Chapter 5 - Moth-Moth

15 1 1
                                    

Aigelle's PoV

Haaays! Nakakapagod naman palang mag-aral dito, masyadong high standard kaso nagkulang sa pagsala sa mga estudyante kung kaya't nakapasok ang mga estupidyanteng miyembro ng Mafia Vigor. Tsk!

Kasalukuyan kaming naglalakad ng mga reapers kong babae papunta sa dorm building ng mga girls kung saan ako mananatili habang nandito pa ako sa loob at inaayos ang kasalukuyang problema nitong paaralan.

"Gelle, sa tingin mo ba mananalo tayo?" Nangangamabang tanong ni Claire.

"This is not the right place to talk about that." Sagot ko.

"Okay, I'm sorry." Tugon nito.

Nagmadali kami tumungo sa 5th floor kung saan ang dorm room namin. Nasa iisang dorm kaming apat, malaki ang ito at may apat na kwarto. Iilan lamang ang mga estudyanteng may gan'tong klase ng tinutuluyan dito sa dorm building.

Sa 1st to 3rd floor ang dorm rooms ng mga Firt year at second year. Sa 4th to 6th floor naman ang 3rd year at 4th year.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto namin ay agad kaming pumasok.

"So, Gelle, ano? May plano na ba?" Tanong ni Raine. "Kung meron naman ay handa kaming tumulong. Reapers kami." Dagdag pa nito.

"Oo nga, gusto ko na rin lumabas dito magshoshopping pa ako." Saad naman ni Hannah.

"Ito naman, puro ka talaga arte sa katawan." Pagsita ni Claire na kasalukuyang naghuhubad ng sapatos habang nakaupo sa sofa.

"Tumigil na nga kayo." Pagtigil ko sa kanila.
"Sa ngayon ay wala pa, but give me some time and I will prepare everything." Sabi ko upang mabawas bawasan ang bigat na dinaramdam nila dahil sa pagkakakulong dito sa paaralang ito.

"I will trust you. WE will trust you." Paglakas loob na paniniwala sa akin ni Claire at idiniin ang salitang "we".

Tumango lang ako sa kanila at tinugunan naman nila ito ng isang ngiti, ngiti na puno ng pag-asa, pag-asa na makakalaya sila sa isang living hell na paaralan.

Nagkanya-kanya na silang pasok sa mga kwarto nila at nagpahinga, mamaya ay tatawagin na lamang nila ako upang maghapunan sa cafeteria.

___

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at nag-iisip ng paraan na maaari kong gawin upang makalabas dito.
Inaamin ko na nadala ako ng emosyon ko ng malaman ang mga pangyayare sa paaralang ito kung kaya'y minadali kong makapasok dito. At ang mali ko ay hindi muna ako nagplano ng dapat kong gawin. At ngayon ay kailangan ko ng magmadali bago pa mahuli ang lahat.

"Gelle, tara na! Kain na tayo." Sabi ni Claire habang kumakatok sa labas ng kwarto ko.

"Sige, mauna na kayo susunod na lang ako." Tugon ko rito.

"Sigurado ka?" Paninigurong tanong nito.

"Yep! Bye, ingat!" Sagot ko sa kanya.

Nang makalipas ang ilang sandali at naramdamang unalis na sila ay napagpasyahan ki na rin sumunod dahil gutom na rin ako.

Nag-ayos ako ng sarili at kinuha ang aking wallet at lumabas sa dorm.

Naglakad na ako papunta sa Cafeteria at dahil medyo mahaba-habang lakaran pa ito ay nilibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtingin tingin sa paligid.

Malawak naman ang paaralan, maganda ngunit sa lagay nito ngayon ay tila wala na iting buhay. Siguro ay mas masigla abg paaralang uto noon, noong wala pang nag-iinvade nito.

"Fudge! What should I do?!" Nabigla ako ng marinig ko ang mga katagang iyon sa lalakeng hindi naman kalayuan sa akin.

"Urgh! Ano ba?! Ano bang nangyayare sa'yo?!" Tila inis wala sa sariling kinakausap ni Brent ang sarili n'ya habang sinisipa ang mga bato sa paanan n'ya.

Oo, tama si Brent nga.

Tinakpan ko ang bibig ko habang pinipilit pigilan ang pagatawa.

"Urgh! 'Wag na ng--" hindi n'ya natuloy angsinasabi n'ya ng makita akong nakatingin sa kanya.

"What are you doing here?" Tanong agad nito.

"Hahah! Obviously, I'm here 'cause I'm now studying here." Natatawang sagot ko.

"But why are you laughing?" Iritadong tanong nito.

"'Cause you're funny?!" Natatawa at tila hindi siguradong sagot ko.

"And who gave you permission to laugh at me?" Tanong n'ya at tila inis na.

"Hindi naman kilangan ng isang tao na humingi ng permiso para tumawa diba?" Sabi ko.

"K." Nakataas na kilay na sabi n'ya. Aalis na sana s'ya ng pigilan ko s'ya.

"Sandali, kakain ka na rin ba?" Tanong ko.

"What do you think?" Asar na tanong din nito.

"Pasabay, ha." Sabi ko.

Naglakad na kami pareho. Hababg naglalakad kami ay nagtataka ako dahil halos lahat ay nakatingin o napapalingon sa amin.

Bakit kaya? Tatanungin ko sana 'tong kasama ko ng makitang wala s'yang pake kung kaya'y hindi na rin ako nag-abala pa.

Maya-maya lang ay narating na rin namin ang cafeteria ng ganoon pa rin ang scenario, pinagtitinginan pa rin kami. Hanggang sa pagpasok at lalong-lalo na n'ong kumain kami.

Nag-order lang ako ng isang adobong manok, dalawang rice, isang softdrinks at isang pizza. Habang s'ya naman ay umorder ng isang pasta, isang pizza, usabg fries at isang pineapple juice.

Tahimik lang kaming kumakain ng bigla s'yang magsalita at isa itong himala.

"So, you're Aigelle Maxine Tuazon, right?" Pag-uusisa n'ya.

"Hmmm... Yep!" Sagot ko.

"Then, I should call you Xammy" natatawang sabi n'ya.

Nakarinig naman ako ng gasp mula sa ibang estudyante na malapit sa amin ngunit hindi ko pinansin.

"Bakit naman Sammy? Wala namang Sam sa pangalan ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Max, baligtarin Xam." Maikling sagot n'ya.

"Aaah!" Nasabi ko na lang.

X pala akala ko S, Xammy? Ang cute. Dapat may tawag din ako sa kanya.

"Alam ko naang itatawag ko sa'yo." Sabi ko habang sinismulabg ubusin ang pizza.

"What?" Taning n'ya habang iniinom ang juice n'ya.

"Timothy... Hmmm... Moth-Moth." Sabi ko.

"What the?!" Pagrereklamo n'ya.

"Bakit? Ang cute kaya." Sabi ko.

"K. If that's what you want." Sabi nito.

Nahihibang ba ako o totoong gumuhit ng ngiti ang mga labi n'ya? Aa! Basta, bahala na.

Maya-maya lang ay natapos na kaming kumain kaya lumabas na rin kami at nagsimulang bumalik sa mga dorm buildings namin. Agad din naman kaming nakarating pero as usual ay marami pa ring nakatingin. Nasa tapat na ako ng building ko ng magpaalam ako.

"Bye! Thanks sa time!" Pagpapasalamat ko sa kanya.

Ngumiti lang s'ya at umalis na. Tsk! Ang weird parang 'di naman naging masungit.

Hahahah! Moth-Moth!

___________________________
So, hmmm! Hi, Guys! Surprise update pala! Ang daming makulit, ei. Comment at vote na lang kung gusto ng mas mabilia na update. Thanks! Good night!

Harvey Monroe UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon