Chapter 1

407 5 0
                                    

"Heynuh gising na." Sigaw ni mama sa baba. Antok pa kase ako gabi na ako natulog kasi gunawa pa ako ng mga assignments.

"Okay ma coming" Sabay kami umaalis ni mama . Sya papuntang work nya ako papuntang school. Highway lang naman  ang school. Pero pag pauwi hindi na kasi super late na nauwi si mama.

Nag ayos na ako ng aking sarili at bumaba na.
"Nak okay na yung baon mo" tumango ako at kinuha ang baon ko.Sumunod ako kay mama papuntang kotse namin.15 minutes ng nakarating ako sa school. Ang ingay. Nagsisimula na kasi ang intrams. Hectic nanaman ang schedule ko.

"Heynuh" tawag sakin ni Ej
"Oh?" Nakangising sabi ko sa kaniya. Pano ba naman kasi parang umang ang saya saya eh.
"Wala tayong teacher be. 4 hours kasi may emergency meeting daw" Eh kaya naman pala masaya to masyado eh . Walang teacher.

Napailing nalang ako at niyaya na syang umakyat sa room.Pag akyat ko sa room tumahimik silang lahat pag tungtong ko sa room. Im the president. Nasusunod ako sa room nato. Pero mabait naman ako pero pag napuno hindi ka talaga matutuwa.

"Do whatever you want but make sure to minimize your voices" Tumawa ako sa kanila at nag thums up silang lahat sakin. President din ako sa student council. Kaya kilala ako sa buong school.

"Hannahhhh tara laro us UNO" Hindi ako nakatanggi kasi masaya naman talaga maglaro ng UNO. Kaming 4 ang girls at 6 na boys. Masaya kaming naglaro.

"Hannah tawag ka ni Dean" Napahys nalang ako kasi saya saya ng paglalaro ko eh. But i need to face my responsibilities. Malaki ang gampanin ko sa school na to.

"Hi Dean tawag nyo daw po ako" Ngiti ko kay dean.

"Yes hannah. Ahm iannounce mo to sa buong 4th year. Ngayon na para walang teacher." Tumango ako kay Dean. 4 floors ang 4th year for sure hihingalin nanaman ako. Tae naman.

So sinimulan ko sa pinakataas. Ayoko sa baba. Save the last for the best kuno. Inannounce ko yung field trip na gaganapin. Kaso buong 4th year lang ang meron. Pagkatapos ng 10 minuto natapos ko na ang 3 floor at isa nalang ang natitira. Isa nalang na ayaw kong puntahan. Isang classroom na gusto ko ng mawala. At isang section na sumira ng buhay ko mahimbing na nananahimik. Isang klase na hindi mawala sa isip ko. Ang class 4-C

Aphrodites ang pangalan ng section nila. Ewan ko ang weird pero yun eh. May magagawa ba ako? Prinicipal ba ako? Siguro naguguluhan kayo sa mga pinagsasabi ko. Magulo naman talaga. Pero sige eto.

FLASHBACK

Im from section 3-C masaya kami sa section na to. Friendly ako. Palaging nakangiti. Ayoko kasi yung laging nakasimangot. Papanget ka.

"Heynuhhh" Tawag ni Maricar sa akin. Lahat naman sila kaibigan ko. Wala akong pinipiling kaibigan.

"Yes?" Nakangiting sabi ko.

"Nakangiti ka nanaman jusko! Di ka ba nawawalan ng ngiti sa mga labi mo?" Naiiritang tanong nya. Loka talaga tong batang to.

"Loka ano ba yun?"

"Nominated ka for president ng student counsil." Ah yun lang pa... wait. WHAT?!??? nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Like this oh -> O.O .

Hindi ko kaya yun. Madami ang gawain. Bakit nila ako binoto? Dahil siguro palangiti at friendly ako. Pero bakit ganun. Bat di man lang nila tinanong kung payag ako. Argh wala naman na akong magagawa kaya um-oo nalang ako.

Ilang araw ang lumipas election na para sa student council president. Hindi ako nangampanya or whatever ayoko namang manalo. Alam ko namang si Kayla ang mananalo.  Nagsimula ang bilangan. Nakangiti pa din ako kahit na sobrang kabado ako. Di ko alam pero parang may mangyayaring di kaaya aya.

"Okay Ms. Hannah Aphrodite Reyes and Kayla Roman the winner for president is Ms Hannah Reyes" ANO? BAT AKO PA DIN? HALA EH HINDI NGA AKO NAGEFFORT DITO MISKI ISA. Haluh sya.

Nagwalk out si Kayla. Hala baka nagalit susundan ko sya. Hinanap ko si Kayla sa buong school at nakita ko sya sa may 4th floor ng building. Pagkaapak ko sa last stair nadulas ako bigla at naglabasan ang mga tao. Hiyang hiya ako. Kasi meron akong menstruation ng nahulog ako. Ang sakit grabe. Napaluha ako pag tayo ko. Nakita ko ang sahig na may dugo. Sobra na akong pahiya.

"Ew may reggy" Sabi ni Kayla. Grabe ganyan pala sya kademonyo. Nalagay pa ako sa dyaryo ng school. Grabe.

End of Flashback

Behind those smile (ON-GOING)Where stories live. Discover now