Chapter 6

108 1 1
                                    

Hannah's POV

Umaga nanaman. Haharapin ko nanaman tong mahirap na parte ng buhay ko. Ang pag gising. Haha. Naligo na ako at nag gayak na. Pagbaba ko nakita ko si Mama na may kausap sa phone. Jusko aga aga trabaho agad?

"Hon please not now baka biglang bumaba yung anak ko" mahinang sabi ni mama pero naririnig ko. Hindi naman hon ang tawagan nila ni papa ah? weird.
"Fritz not now. Iloveyou pupunta ako dyan pagtapos ng work ko okay? Iloveyou" Omyg. Kailan pa naging Fritz pangalan ng tatay ko? WTF?

"what was that?" nakangiting sabi ko kahit ang sarap sarap na manapak.
"omygod kanina ka pa andyan?" gulat na tanong nya sakin.
"uulitin ko what was that?" Mangiyak ngiyak na sabi ko. Sana mali lahat ng iniisip ko. Sana hindi.
"L-Let me expalin" Nanginginig na sabi nya.
"Kailan pa?"Nakatitig ako ng deretso sa kaniya.
"A-Ano k-kasi h-hindi..."
"Ang sabi ko kailan pa?!" Hindi ko na napigilan taasan ang boses ko. Naaawa ako sa sarili ko.
"Almost 1 year na" nakayukong sabi ng NANAY ko. Oo imagine nanay ko pa talaga jusko.

"1 year mo na kami pinagmumukhang tanga? Natitiis mo? Anak at asawa mo? Anong klaseng ina ka? Sana pala di nyo nalang ako pinalaki kung magloloko....."

*SLAP*

Ang saya naman talaga ng umaga ko oh. Nakakainis. Ano bang nangyayari sa buhay ko.

"Ina mo pa din ako. Wala ka sa posisyon ko para pagsabihan ako ng ganyan. Hindi mo alam kung ilang balde na ng luha ang iniyak ko dahil sa tatay mo. Miski ako kinakain ng konsensya ko pero pagod na pagod na ako. Ang hirap sa posisyon ko! Sana intindihin mo din ako!?" Naiyak na sabi nya sakin.

"INIINTINDI MO BA KAMI? KUNG MAHIRAP SAYO MAS MAHIRAP SAMIN. MA PARA SAAN PA AT TINAWAG TAYONG PAMILYA? JUSKO. FOR CHRIST SAKE MA MAHAL NA MAHAL KA NAMIN NI PAPA. ANG SABIHIN MO HINDI MO NA KAMI MAHAL. KAYA PALA WALANG ARAW NA HINDI KAYO NAG AAWAY. AT HINDI NA DIN AKO MAGTATAKA KUNG BAKIT BUMUKOD NA SYA NG BAHAY."

Pagtapos kong sabihin lahat ng yan ay umalis na ako ng bahay. Ewan ko kung san ako pupunta. Hindi ko na mapigilan yung luha ko. Ang sakit. Sobra. Dinala ako ng mga paa ko sa park. Naalala ko si Papa. Oo daddy's girl ako. Kaso nahiwalay ako kay papa kasi nga lagi silang nagaaway ni mama. And now di ko na alam kung san ako pupunta basta ang alam ko ayaw ko munang umuwi. May onting ipon naman ako na magagamit ko.

Pinunasan ko na ang luha ko at inayos ang mukha ko. Sumakay ako ng jeep papuntang school.

SCHOOL.

Lumalakas nanaman ang tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Char.

"Heynuh tawag ka ni Dean" Sabi ni Charlotte sakin. Secretary ni Dean. Jusko. May papagawa nanaman? Wag naman ngayon please. 

"Dean tawag nyo daw po ako" Nakangiting bungad ko kay Dean pagdating sa office nya.
"Oh yes Ms. Reyes. Sit down" Sabi niya ng nakangiti. Good mood ata.

"You need to call this student. And please make sure na papasa sila sa test ko. Kapag hindi ikaw ang malalagot. Sila ang pasaway dito sa school na to. 3 lang sila. At bilang presidente ng buong paaralan na to kailangan mong disiplinahin ang mga studyante dito." Pagbibigay nya ng listahan sakin.

•Jerome Recoza
•Kurt Hyu
•Dylan Franco

Eh hindi naman talaga bago sakin tong mga to. Jusko. Lagi namang sangkot sa away ang tatlong to pero di ko inaasahang kailangan kong disiplinahin ang mga to. Wala na akong magagawa. Lalo na to si Jerome kala mo santo pag kaharap ako pero demonyo naman pag nakatalikod ako.

"Naiintindihan mo ba hannah?" Natauhan ako sa tanong ni Dean. Pag sinabi ko bang hindi may magagawa ako? Wala naman eh huhu.
"O-Opo Dean" Nakangiting sabi ko jusko.
"Okay. You may go" Tumayo ako at yumuko sa kaniya bago lumabas ng office nya.

Behind those smile (ON-GOING)Where stories live. Discover now