CHAPTER 4: VIP

24 0 1
                                    

pag karaan ng isang linggo ay muling nagtungo si Greg sa Casino. Kagaya ng dati, sugal ang dahilan kaya siya nagtungo sa lugar na iyon.

"kamusta, Greg ?" masiglang tanong ni Congressman Magbanua sa kanya.

"Mabuti naman ho, at nararamdaman ko na susuwertihin ako ngayon."

"Maganda ang pakiramdam mong iyan."

Muli niya itong nakalanan sa larong iyon at talagang pinapanigan siya ng pagkakataon at siya ang nanalo.

Ngunit ilang oras lang ang kanyang kasiyahan sapagkat natalo na siya ng mga sumunod na laban.

Naubos ang dala niyang pera na inaasahan niyang magiging doble. Ngayon ay parang sasabog ang kanyang ulo, dahil simot ang laman ng kanyang bulsa at maski na pamasahe ay walang natira sa kanya.

"Gusto mo pa bang ituloy ang labang ito?" pagkuway tanong nito.

"Sa ibang araw na lang siguro, simot na ang laman ng aking bulsa," nakangiwing sagot niya.

"Greg ikaw ba ay nakaranas na ng mariwasang pamumuhay?"

"Sa totoo lang ho ay hindi pa, dahil dukha lang ho kami. ang ibang mga kapatid ko po ay nakaranas na ng ganoong pamumuhay dahil napag-asawa sila ng mayayamang babae," may himutok na sagot niya.

"Gusto mo bang maranasan ang buhay mayaman.?"

"Aba'y may sakit lang ho ang tinatanong ng ganyan."

"Kung ganoon ay pag usapan natin ang tungkol diyan. Doon muna tayo sa VIP room."

Hindi siya nagdalawang isip na sumama dito dahil interesado siya sa mga sinasabi nito.

---

Marami ng nakahaing pagkain at alak sa lugar na lugar na iyon nang dumating sila. pakiramdam tuloy niya ay talagang pinaghandaan nito ang pag uusap nilang dalawa.

"umunom tayo Greg."

pinagnigyan naman niya ito sapagkat pagkakataon na niya para makatikim ng masasarap na pagkain na bihira lang niyang matikman. Ganoon na rin ang mga imported at mamahaling mga alak na iniaalok nito sa kanya.

"May kasintahan ka ba sa ngayon?"

tanong nito matapos inumin ang isang shot ng vodka.

"Wala ho. may kinalaman po ba ang pagkakaroon ko ng kasintahan sa mahalagang bagay na ating paguusapan ?"

"Meron," bago pinalabas ng silid na iyon ang mga tauhan.

"Bakit hindi niyo pa ko diretsahin?

Ano ba talaga ang pakay niyo sa akin?"

...

"Gusto kong pakasalan mo ang anak kong babae."

-++++++++-

whaaaaah

pumayag kaya si Greg?????

abangan. ^.^

The GamblerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon