IHYP *7*

338 9 3
                                    

____________________________________________________

[[Cris’ POV]]

Kasabay nang pagbukas ng pinto ay ang pag-asa na makuha ko pa din ang loob niya. Agad bumungad ang pawis na pawis niyang mukha.

“Cristina! Nandito ka lang pala! Pinag—“

(song: Everything has changed by Taylor Swift ft. Ed Sheeran covered by Alex G and Jon D)----->>>>

“Mahal kita.” Sambit ko kaagad.

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Nanlaki bigla ang chinito niyang mata. Bahala na talaga si batman, superman, catwoman, wonderwoman. Basta kailangan kong umamin dahil hindi ako papayag na mawala siya sa akin. Hindi ako basta papayag na may umagaw na akin na sa una pa lang. Makasarili ako, oo, sa kaniya lang naman eh. Hindi ko alam kung bakit pero binago niya ako.

“A-Anong s-sabi mo?” nauutal niyang tanong.

“Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin… Pero… I heart you, Pare.” kasabay ng pagbitaw ko ng salitang yun ay siya naman ang paghila ko sa kaniya palapit sa akin at hinalikan.

Naalala ko na ulit ang sensasyon ng una niya akong halikan. Kaya siguro hindi ako lumaban noon ay dahil… ganito pala kasarap ang pakiramdam habang ang mga labi namin ay magkadikit. Hindi nakakasuka, nakakadiri o nakakapanindig balahibo. Instead, I felt butterflies on my stomach, for the very first time.

Pinulupot na niya ang kamay niya sa bewang ko, napangiti na ako, dahil sinagot niya ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ramdam ko pa din na gusto pa din niya ako.

I pulled him closer as I wrapped my arms around his neck. I tiptoed while kissing him softly, feeling, savoring each moment.

Mahal ko talaga siya… tang—tanging pagmamahal lang talaga ang nararamdaman ko ngayon para sa kaniya. Hindi na ako yung tomboy na inis na inis sa kaniya noon dahil sa mga pinag gagawa niyang kakaiba sa akin. Binago niya ako, hindi siya sumuko sa akin…

He let me feel how to be a girl…and now I realized, I’m still a girl after all.

He teaches me how to love…for real…

And he never gave up on me until I found the true meaning of it.

Now it’s my turn to show him what I learned from those…

Everything has changed…because of him… ako, ang kasarian ko, ang puso ko ang buong pagkatao ko. Hindi ko siya basta isusuko. Ibabalik ko siya… Ibabalik ko siya sa akin…

He broke the kiss and looked into my eyes intently. “M-Mahal mo ako?”

Tumungo ako. “Oo nga mahal kita, t@ngna, paulit-ulit? Sirang plaka?” napatakip ako sa bibig ko. Potek na mga mura yan oh! Hindi na talaga naalis! Old habits die hard! Sh*t!

“Bakit kailangan may mura pang kasama?” nakakunot niyang tanong.

“Eh sa hindi ko nga mapigilan eh. Bwisit naman oh, nakasanayan na kasi, sh—“ hindi niya ako pinatapos magsalita ng halikan niya ulit ako. Sa sobrang bigla ay hindi ko na naipikit ang mga mata ko at kitang kita ko yung mga luhang pumapatak sa mata niya. What the f? umiiyak siya?

Naitulak ko siya kaya naman napadilat siya, at kumpirmado! Umiiyak si G@go!

“Hoy! Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kaniya.

I Heart You, Pare!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon