June 16, 2008. Pasukan na naman. At late ako sa first day.
Eto ang mahirap kapag bumibiyahe ka papasok sa eskwela kada umaga. Hindi mo alam kung ano ang daloy ng trapik. Isama pa ang factors na 4 kilometers ang layo ng school ko mula samin, at iba-ibang ruta ang dinadaanan ng mga FX. Kaasar talaga.
Tinignan ko ang relo ko. 6:54 AM. May flag ceremony pa kami ng 7:00 AM. In-analyze ko ang sitwasyon ko: 100 meters na lang ang layo ko sa school. Di na masyadong gumagalaw ang mga sasakyan. Options? a) Tumakbo papuntang school, dumiretso sa locker, at pumila, or b) Hahayaan ko na ang na pagalitan ako ng Prefect Committee.
Screw that. Option A na lang.
Bumaba ako sa FX. Takbo. Nakarating sa gate ng school at binati ang guard. Inspection ng bag. Takbo papunta sa 2nd floor kung saan makikita ang locker ko. Ini-enter ko ang combo ng Locker 241. 3-2-7-5. Inilagay ang backpack sa locker. Takbo naman pababa sa grounds. Mabilisang hinanap ang 3rd year-section 1. AT tumingin sa relo. 6:59 AM. 5... 4... 3... 2... 1... RRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGGGGG!!!
On-cue ang bell. Narinig ko ang boses ng Class President namin na si Jake mula sa speakers. At nagsimula na nga ang flag ceremony.
.
.
.
7:15 na nang matapos ang flag ceremony. May 15-minute adjustment time ang lahat bago magsimula ang klase. Karamihan ng mga estudyante ay nagkalat sa grounds, ang iba nasa lockers nila, ang iba late, at ang iba ay pumapasok na sa mga classrooms nila. Dumiretso ako sa locker ko upang kunin ang sling bag na ginagamit ko habang may klase at ilagay doon ang notebook at class schedule ko.
Chineck ko ang class schedule. Ayos, Computer 3, Computer Lab 3. Kelangan ong bumaba dahil nasa ground floor ang lahat ng computer labs ng Roosevelt High School. Pagdating ko sa loob ng lab, lilima pa lang kami: ako, si Jake, ang dalawa kong best friends na sina Philip at CJ, at si Hanna Morales, ang super-duper-mega-ultra-ultimate-hyper crush ko mula pa noong 1st year ako.
Ewan ko ba kung bakit, pero sa tingin ko di ako mapapansin ni Hanna. I mean, sya ang President ng English Club, Editor ng Roosevelt High Chronicles, member ng RHS Choir, at candidate for Junior Prefect. Kung iukumpara mo ang status nya na Popular Girl, ako naman si Average Joe.
Dalawang beses ko na ring naisip na aminin sa kanya na crush ko sya. Una ay noong Intramurals namin noong 1st year kami, kasama ko sya sa Logistics committee. Kaso nung sasabihin ko na, nagkaroon ng kaguluhan, at di ko nasabi sa kanya dahil sa panic ng lahat ng estudyante. Pangalawang beses naman ay last year, nagkaroon ng dance performance ang buong section namin. Plano ko na sabihin sa kanya after ng sayaw. Pero naudlot na naman kasi nadulas ako backstage at naungtog ako sa sahig, kaya kinakailangan akong dalhin sa clinic dahil dumugo ang ulo ko. Ayun, postponed na naman ang pag-amin, napahiya pa ako.
In short, ako ang Ultimate Torpe.
"Nate, doon tayo sa 1st row umupo. Balita ko by row daw ang groupings," bulong sakin ni Philip, ang loko kong best friend. Sikat sya sa school dahl palakaibigan sya at mahilig magpatawa. Pumayag ako. Sa bawat row, may 5 chairs. Umupo ako sa 2nd to the right chair, malapit sa pintuan. Nasa kaliwa ko at gitna namin ni Philip si CJ, ang genius kong best friend. Honor student mula pa noong Nursery pa lang sya, lagi sya sa gitna namin dahil kelangan namin ng infos kada lesson. Bakante pa rin ang upuan sa kanan ko, samantalang ang tabi Philip ay okupado na ni Jake. Nagkwentuhan muna kaming apat habang inaantay ang teacher at iba naming mga kaklase, tutal 7:30 pa naman ang klase.
Nanamihik at nagsibalik sa upuan ang lahat nang pumasok si Mrs. Chiu, ang teacher namin sa Computer. Nilapag nya ang kanyang mga gamit sa teacher's table at nagsalita. "Good morning class, I'm Mrs. Annabelle Chiu, your teacher in Computer 3 and your Class Adviser." Mukha syang istrikto, pero malambing ang boses ng medyo matabang teacher na nasa early 50s na. Tinignan nya ang room, pero huminto ang tingin nya sa row namin. "Oh, bakit apat lang kayo?"
Tinignan ko ang row namin. Ako, si Philip, CJ at Jake nga lang ang nakaupo dito. "Can anyone move to that empty chair please?" May lumipat naman sa tabi ko makalipas ang ilang sandali. Si Hanna.
Di ko pinahalatang kinikilig ako, pero nararamdaman ko ang pag-init ng tenga ko. Pero nahalata naman siguro ni CJ ang nangyayari sakin, kaya siniko nya ako sa tiyan.
Nagturo si Maam Chiu ng laboratory conducts at Internet etiquettes, pagkatapos ay binigyan kami ng groupwork. Tama nga si Philip, kaming lima nga ang magkakagrupo. Kelangan naming gumawa ng guidelines ng etiquettes at conducts at kelangan naming maging creative sa paggawa. Naisip ni CJ na dapat ay gawin naming tula ang conducts at gumawa kami ng illustrations para sa etiquettes. Which means na kami ni Hanna ang gagawa sa conducts, dahil alam ni CJ na magaling akong gumawa ng tula.
Habang nag-iisip ako ng magandang rhymes, nilapitan ako ni Hanna. Pasimple akong kinikilig habang gumagawa ng tula, nang bigla syang magsalita. "Pwede patingin ng nagawa mo?" Iniabot ko kaagad ang notebook na hawak ko. Binabasa nya ang 2 stanza na nagawa ko na, at sinabi nya na okay na ito. Whoo. Muntikan na naman akong mapahiya.
Tinanong nya ulit ako. "Di ba ikaw yung nadulas last year backstage after nating sumayaw? Ano pala name mo? Antagal na nating magkaklase, di ko pa rin alam ang pangalan mo." Ewan ko ba kung maaasar ako. Yung pagdulas ko, naalala nya, samantalang yung pangalan ko di nya alam. Nauutal akong sumagot. "Umm. A-ako s-s-si N-na-Nathaniel S-santos." Aw. Napahiya ako, pero ngumiti lang sya. "Ang haba naman ng pangalan mo. Can I just call you Nate?" Tumango na lang ako.
Habang inaayos namin ang tula, may pumasok na prefect sa classroom. Lumapit sya kay Maam Chiu at may inabot na papel. Yun na siguro ang mga napiling Junior Prefects. Sa section 1 lagi kinukuha ang mga Junior at Senior Prefects.
Tinignan nya yung papel, at tumayo pagkatapos. "Announcement everyone! Napili na ng Prefect Committee ang dalawa sa inyo for Junior Prefect. They are to leave the room immediately at dumiretso sa Library sa 4th floor. And the Prefects are...
.
.
.
Hanna Morales and Nathaniel Santos."
AUTHOR'S NOTE: hello ulit sa lahat!!! sorry kung medyo magulo yung pagkakasulat ko. chapter 2, meron nang sweet moment sina Nate at Hanna. feel free to comment!!!