Achuchu... Sabi ko sa inyo babarilin niya si Shin. Hahaha.
Chapter 15: broken and shattered into tiny pieces
***
Sora pov
Ilang minuto na ang nakalipas simula ng nangyaring pagsabog mula sa labas, bigla namang nagsidatingan ang mga lalaking armado na nakablack and white na suit, ngunit mabilis ring dumating ang mga royal para pigilan o patayin ang mga kalaban. Nagkakagulo na ang lahat. They ruined everything. They ruined my party...
"Stay!" matigas na sabi ni Hix ng magtanka kong tumulong, they wanted me to get out of the way. Pero hindi ako papayag na protektahan lang nila ng wala man lang ginagawa.
"Solemn! Stay here!" sigaw ni mommy sa akin bago utusan ang isa sa mga guards na kuhanin ako. "bring her to the safest part. Lock her up, she needs to be safe." kalmadong sabi niya sa kanila.
Nanlalaking matang tinignan ko siya pero agad siyang umiwas at kinuha ang isa pang baril sa ilalim ng dress niya.
"no!" siga ko ng hawakan na ako sa braso ng isa sa mga tauhan ng royal. No! Not in the tower! Not when everyone's being attacked.
Nagpumiglas ako.
"no! Hix! Mom!"
Ginawa ko lahat para makakawala. Ayokong bumalik roon!
No! Hindi pwede! Ayoko... Hindi ko kayo iiwan dito... Hin...di!
Sinubukan ko ulit magpumiglas ngunit hinawakan na ako ng lalaki sa tiyan at hinila paalis ng buong lakas. Kusang tumulo ang mga luha ko ng makita ang kabuuan ng mansyon. Basag na ang mga salamin ng bintana, nabasag na ang mga nakasabit na chandeliers at maging ang maayos na mga lamesa at pagkain ay nagkalat na kung saan saan. Everything is ruined. Sinira nila ang pinaghirapan ng ibang tao. Muling pumatak ang aking mga luha nang makita ang mga pigura nila na papaliit ng papaliit dahil sa paglayo sa akin mula sa kanila.
Si cello na patuloy ang pagtago sa gilid habang nagkakasa ng baril, sa tabi niya ay si Stanley na mukhang prinoprotektahan niya. Si mom, na kasalukuyang nakikipagbarilan sa mga dumadaan mula sa bintana ng main hall. They were fighting to survive... To live.
"Hix!" sigaw ko ng makita ang pagbagsak ng aking kambal sa sahig, ang kulay puting tiles ay unti unting nabahiran ng dugo... Dugo mula sa aking kambal. Sinubukan ko muling magpumiglas at ng magawa iyon ay mabilis akong tumakbo sa pwesto niya. No.no.no! Hix!
Itinaas ko ang ulo ni Hix at tinapik ito sa pisngi, nagkulay pula na ang aking gown mula sa kaniyang dugo at para bang nakapanghihina na makita siyang ganito. Umiinda sa sakit...
"argh. Solemn! Get back!" giit niya sa akin ng hawakan ko siya.
"hindi pwede! Hix! Dadalin kita sa ospital!" umalingawngaw ang isa na namang malakas na pagsabog,napakalakas na halos mabingi ang aking tenga at panandaliang wala akong narinig.
Naramdaman ko na lang ang aking mga paa na lumutang mula sa sahig at ang paningin ko na patuloy na lumalayo sa pigura ng aking kambal.
Hindi pwede to!
"Hix! Hix!"
Sinuntok ko ang humihila sa akin ngunit hindi siya nagpatinag. Kumawala ako ngunit mas humigpit ang pagkakaakap ng kaniyang braso sa aking tiyan.
"Hix! Yung kambal ko! Tulungan niyo siya!" sigaw ko sa pagitan ng iyak ng makita kong mawalan ng malay si hix. Di siya pwedeng mamatay! "bitawan mo ako! Damn you! Yung kambal ko ang tulungan mo wag ako! Hix! Mom! Tulungan niyo siya! Mom!"
Hindi ako tumigil sa pag iyak. Di rin ako tumigil sa paglaban upang kumawala, ngunit wala na akong iba pang nagawa kundi panoorin sila habang itinatakas ako sa magulong lugar na iyon. Patuloy ang pagtulo ng saganang.luha sa aking pisngi, dahilan para manlabo ang aking mga mata at manikip ang aking dibdib. Masakit! Masakit para sa akin dahil wala akong magawa... Dahil mahina ako... Dahil di ko man lang naprotektahan ang kambal ko... Di ko man lang natulungan sila...
Lumipad ang tingin ko sa maliit na double door bago pa kami makaliko ng daan, at doon ay nakita ko ang mabilis na paglabas ni Shin dala ang isang baril... Shin... Ngunit hindi iyon ang ikinabahala ko.. Kundi si dad na kulay pula na ang suit habang hawak hawak ang kaniyang tagiliran. He shot him! He really did!
"DAD!" sigaw ko kahit alam kong di niya na ako naririnig mula sa malayo. I cried... I screamed... Yun lang ang nagawa ko hanggang sa isakay nila ako sa kotse at dalin sa tower sa pinakadulong bahagi ng lupain ng mga woldart.
"buksan niyo to! Please! Yung kambal ko! Tulungan niyo siya! Si dad! Mom! Please... Ple...please... H-hix... Kam..bal!" umiyak ako habang pilit binubuksan ang pinto pababa ng tower, ngunit para bang walang nagbabantay sa labas nito o nananatili lang silang bingi sa mga paghikbi ko?
Sinipa ko at pinagsusuntok ang pinto hanggang sa sumakit ang aking kamay at paa. Hindi ako tumigil. Mas gugustuhin kong masaktan ng pisikal kesa emotional. Masakit sa dibdib... Hindi ako makahinga sa sobrang sakit at sikip nito. Nababaliw ako sa tuwing iniisip ang mga nangyari at posible pang mangyari sa kanila, samantalang heto ako walang galos, walang tama ng bala, wala man lang nagawa para ipagtanggol ang mga mahal ko sa buhay.
"buk...san... B-buksan...niyo n-na... Pakiusap..." tuluyan na akong napasalampak sa sahig, habang kagat kagat ang labi upang pigilan ang aking mga paghikbi.
I am weak. All they ever did was to die protecting me.
"hix! Tulungan niyo siya... Yung kambal ko....si.daddy..." ilang minuto... Oras... Ang lumipas bago humupa ang away?... Hindi ko alam, dahil ang alam ko lang sa ngayon ay hindi humupa ang sakit na nararamdaman ko. Hindi nabawasan at mas lalo pang nadagdagan. Hindi nawala, mas lalong lumala.
They crushed me without shooting me... They hurt me without banging my head on the wall... They hurt me without touching me. Because they aimed for the heart... The weakest part of all, they aimed to emotional aspect and I was left broken and shattered into tiny little pieces.
They break me and I was lost.
****
I didn't stop crying. Kahit sumakit na ang aking mga mata o manuyo ang lalamunan ko hindi ako tumigil. Basang basa na ang sahig na kinahihigaan ko, sira na rin siguro ang make up ko at ang aking gown? Punong puno na ng dugo. Nasa sahig na rin ang aking sapatos at nagkalat na ang mga bead ng suot kong pearl necklace. I am a complete mess. An epitome of disaster.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit hindi na ako nag angat pa ng tingin. Nawalan na ako ng gana... Ng lakas. Ayoko na... Ayoko na...
"Solemn... " rinig kong mahina at malambot na tawag ng isang lalaki sa pangalan ko. Kahit kilala ko na kung sino iyon ay hindi pa rin ako gumalaw.
"Solemn... Listen... Your parents..." ayokong makinig... Ayokong marinig ang kasunod nun dahil paulit ulit lang akong masasaktan.
"they're... Dead."
Silence.
****
Next chapter?? Last chapter...
Awww... Sorry pero kailangan...
Lovelots...
Pinkiepurpy
BINABASA MO ANG
The Mafia And The Golden Fairy I
ActionUNDER MAJOR REVISION as of 05-04-2020 NOW PUBLISHED ON DREAME! BOOK 1: THE MAFIA & THE GOLDEN FAIRY : THE MASKED ONE Highest rank: #75 in Action "My biggest lie will be my destroyer." -Sora Her name is Sora. Not th...