CHAPTER 2: Congressman Magbanua

26 0 0
                                    

Nagtungo nga ulit si Greg sa paborito niyang Cassino. Hindi yata siya tatagal nang ilang araw na hindi nakakapagsugal.

"Greg, may dala ka na bang puhunan?" tanong ni vince sa kanya. Ito ang madalas niyang makalaban sa sugal.

"Paldo ako ngayon, kaya kahit na magdamagan ay hindi ko kayo aayawan," mayabang na sagot niya dito.

"siya nga pala, gusto naming makilala mo ang bago nating kaalaro. Si Congresman Alfreado Magbanua," pakilala ni Vince sa lalaking mukhang kagalang galang.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala, Congressman," nakangising sabi niya dito.

Ganoon din ako, Greg," sagot nito habang makahulugang nakatingin sa kanya.

Nagsimula na nga sila sa paglalaro ng baraha at ganadong ganado siya dapagkat malaking halaga ang dala niya.

"matagal ka na bang naglalaro dito, Greg?" pagkuway tanong sa kanya ni Congressman Magbanua.

"matagal na rin ho," magalang na sagot niya dito.

" Binata ka pa ba?" wari'y interesadong tanong nito.

"Oho."

"Ilang taon ka na ba, at ano ang trabaho mo?"

"Twenty four na ho ako at wala ho akong permihang hanapbuhay."

"mabuti at nakakaya mong tustusan ang bisyo mong ito?" may pagtatakang tanong uli nito.

"Diskarte lang ho ang pinaiiral ko," nakangising sagot niya.

Tumango tango lang ito at pagkatapos ay masusi nitong pinag aralan ang kanyang mga kilos.

waring nasiyahan naman ito sa nakita sa kanya, lalo pa nga at nakikita nito na talagang sugapa na siya sa pagsusugal. Lihim nitong sinenyasan ang balasador at hindi niya napansin ang mga makahulugang tinginan ng mga ito.

kung kanina ay sunod sunod ang kanyang panalo,ngayon naman ay sunod sunod na pagkatalo ang inabot niya. Sa loob lamang ng dalawang oras ay halos nangangalahati na ang dala niyang pera.

Nang sumapit ang hatinggabi at nagpatuloy parin ang kanyang kamalasan ay nagpasya na siyang umuwi. Palilipasin parin niya ang gabing iyon dahil ayaw naman niya na masimot agad ang isang daang libo piso na hiniram niya s kapatid.

Naisip niya na sa ibang araw n lang bumalik sa lugar na iyon, para uminit naman sa kanyang bulsa ang salapimg natitira.

"Bakit naman aayaw ka na agad ," puna ni Congressman Magbanua sa kanya.

" minamalas ho kasi ako ngayon kaya magpapalamig muna ako," sagot niya dito.

"alalahanin mong ang umaayaw ay hindi nagwawagi,at ang hindi umaayaw ay siyang nagwawagi," matalinhagang wika nito.

Iba ho sa akin kapag minamalas ay kailangang umayaw dahil kung hindi ay siguradong masasairan."

Nagkibit balikat na lamang ang mambabatas at pinabayaan na siya nito.

-------------

"SUNDAN ninyo si Greg. Alamin niyo ang mahahalagang bagay tungkol sa kanya," utos ni Congressman Magbanua sa mga tauhan nito.

"Talaga ho bang interesado kayo kay Greg ?" tanong naman ng isang tauhan na pinagkakatiwalaan nito.

"Gusto ko ang kanyang ugali alam kong mapapakinabangan ko rin siya," nakangising sagot nito.

tumalima naman agad ang mga tauhan nito. Walang kamalay malay si Greg na may mga aninong nakasunod dito saan man ito magpunta. Nang sumunod na mga araw ay inalam ng mga piling tauhan ng Congressman ang lahat ng bagay na tungkol dito.

Maging ang angkan na pinagmulan nito ay ipinagtanong din ng mga taong iyon, at agad namang nalaman ni Congressman Magbanua ang tungkol doon.

tnx for reading..

read and comment ^.^

The GamblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon