Chapter One

96 2 1
                                    

Ini -on ni Marie Claire ang kanyang CD player at pinakinggan ang kanta ng kanyang paboritong artista na si Daniel Cane. 


 Noong una ay hindi naman talaga niya paborito ang mga love songs . Mas paborito niya ang alternative musics , ngunit nang mapakinggan niya ang mga kanta ng kanyang iniidolo ay nagustuhan niya iyon . At higit sa lahat , crush na crush niya si Daniel Cane . 


     Unang nakita nya si Daniel Cane sa isang music video nito . Mula noon ay palagi na niyang inaabangan sa TV ang mga music videos nito . Hindi lang iyon, pati narin ang interviews dito .

 Para sa kanya ito ang kanyang ideal man na nagtataglay ng mga katangiang hinahanap niya---matangkad at may mga matang tila nakakapaso kung tiumingin . Ang hindi lamang nya gusto rito ay ang mahabang buhok nito . 

Matagal na syang may crush dito , simula noong second year highschool palang siya . Fifteen years old sya noon , at sixteen naman si Daniel Cane . 


   " Marie , sino ba ang crrush mo dito sa school natin ?" tanong sa kanya ng kaklase a kaibigan nyang si Sheyra . 


"Wala akong crush dito sa school , eh ," sagot niya rito . 

"Bakit naman wala? Para namang hindi kapani-paniwala 'yon. Marami namang gwapo rito sa school natin , ah. "

"Marami ngang gwapo pero , di ko talaga sasabihin sino crush ko, baka ipag kalat mo pa! " 

"Okay , diko talaga sasabihin kahit kanino , promise ." 

"Okay" maikling sagot ni Marie. 

"Sino? Mag share ka naman," udyok nito.

"Ayoko nga . Nakakahiya ,eh" tanggi nya .

"Unfair ka naman eh . Alam mo kung sino ang crush ko, pero ikaw ayaw mong magsabi sa akin kung sino ang crush mo," nagtatampong sabi nito. 

"Sige , sige . Pero huwag mo akong pagtawanan ha?" 

"Okay , promise." Itinaas pa nito ang kaliwang kamay .

"Si Daniel Cane," bulong nya rito. 

"Yung ba yung artista na dito nag aaral sa school natin ?" 

"Oo . 'Diba ang gwapo niya?"

"Kailan ka pa naging mahilig sa ganoong klaseng lalaki? 'Diba ayaw mo nang may bad boy image?" 

 "Ewan ko . Basta isang araw , bigla na lang naging crush ko sya . At hindi siya badboy , ha,"  pagtatanggol niya kay Daniel Cane. 

"Ay naku! Ang taas naman ng inaambisyon mo. Kunsabagay , bata pa naman tayo , makakakita ka pa ng iba," wika nito sa kanya . 

"Hindi na 'no! Alam mo, pagdating ng araw magiging asawa ko siya," nakangiti at nangagarap na sambit niya. 

"Hoy  , huwag ka ngang masyadong mangarap nang mataas . Atsaka huwag si Daniel Cane ang ibigin mo , masasaktan ka lang.


    Ang simpleng paghanga na nadarama niya para kay Daniel Cane noon ay lumalago habang lumilipas ang panahon . Hindi niya malimutan ang unang concert na dinalhan niya . Sa kasamaang palad ay hindi niya ito nakita sa malapitan . Noong malapit na itong dumaan sa kinaroroonan niya , may sumiko sa kanya , kaya natumba sya at hindi nya ito nakita. 

Crush ko Idol nyo Where stories live. Discover now