Pakiss na kasi [Kris]

9.1K 357 83
                                    

All Rights Reserved 2013

A Kris Wu Fanfiction.

Date posted: November 6, 2013

**

"Hoy, Kaye! May naghahanap sa'yo sa labas!" Sigaw sa'yo ng kaklase mong feeling close sa'yo. Ang gaspang ng ugali niya sa'yo, biruin mong nilalait-lait ka na niya. Kase sabi niya, close daw kayo. Tangina niya kamo. Sagot mo sa isip mo.

     

Pero sinabi niyang may naghahanap sa'yo. Hindi mo alam kung sino pero may kutob ka na. Baka si ano. Ay oo, baka nga si ano. Hula mo sa isip mo. Ayaw mong banggitin yung pangalan niya kasi baka humaba din yung baba mo at lumapad ang gilagid mo. Syempre ayaw mo nun. Sayang ganda.

    

"Sino 'yan? Pag mahaba baba, tapos matangkad, sabihin mo wala ako!" Sigaw mo pabalik. Alam mo ang tanga mo. Bakit ka sumigaw? Edi narinig ka nung naghahanap sa'yo. Tanga-tanga ka talaga.

    

Inirapan ka nung feeling close na kaklase mo. "Eh. Dalian mo na kasi! Sayang 'to, gwapo 'to!"

    

Padabog na tumayo ka sa upuan mo. Leche naman kasi. Kukilitin ka na naman niya panigurado. Okay lang naman sa'yo dati na kinukulit ka niya. Kilig na kilig ka pa nga pero bakit ngayon, naiinis ka na? Kunwari ka pa, kinikilig ka pa rin naman.

    

Lumabas ka na ng classroom niyo ng padabog. Ready ka ng mag bratatat. Binuka mo na yung bibig mo— "Ano ba, Kri--" pero mali yung akala mo. Hindi naman kasi yung mahaba baba na lalaki yung naghahanap sa'yo. Kaya pala gwapo yung sabi nung kaklase mo. Bakit ka naman kasi nag-assume na siya yung gwapo.

    

"Uy, Ano.. Tao." Umakto ka ng para bang walang nangyari. Kinagat mo yung ibang labi mo. 'Yan, nagagawa ng mga assumera eh.

    

Nginitian ka ni Tao. Nilapitan ka niya at ginulo yung buhok mo. Ayaw mo ng may humahawak sa buhok mo lalo na pag yung mahaba baba ang gagawa pero pag si Tao ang gumagawa, ok lang. Woop, kalandian.

    

"Punta ka sa bahay mamaya, ah?" Pag-imbita niya sa'yo. Ano? Yun Lang yung sinabi niya sa'yo? Gusto mong mainis kasi yun lang naman pala tapos kailangan lumabas ka pa ng classroom niyo pero hindi natuloy. Pinuntahan ka kasi. Tapos personal pang sinabi sa'yo. Effort din yun ano!

    

Kung wala lang syota 'tong Tao na 'to, iisipin mong kras ka niya eh. Kaso wala, taken na ang panda.

     

Nginitian mo siya ng matami, "Sure, Tao. 'Kaw pa? Lakas mo sa'kin eh." Sagot  mo. "Ay wait. Ano bang meron? Birthday mo ba?" Tanong mo.

    

Natawa si Tao. Hala, ang cute niya~ sabi mo sa isip mo. Pero, Kaye.. may girlfriend na nga. Wag na malandi.

    

Pinitik niya yung noo mo. Aw ah! sigaw mo. Syempre hindi mo sasabihin ng malakas yan. Masisira ang moment! "Hindi. Tapos na birthday ko, diba? Birthday ni Kuya."

    

Pagkasabi ni Tao nun ay napa-ubo ka. Birthday daw nino? Ng kuya niya? Eh si Kris lan naman kuya niya ah? so ibig sabihin, birthday ngayon ng mahaba ang baba na nagungulit sa'yo na kras mo? Ay Kaye, sorry. Nadulas ka pa. Ayan tuloy, alam na nilang kras mo si babalu.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

亦凡 - pakiss na kasi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon