Chapter 2

768 11 2
                                    

Jaydee POV

______________________________

Naglalakad na ako ngayon sa koridor at napapansin ko lahat ng studyante nakatingin sakin, yung iba may pangungutya ang tingin, may nagbubulungan, meron din naman na nakangiti sakin. Yung totoo? Ngayon lang ba sila nakakita ng bakla?, kaloka.

Ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad hanggang makita ko ang hagdan patungo sa second floor. Ang alam ko kasi nasa taas ang room ng 4rth year. Tama kayo nasa section 2 lang ako kasi hindi daw ako pwede mapabilang sa pilot section kahit na matataas ang grades ko dahil transfer lang ako.

Pagdating ko sa taas agad kong hinanap ang room ng 4rth yr. section 2.

Finally natagpuan ko din. Pagbungad ko sa pinto ng classroom may techear na sa unahan. Late na pala ako ng ilang minutos.

Napako ang tingin ng lahat sakin ng magsalita ako.

"Sir, excuse, this is the room of 4rth year section 2, right"? English ang peg.

"Yes, come in, i think your the transferee from the PUBLIC school right?" ipag diinan ba naman ang salitang PUBLIC.

"Yes sir." nakayuko kong sagot.

"OK introduce your self first."-sir

"Hi everyone, I'm Jaydee San Joaquin, you can call me Jaydee, please be good to me." pagpapakilala ko habang ang lahat ay titig na titig sakin.

"OK jaydee, you can occupy the chair between Ms. Santos and Mr. Contreras."-sir

Agad na akong umupo sa silya na itinuro nito sa kin at nginitian ng ubod tamis ang dalawa kong seatmate.

Mamaya na lang ako makikipag-usap sa mga bago kong classmate. Mukha naman silang mababait.

LESSON

..

LESSON

..

LESSON

..

ACTIVITY

..

NEXT CLASS !!!

..

LESSON

..

ACTIVITY

..

SEATWORK

..

RECESS !!!!!!!

______________________________

Finally recess na din. Namiss ko tuloy ang mga bruha sa public school, sa oras na ito sama-sama sila sa canteen, masaya, nagtatawanan. Hayy!

"Wui, bakla! Tara sama ka, punta tau sa cafiteria, sabay kna samin." - infairness nakakabingi ha, ganito ba tlaga to mag salita?

"ha?!, ah eh__... " nauutal kong sabi.

"By the way I'm Johnson and This is___.." naputol ang sasabihin nito ng biglang magsalita ang babaeng katabi nya na kanina pa nakangiti sakin.

"I'm Karen 'teh, ang pinakamaganda sa School na toh", agad nitong singit.

"Ay nagsalita ang baklang nagkatawang babae, actually teh, dito lang sa room natin yan maganda, no choice eh." litanya ni johnson sabay ngirit sakin.

Dahil sa sinabi nito kaya kami nagtawanan.

"Grabeh ka naman bakla, sakit ha." sabay nguso nito.

Kayat nagtawanan ulit kami.

Sa totoo lang maganda naman talaga itong si karen, masyado nga lang madaldal, at kung umasta parang bakla.

Sinayang na Pagkakataon (M2M, boyxboy, gay) by VampitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon