CHAPTER 1 ^^
______
WINTER'S POV
Nandito lang ako sa sala ngayon. Nanonood ng TV kasama yung kapatid ko. Manonood daw siya ng paborito niyang teleserye. Yung Descendants Of The Sun.
Nga pala, siya si Autumn Sage Santiago. 15 years old. Oh diba? May Winter na may Autumn pa. Kulang nalang si Summer at Spring. Edi kami na ang four seasons.
Hayy nako balita palang. Nanonood kami ng TV Patrol. Siya ay tutok na tutok na parang may hinihintay.
Tss binalik ko nalang yung pansin ko sa wattpad.
"Famous Kpop Group na Bangtan Sonyeondan o BTS, magkakaroon ng concert dito sa bansa sa susunod na buwan na magaganap sa SM MOA Arena." Rinig kong sabi sa balita.
T-teka--
"KYAAAAAHHH! SABI KO NA NGA BA EH! OMG! ATE OWEMJIIII!" tili niya at may papalo palo pa sakin.
"Ano nanaman?" Inis na tanong ko sakanya.
Ang sakit kaya ng palo niya!
"KYAAAAH ate may concert sila!" Tili niya parin.
"S-sino?" -ako
"KYAAAAH ATE BTS!" Kilig na kilig niyang sagot.
"B-BTS?" OWEMJI?
Diko pa nasasabi sainyo na simula noong napanood ko sila sa isang telebisyon sa mall ay naging fan na rin ako. Silent fan nga lang. Ako yung fan na hanggang nood lang ng videos nila at tingin sa pictures nila.
Nang mapanood ko yung mga Bangtan Bombs nila sa YouTube ay mas lalo ko silang nagustuhan. Dahil nalaman kong hindi lang puro pagpapasikat ang alam nila. Kundi napakamasiyahin din nila at ang co-close nila! Nakakatawa sila! Lalo na si V. Mas lalo ko nga siyang nagustuhan eh.
Nagsearch panga ako ng mga infos and facts tungkol sakanya.
"KYAAAAH yes ate! Mga asawa ko! Hihi matagal kona tong pinag ipunan!" Aish kilig na kilig parin siya.
Bakit feeling ko gusto kong pumunta?
"A-ahh ganun ba? Magkano ba yung ticket?" Tanong ko sakanya.
Malay mo kaya ng budget.
"Ah ate i don't know pa. Wait!" Atsaka nagpipipindot siya sa phone niya. "Uhmmm san na ba yun? Ahhh ayun! SVIP TICKET costs 13 000! Ayun ate"
"ANO?! Thir-thirteen thousand?" What?! Ang mahal naman.
"Yes ate. Napag ipunan kona to. Im soooo excited!" Sagot niya. Diparin siya nakamoved on sa kilig niya kanina. At talagang napag handaan niya to ah.
Ehhh 13 000?
Kaya pa naman sigurong pag ipunan diba?
May sobra isang buwan pa naman diba?
Kaya yan! Magpapart time nalang ako. Baka kasi hindi ako bigyan ni mama at papa kahit sabihin nating malaki ang business namin. Hindi kasi kami spoiled.

YOU ARE READING
I'M JUST A FAN
FanfictionIsa lamang akong fan... Ano ba namang ie-expect ko? Napakadami pang ibang fangirls diyan na mas maganda, sexy, at mayaman sakin. Isa lamang ako sa mga taga sigaw, taga bili ng mga albums at merch nila--NIYA, at nagmamahal sakanya pero di niya man la...