Amasonang Sadista (BitterSweet Lovestory)

2.1K 31 3
                                    

BITTERSWEET FAIRYTALE



"Hoy Ikaw! Simula ngayon, ikaw na ang magiging boyfriend ko!"

_____________________________________________________________

Naranasan nyo na ba na may mainlove sayo na amasonang babae? amasona.. as in, sya mismo yung magtatapat na gusto ka nya. Tapos bigla na lang magsasabi na ikaw na yung boyfriend nya simula sa araw na ganito, ganyan. Tapos sadista.. sadista kasi..



*PAK!*

"aray!" Napahawak ako sa ulo ko na sinapak na naman ng amasonang babaeng to =_=

"Nakikinig ka ba sakin ha? Hoy! Wag mong subukang mag-isip ng ibang babae. Kakalbuhin ko yun!" =_=++

"Tss. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" sabi ko na lang. Mahirap makipagtalo sa babaeng to eh. Lagi akong bunubugbog. Sadistang amasona >.>

Bigla syang umakbay sakin tapos tinapik-tapik pa ang ulo ko. Tingin sakin nito? Aso? >.>

"Sabi ko.. ayokong sweet tayo. Ayoko yung mga endearments na yan, ayoko nung holding hands na yan, yakapan, ... Ah basta! Ayoko ng cheesy. Pag naging cheesy ka, ipapakain kita sa milyong daga."

Nagshrug lang ako. Nagulat ako nung bigla nyang inabot sakin yung bag nya.

"Anu yan?" Takang tanong ko.Napahinto tuloy ako sa paglalakad habang sya tuloy-tuloy pa din. Nandito kami ngayon sa hallway at pauwi na. Hindi ko sya kaklase. Sinundo nya ako sa room actually. Baligtad? Ganyan talaga sya.

"ay. Tanga? Bag malamang!" Sigaw nya pagkalingon nya sakin.

"Oh!" Nagulat ako nung hinagis nya sakin yung bag nya. Grabe. Bag ba to ng babae? Mas mabigat pa sa bag ko ah.

Inayos ko yung bag ko na nakasukbit lang kanina sa isang balikat. Tapos sinukbit ko yung bag nya paharap naman. Mukha akong alalay dito ah =_=

~~~~~

"Hatid mo ko!" Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Kinaladkad nya ako dito sa park na to. May date daw kami >.>

*Pak!*

"ARAY!" napahawak na naman ako sa ulo ko. Grabe. Bigat talaga ng kamay nito.

"Di ka na naman nakikinig!" Patuloy pa din ako sa paghimas ng nasaktan kong ulo. Bakit feeling ko may bukol na to? -_-

"San ba bahay nyo?" Nakita ko naman syang napangiti.

"Tara! Tuturo ko!" At kinaladkad na naman nya ako.

~~~~~

"Hoy lalake!" Napatingin ako sa pinto ng classroom ko.

"Girlfriend mo tol!" asar nung kaibigan ko. di ko na lang pinansin. Dali-dali akong pumunta sa pinto. Mahirap na baka masapak na naman ako nito.

"Bakit?" Tanong ko. Nagulat ako dahil dala nya lahat ng gamit nya.

"Wala ka pa bang klase?" Tanong ko. 5 minutes nalang kasi start na klase.

"Cutting tayo!" Napanganga ako sa sinabi nya. Cutting? Babae ba talaga to? Sinabi nya yun na para bang normal lang sa kanya gawin yun. Psh!

"Ano na? Bilisan mo na!" Wala na kong nagawa. agad kong kinuha yung bag ko at hinila na naman nya ako. Grabe talaga tong babaeng to.

~~~~~

"Kaya mo bang akyatin yan?"

Turo ko dun sa mataas na pader ng school namin.

"syempre! Bubuhatin mo ko eh!" Bubuhatin ko tong amasonang babaeng to?

"Ano? Bilisan mo na!" Napailing na lang ako. Inilahad ko na yung kamay ko na agad nyang tinapakan para makaakyat. Grabe. ang bigat nya >.>

Pagkababa nya, tsaka palang ako umakyat. PAgkatuntong ko dun sa pader, nakita ko syang gumugulong-gulong dun sa damo na binagsakan nya. Napangiti na lang ako. Parang bata.

~~~~~

"Anong gagawin natin sa lugar na ito?"

Tanong ko sa kanya. Nandito kasi kami sa parang bundok.. basta mataas na lugar sya. may isang punong malaki na pwedeng silungan at kitang-kita mo dito yung tanawin sa baba.

"wala! Matutulog."

O-k. Nagcutting kami para matulog?

"Ang sarap ng hangin dito no?" Sabi nya ng nakapikit habang dinadama yung hangin.

Napatitig tuloy ako sa kanya.

Ang tangos ng ilong nya. Ang kinis ng mukha nyang maputi. Tapos curvy yung manipis at mapula nyang labi. ang haba din ng pilik-mata nya. Nililipad ng hangin yung mahaba nyang buhok.

"B..Bakit?!" Mulat na pala ang mata nya at ang lapit ng mukha namin. Ewan ko ba pero naging romantic bigla yung ambiance ng lugar.

Patuloy na naglalapit ang mukha namin.

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

*BLAG!*

"Aray!" napahawak ako bigla sa ilong ko. Grabe. Ang tigas ng ulo nya >.>

"anung sabi ko sayo ha? Anung rule?" Sabi nya sabay iwas ng tingin. Psh! Yung ilong ko =_=

Akala ko magiging madali sakin ang ligawan ang isang to. Oo. Nililigawan ko sya na ako lang ang may alam.

Sa tuwing aakbayan ko sya, inaalis nya agad kamay ko. Minsan nga kinakagat pa nya.

Sa tuwing hahalikan ko naman sya, it's either iiwas sya at tatakbo o iuuntog nya uli yung ulo nya sa mukha ko.

Grabe talaga yung babaeng yun >.>
~~~~~

"Salamat." Sabi nung kaklase kong babae na nagpaturo sa math.

"wala yun." Nginitian ko na lang sya tapos tumalikod na ko kaso napahrap din ako agad.

May malaking lion sa likod ko. De joke. Tumalikod ulit ako kaso isang suntok sa sikmura ang natanggap ko.

"Aray! Ganyan ka ba mag-goodmorning?" Tanong ko sa kanya. Grabe. pakiramdam ko isusuka ko lahat ng kinain ko ah.

"Ang lakas ng loob mong mambabae sa harap ko!"

*PAK!*

"Gwapo ka ba para mambabae ka ha?!" Napahawak ako sa ulo ko.

*Blag!*

Buti nahawakan ko yung bag nya na hinagis nya sakin. Pero shoot! Sa sikmura ko na naman tumama -_-

"Sinong may sabing mambabae ka.."

Nagulat ako at napatingin sa kanya. Hindi kasi galit yung tono nya sa huli nyang sinabi. At tama nga ang hinala ko. Umiiyak sya.

agad akong lumapit sa kanya para yakapin sya sana at magsorry kaso lumayo sya.

"Oh.. yayakapin mo ko? Anung sabi ko ha?" sabi nya. Oo nga pala. Ayaw nya ng cheesy >.>

Pinunasan nya ang luha nya at galit na kinuha sakin ang bag nya tapos tumalikod na sya. Shoot! Ok lang kung sapakin nya ako sa gagawin kong to..

Hinila ko yung kamay nya at niyakap sya agad.

"Sorry. Di naman ako nambabae eh. Tinuruan ko lang sya ng Math. Sorry." sabay halik ko dun sa tuktok nya.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako umangal nung sinabi nyang magiging boyfriend nya ako?

Kasi una palang nakuha na din ng babaeng to ang atensyon ko.

Hindi ako umaangal sa tuwing sinisigawan nya ako kasi para sakin, boses nya ang pinakamagandang boses na naririnig ko.

Hindi ako umaangal sa tuwing binabatukan nya ako o sinasapak kasi knowing her, yun yung way nya ng pagpapakita ng pagmamahal nya.

Nagulat ako nung naramdaman kong lalo nyang hinigpitan yung pagkakayakap nya sakin.

"Hindi porket mahal kita, may lisensya ka ng saktan ako. Gusto mong kalbihin ko yung babaeng yun ha?"

Napangiti ako bigla.

"Wag na. Sie ka, lalo akong mainlove sayo nyan." Biro ko sa kanya. Humiwalay sya sa yakap ko at sinapak na naman ako sa sikmura.

"Anung rule ko?" Sabi sabay takbo.

Napailing na lang ako. Pasalamat sya mahal ko sya kahit sadista sya.. kahit amasona sya...

"Hoy ano? Ang kupad mo talaga kumilos!" Sabi sabay ngiti.

Napangiti muna ako bago sinimulan ding habulin sya.






Amasonang Sadista (BitterSweet Lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon