2. The Tigress Slap!

2K 39 3
                                    

     Isang napakahabang linggo na ang nakakalipas at hot na hot pa din ang issue ng BATTLE OF THE CHAMPIONS. At syempre. ngayong tapos na ang first challenge. trending pa din ito sa twitter. Wala namang may pake kung delikado o hindi... SIYA lang.

     UST ang first place sa unang challenge... hindi tuloy tuloy ang challenge. pagkatapos ng isa. tipong may break muna para paghandaan ang next. atsaka, umaattend din ng klase ang mga estudyante no! tatlo lang naman ang challenges eh. so hindi kailangan magmadali.

     Medyo nag-away sina Josh at Kris dahil sa nangyari... Ayaw ni Kris na sumali. Super laki lang ng tiwala ni Josh kay Kris... at gusto niya ding ipahiya si Ken kaya ginawa yun ni Josh...

     Sa school. kilalang kilala ang tatlo---Kris, Josh at Lexi. sabihin na nating... sila yung COSMIC TRIO. Nagsimula yun sa metaphor na ito: at bakit din sila sikat?

Josh ang mga stars. Tipong anytime, pwedeng sumabog… sumabog sa kalokohan, pero habang nagsha-shine siya, nagbibigay siya ng saya. Medyo sikat yung pamilya nila... well.  manufacturer yung pamilya nila ng mga... prank toys? uhmm... mga bagay na pang-prank! :))

Lexi ang sun, ang nagbibigay liwanag sa lahat—er, nagbibigay ng mga kasagutan sa tanong nila. Siya din ang pinakamatalino sa batch nila! Ayaw ng parents niya na sa UP, family matters. 

Kris ang Earth, puno ng wonders. Seriously. Malalim tong taong to. Pinakabatang rookie sa UAAP. Alden Richards-in-the-making daw. 

     Mula first years pa sila hindi na sila makikitang maghihiwalay. kung may kasama mang iba, usually si Bea, kapatid ni Josh.  

     Biglang naalala ni Lexi ang mga pangyayari Bago ang first challenge... At nainis siya. Pinikit niya mga mata niya... Peace... and quiet. yun ang kailangan niya... Nang binuksan niya ang mga mata niya... Napangiti siya ng makita niyang may nakatayong lalaking nagba-block ng sunlight.

            Wala munang nagsalita. Tumabi sa kanya yung lalaki. Ine-enjoy nila ang moment…      

Lexi:                Kamusta na kayo ni Josh?

Napatawa siya ng nakita niyang napangiti si Kris.

Lexi:                I’d take that as an ‘okay*slash*ayos na kami’

            Tumawa silang dalwa hanggang sa maging seryoso si Kris.

Kris:                Lex... Kailangan nating mag-usap

Nagtaka si Lexi

Lexi:                Tungkol saan?

Medyo nagulat siya nung hindi tumingin sa kanya si Kris

Lexi:                Kris?

Kris:                Tungkol sa nangyari bago yung first challenge.

Kasasabi lang eh… gusto ng kalimutan ni Lexi ang nangyari. Pero ineexpect niya na magtatanong si Kris tungkol dun. andun siya. at nakita niya ang nangyari.

Kris:                May something ba sa inyo ni Derrick, Lexi?

Whew! Hindi naman siya mukang galit...

Lexi:                Wala. Kris... makinig ka muna sakin at ikwekwento ko kung anong nangyari. wag ka munang magreact or kahit side comment! okay?

ILY: I (loathe!/like?/love?!) youWhere stories live. Discover now