CHINITO: Prologue

2.7K 54 3
                                    


Purong Intsik ang tatay ni Jeff, maputi, gwapo at isang negosyante na may-ari ng grocery strore. Maganda naman ang takbo ng negosyo ni William dahil marami ang pumapasok at bumibili ng kanyang mga paninda. Dito niya rin nakilala si Joyce, isang magandang babae na nagtratrabaho sa kanyang store. Nahulog kaagad ang loob niya sa babae at nilagawan ito. Nagpakasal silang dalawa pagkatapos ng dalawang taon at nagkaroon ng mga anak.

Pagkalipas ng ilang araw ay tumawag ang mga magulang ni William at pinapauwi siya sa China kasi may problema daw at kailangan siya doon. Nagpaalam si William sa kanyang iiwan na pamilya at nangako na uuwi kaagad. Walang magawa si Joyce sa pag-alis ng kanyang asawa dahil pamilya niya ang tumawag sa kanya.

Naghintay at naghintay si Joyce ng ilang buwan pero walang William na pumasok sa pintuan ng bahay.

Ngunit isang araw, may isang lalake ang nakatayo sa labas ng gate na merong kasama na buntis na babae.

"Nay, parang may tao sa labas" sabi ni Jenny na nakasilip sa bintana at nakatingin sa labas "Si tatay 'ata at meron siyang kasama"

"Talaga anak?.. sige pagbuksan mo ang tatay mo at para sabay na lang tayo kakain" habang inihanda ni Joyce ang kanilang tanghalian

Nang umakyat na si William at ang babaeng kasama niya, agad na sinalubungan ni Joyce ang kanyang asawa ng yakap at halik.

"Mahal, miss na miss talaga kita. Hindi ako nakakatulog nung mga gabi na wala ka sa tabi ko." at napatingin siya sa babae. Muntik niya nang makalimutan na may kasama pala ang asawa niya sa pagpasok ng bahay. "Sino siya Mahal?..Kapatid mo?.."

Biglang natahimik si William, hindi niya alam kung saan magsisimula at parang nanginginig ang buong katawan.

"Buntis ka??" nagulat si William dahil malaki ang tiyan ng kanyang asawa.

"Oo Mahal. Ito yung bunga ng pagmamahal natin nung araw na umalis ka papuntang China" sabay himas ni Joyce sa kanyang malaking tiyan. Pero walang imik si William sa sinabi ng asawa "Mahal? Galit ka ba sa akin?"

"Hindi... bakit naman ako magagalit sa'yo?" at hinawakan niya ang kamay ng asawa "Joyce?..Mahal ko?... meron akong sasabihin sa'yo" sabay hawak ni William sa kamay ng asawa.

"Ano yon Mahal?" sagot naman ni Joyce na tila kinakabahan sa sasabihin ng kanyang asawa.

Tumingin si William sa kanyang mga anak ng matagal at bumalik muli ang tingin niya sa asawa "Mahal, pwede mo ba silang papasukin sa kanilang mga silid?" pabor niya sa asawa.

"Bakit ba Mahal?? Ano ba ang sasabihin mo?" takang tanong ni Joyce "Pinakakaba mo ako Mahal ah"

"Please. Sundin mo lang ako Mahal. Para hindi nila marinig ang sasabihin ko" pagmamakaawa ulit ni William na parang humina ang tono ng boses.

"Sige. Mga anak, pumasok muna kayo sa kwarto ninyo" at hinintay nila na pumasok ang mga bata.

Humarap muli si Joyce sa kanyang asawa na kumakabog ang kanyang dibdib. "Ano ang sasabihin mo sa akin, Mahal?"

Tinawag niya ang kanyang kasamang babae na lumapit.

"Siya si Ming, ang bago kong asawa galing China" bigla siyang sinampal ni Joyce ng malakas.

"Ano 'to, William?? Ang kapal din ng mukha mo na ipakilala mo sa akin ang kabet mo!!"

"Mahal... gusto ko sanang ipaalam sa'yo ito pero pinipigilan ako ng mga magulang ko. Hindi sila kasi boto sa pinay na asawa kasi gusto nila ng Intsik din ang magiging asawa ko. Sana mapatawad mo ako Mahal"

CHINITO (Bimale Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon