Sabi nila pagtinitigan mo ang isang maaliwalas na gabi may makikita kang isang diwata?
diwata na nagtatago sa isang bituin, kumikinang at nagbibigay liwanag sa madilim na kalangitan
diwata na ubod ng ganda at napakaspecial
kaso hindi lahat ng diwata ay katulad ng binangit ko,
may naiiba nga lng?
may isang diwata na makasarili at laging tumatakas
pumupunnta para magtago sa mga bituin para pagmasdan ang mundo ng taga lupa
isang diwatang sutil at ubod ng pasaway na walang inintindi kung hindi ang sarili niya at puro laro lang ang alam, at ito ay nagngangalang Annica. Ang Prinsesa sa Diwateria, at ang nagiisang anak ni Diwatang Hari.
Dumating ang araw pinagbilinan sila na wag magtago o lumabas sa Diwateria
dahil ang mapanganib na si Ursula ay muli nanaman mananakop sa kalangitan at magbabadyang paulanin at bigyan ng malakas na trahedya ang mga taga-lupa
bilin ng Diwatang Hari sa lahat ng diwata ay
"WALA MUNANG LALABAS SA MGA BITUIN, MAPANGANIB, AKO NA MUNA ANG BAHALA SA LIKOD NG MGA BITUIN"
sa sobrang pasaway ni Annica ay hindi niya ito sinunod. At wala talaga siyang sinusunod na batas o anumang regulation sa mundo nila., ehh kasi naman! Diwatang Hari ang kaniyang Ama.
Lumabas siya at naglaro sa Bituin,
~boossghhhs
May Malakas na pagsabog ang naganap.
Bigla na lang lumabas si Ursula at Muling Nanakop sa kalangitan
Di naalintana Biglang dumating si Diwatang Hari at nagsasagutan ang Diwatang Hari at Ursula ang Diwatang puno ng poot at galit sa kaniyang puso, Diwatang nalunod sa kapangyarihan at inabuso ang kapwang Diwata na naging Alipin sa mundo nila. Malakas ang kapangyarihan ni Ursula ngunit mas malakas pa din ang kay Diwatang Hari
Sa gitna ng sagutan nila, Nakita ni Ursula si Annica na nagtatago sa mga bituin.
Dadakpin na sana ni Ursula si Annica upang maging alipin nito at agad naman siya naunahan ni Diwatang Hari.
"Wag mong subukan galawin ang anak ko!" Galit na pahayag ni Diwatang Hari.
"Siya pala ang iyong Anak, Hija, Ako nga pala si Ursula!" at akmang yayakapin na sana ni Ursula ang Anak ni Diwatang Hari, ngunit Biglang Hinawi ni Diwatang Hari at sinabugan na malakas na apoy sa kamay ni Ursula.
"Wag na Wag mo siyang Hahawakan!"
Napangisi na lamang si Ursula at natawa nang nakakaloko "Sige, Sa susunod Magkikita ulit tayo Annica!" Sabay tingin ni Ursula kay Diwatang Hari "Sige kuya mauna na ako!"
PAG DATING SA DIWATERIA
Di malaman ni Annica ang reaksyon niya sa pahayag ng Hari at kahit Hari ang kanyang Ama siya ay naparusahan.
"IKAW AY HAHATULAN KO NA MAKISALAMUHA SA MGA TAGA-LUPA at kung hindi mo magagampanan ang misyon na naibigay ko sayo, tandaan mo ay hindi ka na muli makakatungtong sa Diwateria!!" saad ng Haring Diwata
sa paguumpisa niya ng misyon napunta siya sa isang 'depressed area sa metro manila'
doon siya maguumpisa ng kanyang misyon ang
"Makikipagsapalaran ka at gagawa ka ng Mabuting bagay sa mga taga-lupa.."