Chapter 1.
12:50 PM. Lunch Time
"RY!", pasigaw ko siyang tinawag sa loob ng classroom habang busy siya sa paggawa ng reaction paper na pinapagawa sa amin ng Filipino teacher namin.
"Oh? Bakit? What's the problem my dear bestfriend?" nakatingin siya sa akin ng mapang-akit habang papalapit ako ng papalapit sa kanya. Ewwww. What the? Trip nito? Binatukan ko nga, “Aray naman Aria! Makapambatok ka naman dyan!”
"What’s with the seducing face? Kadiri eh! Nga pala, nakita mo ba yung Filipino book ko?! Kanina ko pa hinahanap. Wala din kasi sa loob ng bag ko."
“No, hindi ko nakita Aria eh. Diba nilagay mo yun sa locker?”
“Hindi eh. Katitingin ko lang sa locker ko. Pero wala talaga. Tsk. Yun pa naman ang next subject, dagdag mo pa na strikto yun si Mam Espana. Hayaan na nga lang.” Bumuntong hininga nalang ako. Nasan na ba kasi yung librong yun?
**********
1:15 PM. Filipino Class
“Magandang hapon”
“Magandang hapon po Gng. Espana.”
“Maari na kayong umupo. Ipasa na ninyo ang pinapagawa kong reaction paper ukol sa binasa nating aralin kahapon.”, mabuti naman at natapos ko na yung reaction paper na yun. Kundi nako. Mas marami pa akong iisipin bukod dun sa nawawala kong libro.
“Nandito na ba ang lahat ng reaction papers nyo? Sino ang hindi nagpasa?” at yun, as usual hindi nanaman gumawa at nagpasa yung Moron 5. Moron 5? Well sila lang naman yung mga estudyanteng pasaway, for short, yung mga tamad sa school! As the name says, Moron! At pinagalitan lang naman sila ni Mam Espana. Lagi nalang ganyan. At marami pang sermon-chuchus ang nangyari… Hindi din naman ako nakikinig. Ang alam ko patatayuin sila sa loob ng buong klase. STRICT. -___-
“Ilabas nyo ang inyong libro. Basahin ang kwento at sagutan ang mga sumusunod na tanong sa pahina 153. At gaya ng dati, ang walang libro, tumayo sa likod sa loob ng buong klase.” Ito na nga ba sinasabi ko eh, letse. Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon? Ayaw ko naming tumayo dun. At lalo na kasama pa ang Moron 5. Ah lam ko na.. *evil grin*
“Psst. Owen. Pahiram naman ako ng libro mo.” *insert killer smile here* sa ganda kong to, imposibleng tanggihan ako nito. Taas ng self-confidence ko no?
“O sige. Pero, paano yan baka patayuin naman ako?”, sabi na eh, hindi talaga ako matatanggihan nito.
“Hindi yan. Hindi naman tayo mapapansin nyan ni Mam, nandito naman tayo sa likod.”
“Ok. O heto yung libro ohh……” aabutin ko na sana yung libro kay Owen ng…..
“Ms. Mendez at Mr. Fajardo! Anong ginagawa nyo dyan?!” punyemas naman! Napansin pa kami? Eh halos sa ilalim na nga ipadaan ni Owen yung libro. Ano ba to? Pinya? At ang dami atang mata? Tapos lumapit pa siya sa amin.
“Ahh. Wala palang libro si Ms. Mendez… Hindi ba’t maliwanag ang sinabi ko na ang walang libro ay tatayo sa loob ng buong klase? ” at heto na nga ako, tatayo na. Punyemas. Nakakahiya to. Lanjo. Papunta na sana ako sa likod ng classroom ng….. may sumigaw.
“Mam Espana!” nagulat nalang ako kaya napatingin ako bigla sa direksyon nya…. At nang dahil don napabangga at nauntog nalang ako sa pader pagkaharap ko. Litsi. -_______-
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.” Narinig ko nalang ang tawanan ng mga kaklase ko… -___- Nak ng… Nakakahiya to. Grrrr…