01: Arabella meets Xyrus
10 years after...
"Kuya Xyrus, bawal ka po dito. Magagalit si Papa ko!" Sabi ni Ton-Ton--- anak ito nina Brix at Althea.
Antonio Vega Martinez, ito ang pinangalan nila sa kanilang anak. Obviously, kinuha ang pangalan nito noong nagpakilala si Brix bilang Antonio dela Vega Alcaraz. Antonio is three years old now. Thirty five na si Althea noong biniyayaan sila ng anak.
Sa kasalukuyan ay isang plain housewife si Althea. Pina-manage na lang niya sa kanyang ina ang botique shop sa Manila. Mas gusto niya kasing ilaan ang oras sa pag-aalaga sa mga anak.
Samantalang si Brix naman ay busy sa bukirin nila ngayon dahil tag-ani na ngayong buwan.
"Hindi iyan. Saka hindi mo naman ako isusumbong, diba?" Sagot ni Xyrus--- panganay na anak ito nina Laxus at Lyka. He is seventeen years old now.
Yeah. Ten years had past and up to now ay in coma pa rin si Ara. Actually, kaya nga siya nandito ay para dalawin si Ara. Pero matinding effort ang ginawa niya para makapunta dito. Yes. Pinilit niya kasi ang kanyang ama para isama siya sa mansion ng kanyang Ninong Brix. Saklap diba? Ayaw kasi siyang isama ni Laxus dahil nga iniiwas siya nito kay Brix na kumukulo ang dugo kapag nakikita siyang umaaligid kay Ara.
Well, he can't blame his Ninong. Kasi naman ay napaka-pilyo niya noon. He remembered the day when he first met Ara. Nagandahan na siya rito dahil napaka-inosenteng titigan ang mukha nito. Nalaman pa niya na bulag ito kaya naman mas umandar ang kapilyuhan niya. He kissed her. And yeah, Xyrus is very proud to say that Ara was his first kiss and he knew that Ara was his first too.
Gusto pa nga niyang maulit iyon noon dahil sa napakatamis ng labi nito pero na lang may humila sa kanya--- at sa malas at ang tatay pala iyon ni Ara. Kaya ito, kumukulo ang dugo ni Brix kapag nakikita siya. Ngayon nga ay palihim lang sana siya pupunta sa kwarto ni Ara ang kaso naman ay nahuli siya ni Ton-Ton.
"Sige na, Kuya. Baba na tayo..." hinihila pa rin ng bata ang kamay niya. Aish! Malapit na siya, e. Sampong hakbang na lang ay nasa kwarto na siya ni Ara.
Napakamot ulo na lang si Xyrus. Hindi siya, papayag hindi makita si Ara. Huling beses niya itong nakita ay five years ago pa. Hindi pa nga niya ito nasosolo para mas matitigan ang mala-anghel nitong mukha dahil nga laging nakabantay ang mga mata ng kanyang Ninong Brix.
Kaya naman binuhat niya si Ton-Ton na parang sako saka tinakbo ang kinaroroonan ni Ara. Kailangan na makita niya ito kaagad bago pa dumating ang kanyang ama at Ninong niya--- pinakita kasi ni Brix kay Laxus amg mga bagong ani na palay at mga gulay.
"Magagalit talaga si Papa kapag nakita ka rito." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ton-Ton. Wala na siyang nagawa dahil mabilis na ni-lock ni Xyrus ang pinto.
"Huwag ka ngang matakot. Saka walang makakaalam nito not unless isusumbong mo ako. At saka bakit ako lang ang hindi pwedeng dumalaw kay Ara? Yung mga kapatid kong si Lazulli at Russo, laging nandito, pati yung mga pinsan niyong si Andre at Alesana nandito rin, naglalaro pa kayo dito sa kwarto ni Ara diba?"
"Oo nga naglalaro kami pero minsan lang naman iyon, e. Saka ayaw ni Papa na nandito ka. Wala daw siyang tiwala sa iyo."
Napasimangot na lang si Xyrus. Grabe talaga ang kanyang mahal na Ninong Brix. Talagang walang tiwala?
"Labas na tayo, dali."
"Just give me five minutes."
"Pero---"
"Here." Bingay ni Xyrus ang cellphone sa bata matapos i-set ang timer niyon sa 5 minutes. "Kapag nag-alarm na iyan saka mo ako istorbohin. For now, just sit here and don't dare to disturb me."
![](https://img.wattpad.com/cover/80171356-288-k6065.jpg)