Chapter 4: 2 years ago

142 4 8
                                    

I'll never Go: Chapter 4

(A/N: Focus po muna tayo sa nangyari 2 years ago gets nyo naman po di ba? gets nyo naman din po na POV lang 'to lahat ni Josh? pilitin nyo na lang intindihin haha! ayun dedicated sakanya super duper belated happy birthday baklaaaa!)

==

2 years ago:

''Good Morning Honey!'' bati ko kay Chloei sabay halik sa cheeks nya

''Good Morning din Honey papasok ka na agad?'' nandito kasi sya sa may garden malalate na din ako kaya dun na lang ako mag breakfast

''Yup, malalate na po ako e...

Pinutol nya agad yung sasabihin ko ''here baunin mo 'to alam ko kasi na malalate ka dahil sa kagabi kaya ginawan kita ng chicken sandwich'' sabi nya sabay abot bag

''Ang sweet naman ng asawa ko kaya lang para kong bata may lunch box pa! Haha'' kahit na bag 'to lunch box pa din talaga kung titignan e.

''Haha okay lang yan hon kainin mo yan a? Saka kumain ka ng lunch please'' sabi nya sabay ayos ng Tie ko

''Opo magiingat ka dito a?'' kahit na may kasama syang katulong minsan hindi pa din ako mapalagay

''Opo ahm honey may gusto sana kong sabihin sayo e'' bigla namang sumeryoso muka nya habang inaayos nya tie ko

''Ano yun hon? Paki bilisan po kasi malalate na ko'' mukang seryoso talaga baka magkakababy na kami? ^_^

''Ahm kasi Honey okay lang ba kung mag work na ulit ako? Para matulungan na din kita?'' na dismaya naman ako nung marinig ko yun akala ko kasi ang sasabihin nya mag kakababy na kami

''Honey napag usapan na natin 'to di ba? I'm sorry honey but I have to go malalate na talaga ko'' sabi ko sabay kiss sa lips nya alam ko na mag tatampo 'to

*

''Good Morning Sir'' bati sakin ng secretary ko

''Good Morning anong schedule ko today?'' naiiisip ko pa din si Chloei tyak magtatampo talaga yun e tuloy tuloy ako pumasok sa opisina ko sinundan naman ako nung secretary ko

''Sir may meeting po kayo kay Mr. Dela Vega ng 1pm nag request po sila na kung pwede dito na lang daw po sa office nyo'' sagot nya sakin

''Is that all? Sige papuntahin mo na lang sila dito, Natawagan mo na ba si Mr. Martin na canceled ang meeting namin today?'' mas mahalaga kasi ang meeting ko kay Mr.Dela Vega kasi may proposal sya sakin na makakatulong talaga sa company

Chineck naman nyang mabuti kung wala na talaga kong meeting ''Yes Sir wala naman pong naging problema about kay Mr. Martin'' naka smile na sagot nya sakin

''Okay Thank you, paki timpla mo naman akong kape please'' nagugutom na din kasi ako kahit maramong trabaho kailangan ko munang kumain

''Okay po sir'' sabi nya sabay alis

Kinuha ko muna yung Bag na may lamang 2 chicken sandwich tapos may chocolate cake pa napailing naman ako si Chloei talaga hindi ko naman lahat mauubos 'to, tapos may orange juice pa hindi ko na check na kasi 'to kanina sa pagmamadali ko.

''Sir eto na po yung coffe nyo'' biglang pasok ng secretary ko

''Ah sige paki baba na lang thank you, ah Hazel here take this'' sabi ko sabay abot nung bag sakanya hindi ko naman kasi mauubos 'to

pag ka abot nung bag chineck naman nya agad kung ano yung laman

''Naku Sir busog pa po ako e saka baka po hindi pa kayo nag breakfast'' sabi nya sabay binabalik yung bag sakin

I'll Never GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon