03: Epilogue

1.9K 64 7
                                    

03: Epilogue

5 years later...

Fully recovered na si Ara. Nakakalakad na ito ng maayos na hindi na kailangan ng wheelchair o saklay man lang. Well, thanks to her personal doctor and therapist.

Yes. Its Xyrus.

Napag-desisyunan ng binata noon na kumuha ng Nursing--- its for Ara, ofcourse. She became his inspiration for the past five years. Lahat ng mga natitunan niya ay ina-apply niya sa dalaga para madali itong maka-recover.

At nagbunga naman lahat ng pagsisikap niya. Pero hindi ang narardaman niya. He still stand for Ara as an older brother, her bestfriend and protector. Hanggang doon na lang yata ang katayuan niya.

Kung noon ay prangka siya sa pagsasabi sa harapan ni Ara na gusto niya ito, ngayon ay nato-torpe siya. Tumitiklop na siya makita lang ang inosenteng ngiti ng dalaga. Natatakot na siyang umamin, baka kasi masamain ni Ara kung magsasabi man siya ng nararamdaman. Baka isipin nito na trydor siyang kaibagan at iyon ang ayaw niyang mangyari.

Kaya nga pilit niyang ibinabaling sa iba ang atensyon niya. Ilang mga bigong relasyon na ba ang napagdaanan niya? Marami na pero sadyang si Ara pa rin ang tinitibok ng kanyang puso.

Napabuntong hininga siya. Binaling na lang niya ang paningin sa pagbabasa ng libro. Sa ngayon ay naghahanda siya para sa kanyang board exam next week.

Ilang sandali pa ay nalibang na siya sa pag-aaral pero biglang tumunog ang kanyang phone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay napangiti na lang siya.

"Bakit ka napatawag, Ara? Miss mo na ako?" Malambing niyang sabi. Ito ang simpleng daan niya para kahit paano ay maiparating niya kay Ara na gusto niya ito.

"H-hindi naman. May good news lang ako kaya ako napatawag." Sagot ni Ara sa kabilang linya.

Nanlalatang napayuko bigla si Xyrus.

"Ang manhid talaga ng mahal ko..." bulong niya. "So, ano yun?" Bigla niyang pinasigla ang boses.

"Sa isang linggo, o-operahan na ang mga mata ko. Sabi kasi ng doctor ko may pag-asa pa daw akong makakita." Masayang balita nito sa kanya pero halata ang takot sa boses nito. "Xyrus, natatakot ako. Paano kapag inoperahan na ako tapos hindi na naman ako magising? Tulad noon. Alam mo naman na hanggang ngayon ay hindi ako nakakatulog na hindi ko katabi si Ton-Ton o si Mama."

You heard it right. Until now, Ara is still blind. Hinintay pa kasi na maka-recover ito ng maayos. At sigurado si Xyrus na katakot-takot na pangungumbinsi ang ginawa ng mga magulang nito para lang pumayag na magpa-opera.

Tulad nga ng sinabi ni Ara kanina. Natatakot itong baka hindi na magising tulad ng dati.

"Xyrus? Nandyan ka pa ba?"

"Yes. Nandito pa ako. Anyway, don't worry about me. I'll assure you na magigising ka after the operation. Saka dapat lang gumising ka para makita mo na kung gaano ako kagwapo."

Biglang natawa si Ara sa sinabi nito.

"Alam mo, kahit hindi pa kita nakikita ngayon alam kong gwapo ka kasi..." bigla siyang natigilan. Bakit ba niya sinabi iyon? Baka kung anong isipin nito.

"Anong sabi mo?"

"W-wala... ano kasi... ahm, iniisip ko lang kung makakapunta ka next week pero board exam mo pala."

"Pupunta ako."

"Ha? Pero..."

"Promise. Pupunta ako sa operation mo. Huwag ka ng matakot ok? Lagi lang akong nasa tabi." Masuyo niyang sabi.

ArabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon