Chapter 2 - Her Personal Reapers

43 2 0
                                    

Aigelle's PoV

"Have a seat, Aigelle." Sabi ni Ms. Dela Fuente sa akin.

Umupo naman ako sa upuan sa harap ng table n'ya at s'ya naman ay umupo sa swivel chair.

"Tama ang naging desisyon ng mga magulang mo na itago ang identity mo sa lahat." Panimula n'ya. "Mas madali mo kaming maililigtas dito. Lahat nang HEADS ay miyembro ng Mafia Vigor, hindi namin ipinapahalata na alam namin upang mas malaya kaming makagalaw." Sabi n'ya pa.

"Ano po bang nangyare?" Tanong ko.

"Maayos na pinamumunuan ng Mafia Valmondé ang HMU noon. HEADS ang tawag sa mga namumuno." Kwento n'ya. "Sa hindi inaasahang pangyayare, nakapasok ang mga Mafia Vigor na school sa hindi alam na paraan. Hindi na ako nagtaka dahil masyado silang tuso. Inutusan nila na ipalabas na nagpalit na nang HEADS ang school." Bumuntong hininga s'ya.

"So, nasaan na po ang HEADS ngayon? Ano na pong nangyare sa kanila?" Tanong ko.

"Binihag sila ng Mafia Vigor. Walang nakakaalam kung nasaan sila. Ako na ang nagcontact sa mga magulang mo sa mga nangyayare dito." Sabi n'ya.

"Kailan pa po ito nangyare?" Tanong ko pa ulit. Kinakabahan ako dahil mukhang magiging mahirap ang gagawin ko.

"Last year po, pagkatapos ng foundation ng sch--"

"Last year pa?! Pero bakit ngayon lang kayo humingi ng tulong?" Tanong ko na medyo tumaas na ang boses. Mukha s'yang nagulat dahil sa paghampas ko sa desk n'ya. Agad naman s'yang napatungo.

"Naglagay sila ng signal jammer dito sa school. Since boarding school ito, tinake advantage nila ito. Hindi sila pumapayag sa magpauwi ng mga estudyante." Nagulat ako sa sinagot n'ya. "Wala na pong kahit isang nakakalabas dito. Nagkaroon lamang ako ng pagkakataon na makalabas noong isang linggo para masabi sa inyo ang pangyayare dahil namatay ang lola ko. Wala silang nagawa kundi payagan ako. Ngunit pinasama nila sa akin ang tatlo sa mga reapers nila." Sabi n'ya.

Nanlumo ako sa mga nalaman ko. Paano ko sila ililigtas? Paano kami makakaalis nang buhay dito?

"Sino pa po ba ang mga mapagkakatiwalaan dito?" Sabi ko.

"Luckily, may dalawa pang batch dito na puro miyembro Mafia Valmondé, since last year pa ito nahawakan ng Mafia Vigor, ang second year ay puro Vigorians na." Pagpapaliwanag n'ya. "First day of school ngayon at panibagong batch nang mga Vigorians. 'Di na ako tumanggap ng mga miyembro ng Mafia natin dahil mas delikado kung mahahalo sila sa Vigorians." Dugtong pa n'ya.

"Good, ang kailangan natin ay ang cooperation lang nila." Sabi ko.

"Okay lang naman kung cooperation nila. Ang kaso ay ang a--"

*booogsh!

Naputol ang sasabihin n'ya nang bumukas nang malakas ang pinto. Niluwa nito ang isang matabang lalaki na panot ang tuktok ng buhok at may suot suot na salamin, formal din ang suot nito. Kung titignan mo ay mukha s'yang matanda, pero nasa mid-30's pa lang siguro s'ya at matanda lang tignan dahil sa kunsomisyon. May kasama rin s'yang tatlong babae at dalawang lalaking estudyante.

"Sorry, Ms. Dela Fuente. Please, excuse for awhile." Sabi ng lalaki. "I know that I am a Guidance Counselor, but sorry, I can't take it anymore. Tumatanda na ako sa kunsomisyon ko sa batch nila at sa mga third year. I need your help. Halos araw-araw silang nasa office ko at hirap na hirap na akong i-handle sila. I need you to talk to them, I know that they will listen to you." Pagmamakaawa ng lalake.

"See, Ms. Aigelle. Our problem is their attitude." Napasmirk at napailing na lang si Ms. Dela Fuente sa hinaing ng matanda.

"Oh, we have a visitor?" Tanong ng matanda habang naglalakad palapit sa akin. Kinuha n'ya ang kamay ko. "Hi, Young Lady!" Pagbati n'ya sabay halik sa likod ng palad ko.

Harvey Monroe UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon