Chapter 1

1K 11 0
                                    

Jaydee POV

______________________________

Ako nga pala si Jaydee San Joaquin, 16 years old. Mahirap lang kami, ipinanganak nga pala ako sa isang squatter area, at hanggang ngayon dito padin kami nakatira.

Yung hitsura ko?..

Tama lang ang taas ko bagay para sa slim kong katawan. Mahaba ang aking buhok na lampas ng konti sa balikat hindi ko talaga yan pinagupitan mula ng tumuntong ako sa sekondarya. Maputi ako at makinis ang balat, nagtataka nga mga kaibigan ko nung una ko silang dinala sa amin, hindi sila makapaniwala na sa ganong lugar ako nakatira, dahil hindi daw bagay sa kutis ko. (ansabi?).hahaha

Bata pa lang ako alam ko nang iba ako sa mga kalaro kong lalaki, mahinhin kasi ako kumilos, kaya naman tinutukso nila akong bakla. Eh ano pa bang inaasahan?.. Pero wala ako pakialam sa kanila ganito ako eh. Hindi man nila ako tanggap pero tanggap naman ako ng pamilya ko kung ano man ako ngayon. Proud pa nga sila na nagkaroon daw sila ng anak na ganito, matalino na maganda pa! ..(totoo un!, piktusan kita, J.)

______________

Kakatapos ko lang mag almusal at nagpaalam na ako.

"Nay, tay, alis na po ako", sabi ko with hugs and kisses.

Excited na ako pumasok kasi first day of school, 4rth year na nga pala ako. Sana magkaroon din ako dun ng maraming kaibigan.

"oh sige ingat ka!", sigaw ni nanay habang nasa labas na ako.

_______________________

Paglabas ko sa aming Subdivison este squater pala, agad na akong nagtungo sa sakayan ng Jep. Medyo malayo din ang paaralang nilipatan ko. Sa isang private school nga pala ako nag transfer, pinipilit ito itinataguyod ng aking pamilya gusto kasi nila sa isang pribadong paaralan ako magtapos sapat na daw yung tatlong taon kung pananatili sa public school, para naman daw maiba. Si nanay ay isang tindira sa palengke at si tatay naman ay tricycle driver. Mapalad parin ako na kahit mahirap lang kami binigyan nila ako ng oportunidad na makapasok sa skol na yun, kaya naman hindi ko ito sasayangin bagkus mas papagbutihin ko para sa aking mga magulang.

______________________________

Biglang pumara ang jep. Andito na pala kami sa tapat ng papasukan ko. Kaya syempre bumaba na ako.

Pagpasok mo pa lang sa gate ng iskol na to, makikita mo agad ang magagarang sasakyan, halatang mayayaman ang lahat na nag aaral dito. Kaya kahit na kinakabahan, kinalma ko lang ang sarili ko at agad na pumasok.

Sinayang na Pagkakataon (M2M, boyxboy, gay) by VampitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon