fr. the deep bottom of my heart

102 4 6
                                    

Leisnh Hendrix Silvestre,





Bestfriend.

Oo. 'Yun ang papel ko sa buhay mo. Hindi ba?

Bestfriend mo 'ko. Bestfriend kita.

Kapag may problema ka, ako iyong lalapitan mo. Kapag may problema ako, sayo ako lalapit. Parang gulong lang. Ulit ulit. Ikot ikot. Ganu'n naman ang kailangan kong gampanan hindi ba?

Bestfriend moko. I should always be there for you.

Pero ano ba kadalasan iyong mga problema mo?

Siya.

Ang babaeng pinakamamahal mo.

Naiinis ka, nalulungkot kasi napaka-dry niyang magtext.

Nagseselos ka kasi nasa iba ang atensyon niya.

Wala akong magawa. Hindi kita mapigilan. Hindi kita masumbatan. Sino ba ako? Kasiyahan mo iyon e. Doon ka ngumingiti, doon ka tumatawa. Doon ka sumasaya. Wala akong karapatang pigilan ka kahit matalik na kaibigan mo ako.

Naalala ko nu'n. Ang sabi mo, "Harrison, ang sakit."

I looked at your face wearing a pained expression. Iyon pala nag-away kayo.

Nasaktan ka dahil nag-away kayo. Pero hindi mo alam nasasaktan ako na makita kang nahihirapan.

I knew at the back of my mind, you don't deserve that.

Wala kang ibang ginawa kundi ang mahalin at alagaan siya.

Niyakap mo ako nu'n.

Tila huminto ang mundo ko. Para akong nakuryente. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Wala akong maramdaman kundi ang saya. Tingin ko noon ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Lumulundag sa saya ang puso ko.

Not until when I heard you sobbed. My heart stopped a beat.

Unti-unting nabasa ang parte ng t-shirt ko na sinasandalan mo sa dami ng ibinubuhos mong luha.

Naalala ko. Ang nasa isip ko nu'n, Ganu'n mo siya kamahal? To the point that you're willing to show me your weak and pathetic side dahil lang sobrang nasasaktan ka na?

Nabura ang kaninang ngiti sa mukha ko.

Parang gusto ko nang umiyak.

Gusto kong humagulgol sa harap mo.

Dahil unti unti kong napagtatanto.

Nahuhulog na ako.

Tiniis ko lahat ng sakit. Lahat ng pagseselos. Lahat ng paghihirap sa tuwing magkasama kayo. You two are so sweet.

Ang hirap mong mahalin. Sa totoo lang.

Dati-rati, wala akong pakealam sa'yo. Ni hindi kita pinapansin.

Eh ano ngayon kung katabi kita sa jeep tuwing uwian? Ano ngayon kung nahagip mo ang kamay ko? Ano ngayon kung inaakbayan moko? Ano ngayon kung magkadikit ang mga balat natin?

Kaso nga lang, nagbago na ang lahat.

Ngayon, ngumiti ka lang magwawala na ang puso ko. Halos makuryente ako at manginig sa tuwing magkakadikit tayo. Kapag tumawa ka parang nasa langit ako. Tunog musika sa tainga ko ang bawat halakhak mo. Sa tuwing nakatingin ka sa akin, natutunaw ako. Natutunaw ang puso ko.

Hinahanap-hanap ko ang ngiti mo. Ang tawa mo. Hanap-hanap ko ang iyong amoy. Na-adik ako sa'yo.

Simpleng pagttap lang ng fingers mo sa armchair napapansin ko. Ni sa pagkagat mo ng labi mo, humahanga ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon