masaya. Kahit masasama pa. Pero hindi mapagkakaila na lahat tayo pwede ring masaktan. Pwedeng masaya siya habang ikaw malungkot. Tulad ng ngayon.

Wag kayong mabubulag sa so called 'pagibig' huh. Dapat bukas parin ang mga mata mo. Kung pinakawalan ka niya, pakawalan mo rin. Its her/his lost. Not yours.

Lahat may dahilan, lahat nangyayari for a certain reason. And you just have to figure that out para maintindihan ang nangyayari.

For example, I think this happened to me so I'll learn and be stronger for the sake of all the worlds I have to protect. For the sake of everyones safety, I'm willing to sacrifice my own happiness to save everyone. For the sake of my love ones, kakayanin kong kalimutan ang sakit.

For the last time I looked at him.

"I truly loved you Tyler."

____________________________________

Hala! Tapos na. Hahahaha, jk, pahiisipan ko kung may book 2 pa, hehehehe.

Magic Academy [Revising Story]Where stories live. Discover now