Chapter 6: ''If only''

127 3 3
                                    

I'll Never Go Chapter 6: ''If Only''

==

/Chloei's POV/

*The subscriber cannot be reached please try again later*

Nilapag ko na lang phone ko at tumingin sa labas, kanina pa ko naka uwi at kanina ko pa din hinihintay si Josh pero wala pa din sya hanggang ngayon, ni hindi man lang sya nag tetext.

Ano na kayang nangyari dun? Hay sana naman walang masamang nangyari sa asawa ko. Hindi kasi ako sanay ng hindi nag tetext yun kahit nasa office yun nag tetext pa din sakin yun.

Tinry ko na din kontakin si Dennis di ko din ma kontact nasan na kaya yung dalawang yun?

Kanina pa kami naka uwi hinatid lang ako ni Mommy 6pm pa lang andito na ko pero 9pm na dapat andito na sya? Hindi kaya nambabae na yun? Ay nako subukan lang nya leleegan ko sya, brutal ba? Mahal na mahal ko kasi si Josh sobra saka buong buhay ko sya na kasama ko at buong buhay ko din isa lang ang naging girlfriend nya bukod sakin.

Hindi naman kasi talaga babaero si Josh, sya ang nilalapitan ng mga babae kais dati nung mag bestfriend pa lang kami nag babar kmi kaliwa't kanan ang babaeng lumalapit sakanya pero buti na lang nung time na yun di pa ko in love sakanya nako kung hindi baka nakapatay ako ng kapwa ko babae mehehe seryoso ko.

Pero nung niligawan ako ni Josh at na inlove na ko ng tuluyan pinag bawalan ko na say pumunta ng bar o kahit tumngin man lang sa bar selosa kasi ako, pag ako ang may ari ayokong may lumalapit o may umaaaring iba ayoko ng may kahati syempre sino ba naman may gusto di ba? Ang gwapo pa naman ng asawa ko buti na lang maganda talaga ko bagay kami haha. Marami din nag sasabi na ang swerte daw namin sa isa't isa kasi nga mag bestfriend kami simula pa lang bata kami tapos kami ang nagkatuluyan.

Tama swerte nga lalo ako kais si Josh yug lalaking hindi mo na gugustuhing mawala sya sayo, he's perfect, sweet, maalaga, mabait although minsan mejo mainitin ulo pero sya yung lalaking simula pa lang nung nanligaw sakin hindi talaga tumingin sa iba kahit mejo matagal na din kami hanggang ngayon may araw na sinusuyo suyo pa din nya ko ako naman sobrang kilig, ikaw ba naman mag ka asawa ng sobrang gwapo di ba? Haha.

Pero ang totoo sa kabila ng kilig, at pag mamahal ko sakanya napaka laki ng atraso ko sakanya sobra, na pag naiisip ko naaawa at na guguilty ako sakanya

*Beeeeeeeeeeeeeeeeep*

lakas naman ng busina na yun? Sumilip agad ako sa bintana , nakita ko naman na binuksan agad nung katulong yung gate, teka kotse ni Dennis 'to a?

Dali dali na din ako bumaba, hindi kaya nag lasing yun? Ayoko pa naman ng umiinom yung si Josh.

Lumabas na din ako, at pag labas ko nakita kong binababa ni Dennis si Josh at mukang lasing na lasing tsk.

''Ano baa! Waag mo na nga ko hawakan pre! Kaya ko 'to hahah!'' lasing na sabi ni Josh nug pag lapit ko

''Ano bang nangyari? Nag bar na naman ba kayo?'' inis kong tanong kay Dennis

''Hindi e di baka pati ako leegan mo, nag inuman lang kami sa bahay, ayan ginawang tubig yung alak ayan resulta'' paliwanag ni Dennis

''Hiiii Honeeey *Hik* hahahaha ang ganda talaga ng ahswaha kooooo!'' at yayakap pa talaga sya sakin a? Umiwas ako kasi lasing na lasing talaga nakita ko namang natawa si Manang

''Hahahah josh anong ahswaha? Tagas tulog ka na nga jan!'' bintaukan naman sya ni Dennis napailing na langa ko

''Mabuti pa ipasok mo na yang lasing na yan ituloy muna sa kwarto namin, tapos manang paki timpla mo na lang ng kape si Dennis'' nakita ko namang hirap si Dennis na ipasok si Josh kais hinahawi sya ni Josh haha

I'll Never GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon