CHAPTER II
Maguumaga na hindi pa din ako makatulog, Hindi ko alam kung babae ba ‘tong katabi ko, Hindi sa naiilang ako pero napaka-tsk lang ang kulit, Nakakainis!
“Hoy, Umusog ka nga!” tinutulak ko siya ng bahagya, “Ano ba, umusog ka, masikip sabi eh” Aba tulog mantika ‘ata ‘to ah,
Buong pwersa ko siyang naitulak at pagkatulak ko bigla siyang nagising, Nakakatakot ang itsura niya baka mamaya mangain ng tao ‘to
“Araaaaay!” singhal niya “Sakit ah!” sabay palo sa braso ko, “Ano ka ba naman nakikitang natutulog ang tao eh!”
“Pumayag ako na dito ka matulog pero di ko sinabi na magasal mayaman ka, ang akin lang sana nahiya ka muna sa Auntie ko bago ka bumalagsak ng higa diyan!” sabay duro ko sa kanya, “San ka ba kasi ikaw nanggaling? Bakit hindi ka umuwi! Naiistorbo mo kami, Wala ka na ginawang tama dito!” Pag naalala ko nanaman ‘yung nangyari ako na ang nahihiya sa Auntie ko.
***
NAGLALAKAD na kaming dalawa malapit sa bahay, Ngunit tumigil kami para pabaguhin ang isip niya. Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto. Pipihtin ko pa lang ang pinto bigla siya nagpakilala.
“Ako nga pala si Annica!” sabay lahad ng kamay niya sa akin
“Adrian!” nilahad ko din ang kamay ko, napatingin ako sa langit. Tekaaa? Nasa na ang bituin?
Habang hinahanap ko ang bituin na kumikinang tuwing gabi, napansin niya ‘ata napatitig ako ng matagal sa kalangitan, “Ano tini-tingin mo diyan? Halika na, Nagugutom na ako!”
Hila hila niya ang aking kamay bigla siya nagsalita “Wag mo hanapin ‘yang bituin na ‘yan, Hinahanap mo pa nandito naman ako sa tabi mo!” sabay tawa niya. Sarap batukan netong babaeng ‘to,
“Kapal ah” bulong ko. “Anong sabi mo!” aniya,
“Wala. Tara na!”
PAGKAPASOK pa lang naming sa bahay etong si Annica ang daming reklamo, bakit daw ang liit? Baka may ahas, bakit ang sikip? Bakit walang fan? Bakit medyo mausok, bat mabaho at bakit wala daw kami pagkain, Anong klase daw ang pagkain yan, Nandidiri ‘ata siya. ANG ARTE. Kung di lang babae ‘to, Nasapak ko na ‘to.
At dahil sa ingay niya, Nagising si Auntie, “Oh Adrian, Ba’t ngayon ka lang, Sino ‘tong kasama mo?”
Sasagot pa lang sana ako pero naunahan ako ni Annica “Magandang gabi po! Auntie, ako po si Annica, Kaibigan ni Adrian, Pwede po ba? Dito muna po ako, kahit ilang araw lang!” nagpuppy eyes pa siya “ Sige na po!”