"Ayoko na Queen , Salamat kasi naramdaman kong importante ako sayo . Tapusin na natin kasi lalo ka lang masasaktan . Kasalanan ko. Sorry Queen . Hindi pa ako handa . Tama na . Ayoko na "
Iyak na ako ng iyak kasi hindi ko talaga aakalaing iiwan niya ako . Akala ko sabay kaming lalaban . Ako lang pala ....
He left me . I don't know what to do . Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan . Marami ba akong pagkukulang ? o Hindi lang siya marunong maka-appreciate ng lahat ng ginagawa ko para sakaniya? Bakit ? Bakit ako pa yung napili niyang saktan ?
Magbabago siya ..... Ayan ang nasa isip ko na patuloy na nagpapaasa sakin na babalik siya at may marerealize . Babalik siya sakin at sasabihin niyang "Mahal kita" "Mali ako , patawarin mo ako." . Babalik siya kasi Mahal niya talaga ako .
Dumaan ang dalawang buwan na hanggang ngayon umaasa parin ako . Ang sakit sobrang sakit . Sa dalawang buwan na lumipas nandito parin yung pagmamahal ko sakaniya , walang nabawas miski isang porsyento .....
**
Bumalik siya ..... Sobrang saya ko . Walang materyal na bagay ang makakatumbas sa saya ko sa piling niya . Yung saya ko sa piling niya na walang ibang tao ang makakapagbigay nito sakin kung hindi siya lang .
"Mahal na mahal kita , Queen "
Umiiyak na ako sa tuwa , sa pagmamahal sakaniya ng sobra sobra .
"Mahal na mahal din kita , King"
Hindi rin nagtagal dumating ang mga araw na nag-aaway kami . Hindi pagkakaintindihan , hindi siya nagbibigay ng oras para umintindi. Sarili niya lang iniisip niya . Pinapaniwalaan niya kung ano yung gusto niyang paniwalaan .
"Wala eh ganto ako Queen , mamahalin mo parin ba ako ?"
Umiiyak nanaman ako . Bakit ba laging ganito nalang ? Wala pa kaming isang linggong nagka-ayos , ganito nanaman ?
"Oo naman , mahal kita kahit ganiyan ka . Hindi kita iiwan kahit anong mangyari."
Bumabalik .... Bumabalik yung takot na naramdaman ko dati nung iniwan niya ako .... Takot na takot ako , takot na takot .
Dumaan ang mga araw na hindi na niya ako kinakausap . Nilalayuan niya na ako miski messages ko hindi niya pinapansin . Pag nagkakasalubong kami para lang siyang walang nakita . Wala lang ba ako para sakaniya ?
Iniwan nanaman niya ako , ang mas malala wala na siyang pasabi .
Hindi kita iiwan ..... pero bakit ako yung iniwan mo ? Fuck ! Ano ba pagkukulang ko ? Bakit naulit nanaman lahat ng to ? Mahal na mahal kita , pero hindi pala yun sapat kasi hindi mo naman talaga ako mahal .
Ang sakit sakit . Galit na galit ako sayo sobra . Lalo na kapag may mga nakikita akong babae na umaaligid aligid sayo . Galit na galit ako kasi nakikita kong nakangiti ka . Pero bakit napapatawad kita agad kahit na ganyan na ginagawa mo sakin?
Bakit ka nakakangiti ng ganyan ? Samantalang ako dito hirap na hirap na dahil sayo . Wala kabang konsensya ?
Gabi-gabi akong umiiyak . Sa pagpikit ko ng mga mata ko ngiti mo yung nakikita ko . Natutuwa ako , pero mas nasasaktan ako kasi ibang babae yung nakakapagpangiti sayo ng ganiyan . My insecurities kill me . Mas maganda ba siya sakin ? Mas mabait ba siya kesa sakin ? Mas matalino ba siya ? Mas makinis ? Bakit siya pa ? Kaya ka ba niyang mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo ? .....
na wala kang pakialam .
You hurt me so bad ! You're so reckless ! You're so heartless !
I'm still fighting. I'm still holding on . Pero wala naman na akong pinanghahawakan simula palang , kasi wala namang TAYO .
Should I Stay or Go ?
Pagod na pagod na ako . Hindi ko alam kung patuloy pa ba akong lalaban kahit na mukha na akong desperada . Mga kaibigan mo na kaibigan ko rin tumutulong na sakin . Pero wala eh , baliwala yung tulong nila kung kami lang yung may gusto , pero ikaw ayaw mo talaga .
Pagod na pagod na ako . Pagod na pagod na sila sayo .
"Tama na Queen , diba may usapan tayo na pag hindi gumana yung plano natin kakalimutan mo na siya" ani ng kaibigan ko .
Ang hirap niyang kalimutan mahal na mahal ko siya kahit paulit-ulit na niya akong ginagago . Hindi ko kayang magalit sakaniya . Pinipilit ko naman magalit para mawala tong nararamdaman ko . Pero wala talaga .... Wala . Sobra sobra yung pagmamahal ko . Pagmamahal lang yung nararamdaman ko sakaniya .
"Queen , I can't believe this. I admire you kasi ang lakas lakas mo. Saan ka kumukuha ng lakas?"
Wala . Hindi ko alam . Saan nga ba ako kumukuha ng lakas ? May pinagkukuhanan pa ba ako ? Hindi ko alam . Ewan . Basta ang alam ko lang mahal ko siya , ipaglalaban ko siya hanggat kaya ko .
I'm just a Girl . Hindi lahat kaya ko . Hindi ako habang buhay malakas . Magiging mahina at mapapagod din ako . Pero magpapahinga ako para sakaniya . Then tuloy ulit ang laban .......
pero hanggang saan ? Hanggang kelan ako lalaban ? Hanggang kelan ko ipaglalaban yung taong niminsan walang pakialam sa nararamdaman at nararanasan ko ngayon dahil sakaniya ? Habang buhay ba ako magpapaka-martyr ?
I'll Go .
Ayoko na tama na . Pagod na pagod na ako . Awang-awa na ako sa sarili ko . Oras na para sarili ko naman ang isipin ko . Oras na para sarili ko naman ang mahalin ko . Hindi na ako umaasang babalik ka . Ayoko na umasa , tama na . Sobrang sakit na , ayoko na madagdagan pa . Hindi ka yung taong karapat dapat na pag bigyan ng puso ko . Hayaan mo , darating din yung araw na makakaya ko ng tumingin sayo at ngitian ka . Kasi way na yun ng pagpapasalamat ko na sinaktan mo ko kasi nakahanap na ako ng lalaking dapat kong patuunan ng pansin at pagmamahal . I'll save my heart for the one who's worth dying for .
I love you , but I'm tired to fight . I won't stay . I'll Go .
BINABASA MO ANG
Should I Stay or Go ? (One-Shot)
Ficção AdolescenteHe left her . She love him very much . He used to be her world . But when he left , her world collapsed. She don't know what to do anymore . Should I Stay or Go ? NO TO PLAGIARISM! PLAGIARISM IS CRIME ! 7/31/16