Umiiyak siya. Nasa tabi sya ng stop sign, umiiyak sa gitna ng ulan.
Di ko alam ang dapat sabihin sa kanya. At di ko rin alam kung bakit ako pumumnta kaagad sa kinatatayuan nya noong malaman ko na nakipaghiwalay na sa kanya si Angelo. Impulse ng pagiging kaibigan? Pwede rin. Impulse ng umiibig? Hmm. May possibility.
Di na ako nakapagdala ng payong. Ibinalot ko sa kanya ang suot kong jacket at inalalayan sya sa malapit na waiting shed.
Ikinuwento nya ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Nabuntis sya ni Angelo, nakita nya na may kasamang ibang babae ang kasintahan sa mall, inaway nya ang babae, at ang masasakit na sinabi ni Angelo bago tuluyang hiwalayan sya nito. Sa loob ng dalawang buwan na di namin pag-uusap, pakiramdam ko ay bumabalik ang dati naming pagsasama. Kaso, imbis na saya, lungkot at galit ang nadarama ko para sa kanya.
Ilang beses ko na ba syang sinabihan na hiwalayan na si Gelo? Ilang beses ko na ba syang binalaan na two-timer ang boyfriend nya? Ilang beses ko na syang pinaalalahanan na huwag nyang antayin ang oras na iiyak sya dahil kay Gelo? Maraming beses na rin.
"Tama ka, Nate. Tama ka. I'm sorry," sinasabi nya habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang mga pisngi. Nakapationg ang ulo nya sa kaliwa kong balikat. Ako naman, naaakbay ang kaliwang braso sa balikat nya.
"Wag kang mag-apologize sakin. Ako ang dapat mag-sorry sayo, kasi wala ako sa tabi mo noong mga panahon na kailangan mo ako." Niyakap ko sya ng mahigpit.
.
.
.
.
Tama. Dapat akong mag-sorry sayo, Hanna. Kung sinabi ko sayo kaagad, sana di ka nagkaganito. Sana... sana... sana...
AUTHOR'S NOTE: hey guys!!! first story ko po ito!!! enjoy nyo lang po!!! BTW, every Sunday po ang updates ng story ko. Baka ilagayko na yung chapter 2 bukas or sa Sabado.