IHYP *4.1*

219 4 0
                                    

_____________________________________________________

❹◊①[[Cris’ POV]]

Isang buwan pa ang lumipas, masasabi kong move-on na ako kay Cheska. Pinagtuunan ko na lang ng pansin yung pagsasayaw ko at yung pag-aaral. Dean’s lister nga pala ako at scholar kaya maintain-maintain din pag may time.

“Cristina!!!!”

“Ay Pu—err..pusang ligaw…. Ano na naman Demianne?!” hasik ko. Muntikan na ako mapa-mura ah.

“Nagbabagong buhay na ba, Cristina? Himala, hindi ka nagmura?” umupo siya sa tabi ko nang pangiti ngiti.  Ha—hayuk lang talaga…. Ewan ko kung anong naganap sa katauhan ko pero ever since na parang nairita sa akin si Tofer nun dahil sa pagmumura ko ay ginawa ko na ang lahat para lang hindi mag cuss. Tang—masarap ang tang! Makainom nga mamaya…tsss…

“Ewan ko sayo…” nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway. Papunta ako ngayon sa practice room, gayun din itong si Demianne. Pupunta siya ng Practice room para siguro bisitahin si J.J na best friend niya na kasama ko din sa grupo.

Sa gym ang practice room kaya doon kami papunta ngayon.

“So… Kamusta na ang puso?” bigla niyang tanong sa akin.

“Okay na… magaling na…” sagot ko.

“That’s good…” itinaas-baba niya yung kilay niya. “May bago na bang nagpapatibok ng puso mo ngayon?”

Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko.

Dug.tug.dug.tug.

Tunog ng mga nagkiskisang sapatos….

Umaalingaw-ngaw na sigawan…

Mabibigat na paghinga, pilit hinahabol ang tamang rhythm.

And the man who stands out among them is now approaching me.

(The closer I get to you by MYMP) song on the side---->>>

~The closer I get To You

The more you'll make me see

By giving me all you got

Your love has captured me~

Dug.tug.dug.tug.

Parang magic na tumigil ang oras at mga tao sa paligid ko. No joking. Ayun talaga ang nakikita ko ngayon habang pinapanuod siyang maglakad papalapit sa akin. Pawis na pawis, hingal na hingal… pero nakangiti pa din kahit pagod.

~Over and over again

I try to tell myself that

We could never be more than friends

And all the while inside

I knew it was real

The way you make me feel~

Dug.tug.dug.tug.

Bakit nagkakaganito ang puso ko? Ang bilis ng tibok? Bakit hindi din ako makagalaw? Bakit hindi ko maiwas ang tingin ko sa mukha niya… bakit ang gwapo niya?

(O___O) THE EFF????!!!

“Uy! Pare!!! Musta??!” bati niya kaagad sa akin. Itinaas niya ang kamay niya para makipag-apir sana sa akin kaso hindi ko magawang iangat ang kamay ko. Patuloy pa din ako pagkatulala. “Cris? Yohoo???” kumaway-kaway siya sa harapan ko pero hindi ako nakurap. What the hell is wrong with me???!

I Heart You, Pare!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon