Bundle of Roses (One-Shot)

152 5 3
                                    

Bundle of Roses (Nick and CC Side-story)

February  16, Saturday

Dominick’s Point of View

“anak, bilisan mong kumilos. late ka na.” napatingin naman ako bigla sa orasan dito sa living room namin. 6 ang start ng prom namin at pagkakita ko ay 4:30 palang. =_= “Nancy, maaga pa. mas excited ka pa sa anak mo.” pabirong sabi ni daddy kay sinamaan nalang siya ng tingin ni mommy. Mga magulang ko talaga…

“siya nga pala… bakit ang aga mo naman atang naghanda? para ka namang babae, anak.” =_= Matagal ko nang alam na minsan mukha akong babae. Potek. Pero… kailangan ko lang maghanda para sa araw na ito. Tinititigan ko yung bouquet na nakalapag doon sa sofa. Napangiti ako. Sana ito na yung araw na iyon… sana talaga. “wag ka nang makiusyoso.” ang magulang ko talaga. Ay ewan. “sige na Dominick. umalis ka na.” tinulak pa ako palabas ng pinto sabay abot sa akin nung bouquet. Pinapalayas na nila ako =_=

“alis na po ba tayo, sr. Nick?” tanong sa akin ni manong. tumango nalang ako. Kay aga ko naman pero di bale na. Pagkarating naming doon sa venue, ang konti palang ng tao. Potek. Ang excited ko ah! Tsk. Tsk. Tsk. Bumaba nalang ako ng sasakyan, bitbit yung bouquet ng rosas. Psh. May mga taong nakatingin sa akin, di pa ako nasanay.

Kaunti pa nga lang talaga ang tao pero nakahanda na yung venue. Anong oras kaya dadating si CC? Nag-volunteer kasi ako na ako nalang ang susundo sa kanya pero tumanggi siya. =_= Hay. Wala talaga siyang tiwala sa driving skills ko. Gusto ko pa naman siyang makasama ng mas matagal. Ay potek. Mga naiisip ko. Napailing nalang ako.

“aga natin ah.” may biglang umakbay sa akin. Si Kenneth lang pala. “oh bakit?” tanong ko sa kanya. Napatingin siya dun sa hawak kong mga bulaklak. “ngayon na yun?” tumango ako. “good luck pre.” tinapik-tapik niya ako sa balikat. Hay.

+++

“teka Dominick! oi! prom ngayon! saan mo ako dadalhin hah!!” halos mabingi na ako sa boses nitong CC na ito. Kasi nung nagsisimula na yung program ay hinila ko siya palabas dun sa may back door. may plano kasi ako ngayon at hindi iyon magaganap habang may prom. ka-epalan lang ang event na iyon. Maingay dun!

Hindi ko sinagot yung tanong niya. Tiniis ko nalang yung matinis niyang boses. Natanaw ko na yung sasakyan. Napangisi ako. Good. Agad-agad ko siyang isinakay. “oi! kidnapping ba itong nagaganap na ito?” napangiti nalang ako. medyo nagulo ng kaunti yung pagkakaa-ayos ng buhok niya pero… ang ganda pa din niya. “maniwala ka sa akin, hindi ito kidnapping.” alam na ni manong ang gagawin. Pinaandar niya yung sasakyan.

“hoy Dominick! bakit tayo umeeskapo doon sa prom natin! tsaka… yung bouquet ko! naiwan dun.” ah yun??? kay. “hayaan mo nay un. bulaklak lang yun!” inirapan lang niya ako. Nako. Kung malalaman mo lang kung saan tayo pupunta ngayon eh paniguradong hindi mo na ako magagawang irapan. Napakasunget talaga nitong babaeng ito kaya nga bagay kami. Hehe.

“nasaang parte na ba tayo ng kabihasnan? Dominick! humanda ka talaga sa akin!” medyo nahampas-hampas na niya ako. Aruy. Sinasaniban ata siya ni ate Sandy. “manahimik ka muna dyan CC. ingay mo talaga!” saway ko sa kanya. Lalo niyang nilakasan ang paghampas. Kawawa naman ako. Bugbog-sarado na ako. Medyo malayo-layo kasi yung lokasyon nung pupuntahan naming kaya siguro naiinip na siya sa tagal ba naman ng inupo naming dito sa sasakyan. Medyo masakit na nga din yung pwet ko eh.

“malapit na tayo.” sabi ko sa kanya. Natigil naman siya sa paghampas. “nyemas ka. yung prom ko! ibalik mo!” =_= bakit ba ang mga babae eh ang hilig sa mga event katulad ng prom eh pwede namang ulit-ulitin yun pag may formal party. Ang papanget naman ng mga estudyante sa amin. Di na dapat paghinayangan yun. Kasama naman niya ako eh… ano pa ba hinahanap niya?

Bundle of Roses (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon