Middle

5 0 0
                                    

Once a week napunta ako lagi sa labas ng bahay nila Arth, although alam ko namang wala akong pupuntahan dun. Tanga lang. Baka kasi bigla siyang lumabas eh. Malay mo naman diba? Edi okay yon pag bigla siyang lumabas don ang sarap sa feeling non para akong niyakap ni inay. Hahahahahahaha!!

Umuwi din ako kinagabihan at natulog na lang din. Wala na naman akong magawa. Nag post na lang ako sa facebook ng selfie ko sa labas ng bahay nila Arth caption "Chillin" biglang

Arth Chase Navallo commented on your photo.

Arth Chase Navallo: Ginawa mo pang tambayan labas namin! Gwardiya ka na pala diyan?
Atheenex Candice Ylo: Tanga ka. Ganda ko!
Arth Chase Navallo: K?

Akala ko ba tulog na yung gunggong na yon tangina aba. Machat nga!

Me: Goodmorning hininga!!! Ba't gising ka pa? Umaga na diyan sa inyo ah?
Arth: Good morning hininga ka dyan. Sinusumpong ka na naman dyan.
Me: Aga mo nagising?
Arth: Di ako makatulog.
Me: Mahal ka din non.
Arth: Gago! Hahahahahaha!

Nakatulog na ko sa sobrang antok nagsend pala si Choy ng pic niya habang nag dodota. Gwapo talaga wooh! Hahahaha pero nakakalungkot isipin na di siya uuwi hay. Mag bibirthday pa naman ako :(

Me: Hey. I bet you're still sleeping. I just woke up. Sorry nakatulog ako. Goodnight sleep tight.

Hirap pag magkabilang mundo no? Walanjo nakaka inis. Iibig na nga lang yung nangibang bansa pa juscolored.

Pumunta na lang ako kila Arnold. Kasi bakasyon naman eh edi siya lang makakausap kong matino. Kahit hindi -____-

"Arn, mahal ko na ba kaya talaga si Choy?" Napaisip kong tanong kay Arnold.

"Malamang AC! Stop stating the obvious no. Its been 6 years since nag confess ka sakin nan."

Well. Oo nga naman napaisip lang din kasi ako na what if magkita kami ni Choy? Same feelings kaya? Pero sure naman akong mahal ko na siya.

Umuwi na din ako. Tinatamad na ko makipag kwentuhan at parang nalulungkot lang naman ako. Birthday ko pa naman bukas.

Umuwi ako. Bakit di online si Choy...

Nag-leave ako ng message.

Me: Hey. Bakit di ka online? What are you doing? Hows your day? Chat me when you're up!!! Have a good day.

Its my birthday...no response from Arth. Nice one. Happy 18th Birthday AC!!! Wow 18 ka na NBSB ka pa din flat chested and straight ka pa din. People are greeting me a happiest birthday. Cheers to my legality daw kamo at pwede na din daw ako makulong. I have a debut party yes. I don't know the location. It'll be surprise daw e? Nakakalungkot sa dami dami ng nag-tweet sakin. Sa mga posts sa fb and pms sakin sa fb or twitter. Wala man lang greet ni Arth. Napapaisip pa din ako.

Nakalimutan niya kayang birthday ko? Or busy siya? Chineck ko messenger ko. Tinignan ko chatbox namin ni Arthur. And the fuck he's active 4 mins ago. Hindi man lang sineen chat ko?!

Mag gagabi na din pala. Minake upan na ko ng artist dito. Akala ko simpleng party lang. Bakit parang bongga ata? Hindi naman ganito hiling ko.

Wait for me to come homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon